CHAPTER 5: ANG HULING LALAKI?

1105 Words
Parang nilalamon ang pagkatao ko ng pulang mata, halos ‘di ako makahinga, tumagal ng limang minuto ang kalbaryong iyon, hanggang sa biglang lumiwanag ang kapaligiran at nakahinga na ako ng maluwag.  Hapon na? Biglang naging hapon ang paligid, nawala din ang mga treasure hunters ek ek at naging maaliwalas ang loob ng bahay, naging bago ang mga kagamitan sa mansion, tulad ng sofa at mamahaling vase, lamesa at mga picture frame, bagong-bago lahat, nakakaloka! What is going on?  May lumabas mula sa kusina na babae, hindi ko siya kilala, kinilabutan ako dahil nakasuot ito ng makalumang bestida na pangkatulong. Oo nga, katulong nga si ate girl, kasi busy-busyhan siyang maglinis sa sofa. Dinideadma niya ang aking existence. Nagta-time travel ba ako?  “FRANCISCO…” May narinig akong boses na ‘di ko malaman kung saan nangagaling, mukhang voice over.  “Francisco!” Tawag ulit ng boses sa pang tatay kong pangalan.  “Yes po, big brother?” Tanong ko sa boses.  “Ako ito si Prof Elmo!”  “Prof Elmo?”  “Oo, ako nga ito, si Prof Elmo.” “Uy prof Elmo, kumusta ka na?”  “So-so. Ikaw ba?” Sabi ulit ng voice over.  “Ito, nai-stress ako dito, feeling ko nasa... Teka, ‘di ba ikaw ‘yung treasure hunter na nangingidnap ng mga estudyante, na pinasok ako sa loob ng mansion at gusto mo na sumali ako sa grupo niyo dahil ako ang huling lalaki na may kakayahan na makakuha ng kayamanan na ipinamana ng great-grandfather ko na apparently, ikaw din ang may pakana kung nasaan ako ngayon.” “Good boy, tama ka dyan Francisco.”  “Anong tama ka diyan? Hayop ka, ibalik mo na ako sa totoong oras, hindi nga ako sasali sa treasure hunting nyo... mga oportunista kayo! Kung gusto nyong yumaman magtrabaho kayo ‘wag nyo kong inaabala!”  “Hayop ka din! Inamo gagu!  “Mas hayop ka! Walang kang kwenta!”  “Huwag mo akong gigilin Francisco, hanapin mo ngayon din ang kinaroroonan ng mapa ng treasure ng lolo mo! You have to be obedient Francisco because you only have 15 minutes to get back here alive.” “Hindi ako natatakot. Kuntento na ako sa mga accomplishment ko at mga experience ko in life, mas pipiliin ko pang mamatay kaysa gawin niyo akong pain para yumaman. Mamatay kayo sa gutom!”  “Ah talaga ba Francisco? Mmmm…. nakaranas ka na ba ng... s*x? French kiss… hahaha o kaya naman ‘yung romansa na abot langit ang sarap? Ayaw mo na ng ganon? Ayaw mo ng makan…”  “Tama na! Nasaan ba kasi ang mapa na ‘yan?”  Wala na akong nagawa kundi hanapin ang mapa, tama nga naman, ayaw ko din namang mamatay na virgin. Bahala na.  “Rosa, tumawag ng doktor! Ang Don Francisco!” Sigaw ng napakagandang babae sa second floor mula sa kwarto na tinutulugan ko ngayon. Siya ata ang aking great grandmother. Pumunta ako sa kwartong iyon, nakaratay at nanghihina si Don Francisco sa malaking kama.  “Lupe, alam kong hindi na ako magtatagal, kunin mo ang maliit na baul sa aparador.” “Oo, mahal ko.” Kinuha ng lola ang maliit na baul at ibinigay sa nakaratay na si Don Francisco.  “Mga kaibigan kong engkanto, diwata at mga ligaw na kaluluwa, alam kong naririto kayo, inyo sanang protektahan ang mapang ito at ang itinago kong kayamanan, ang huling lalaki na magdadala ng aking apelyido sa aking angkan  ang nararapat na magmana ng kayamanang ito.” Mga salitang isinambit ni Don Francisco habang hawak-hawak ang maliit na baul.  Unti-unti kong nakikita ang mga kakaibang nilalang na nakapalibot sa aking lolo, nakita ko ang mga diwata na ubod ng puti, malalaki ang mata at sobrang ganda, pati narin ang mga duwende na super cute, para lang silang mga maliliit na toddler at marami pang sari-saring engkanto ang naroon na hindi naman nakakatakot compared sa mga maligno ni Jessica Soho, kung tutuusin, mas pangit pa ang itsura ko sa kanila. Lumiwanag ang buong kwarto at nabalutan ng colorful sparkles, parang magic talaga, ang saya. Biglang naglaho ang mga engkanto sa paningin ko nang may pumasok na katulong.  “Senyora, inutusan ko na po si Carlitos na tumawag ng doktor.” Sabi nito.  “Hindi na kailangan Rosa, tinanggap ko na ang aking kapalaran. Ibaon mo na lamang ang baul na ito sa hardin at taniman mo ng maraming bulaklak.”  “Masusunod Don Francisco.” Maiyak-iyak na sinabi ng katulong at kinuha ang inabot sa kanyang baul at kaagad namang sinunod ang pinaguutos ng lolo.”  “Lupe, mahal kong asawa, ikaw na ang bahala sa ating anak na si Francisco, hindi ko na siya mahihintay pa. Mahal na mahal ko kayo Lupe.” Mga huling salita ni Don Francisco sa kanyang humahagulhol ng asawa habang sila’y magkayakap.  “Francisco, mayroon ka nalang dalawang minuto para makabalik dito.” Sabi ng voice over.  “Opo, kuya.” Nakasimangot kong sinabi sa kanya.  Agad na akong pumunta sa hardin para makita ang eksaktong pinaglibingan ng mapa. Pero bago pa man ako makalabas ng bahay, isang babae na may makaluma rin na kasuotan ang humarang sa akin.  “Francisco, kahit anong mangyari, huwag mong sasabihin kung nasaan ang mapa.” Sabi ng babae sa akin.  “Pero kailangan kong makabalik.” Sabi ko sa kanya.  Sumulpot din sa likod ko ang isang makalumang lalaki.  “Francisco utang na loob, kahit anong mangyari, huwag mong sasabihin.”  “HUWAG MONG SASABIHIN FRANCISCO, HUWAG MONG SASABIHIN.”  Dumami sila ng dumami at sumisigaw na huwag kong sasabihin ang kinaruruunan ng baul. Nahihilo na ako sa mga paulit-ulit na salitang naririnig ko at hindi na ako makahinga. Ang tanging nasa isip ko noon, gusto kong makabalik na sa present time kaya pinilit kong makatakbo patungo sa garden kahit maraming tao o anumang klaseng espiritu ang humaharang sa akin.  Nagawa kong makalabas ng bahay na hingal na hingal, hindi na akong nagawang masundan ng mga espiritu pero nakikita ko pa rin sila sa loob ng bahay na paulit-ulit na sinasabing “Huwag mong sasabihin Francisco, huwag mong sasabihin.”  “Francisco. huling tatlongpung segundo.” Sabi ng voice over.  Tumakbo ako papunta sa garden, dumidilim na, halos wala na akong makita.  10.. 9.. 8.. Hindi ko makita si ROSA, nasaan si Rosa?! 7.. 6.. 5..  “ROSA!”  4.. 3.. Nadapa ako.  2.. At unti-unti kong naaninag si Rosa, patuloy na naghuhukay sa lugar kung saan ako nadapa.  1.. “Nakita ko na, nakita ko na!” 0.. TO BE CONTINUED…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD