KABANATA 01

3134 Words
 “Where are you, Hija?” panimula ni Auntie Flavia mula sa kabilang linya. I immediately turned off my phone's camera before she could see my background. Nasa tapat ako ngayon ng isang mamahaling bar at iniisip kung tatapak ba ako sa loob. Kahit na masayang panoorin ang iba’t-ibang kulay na umiindak sa loob, pakiramdam ko’y malungkot pa rin ang pagpapakahulugan ko rito. “Darating kami d’yan ng mga pinsan mo sa forty days, Hija,” patuloy ni Auntie. Kitang-kita ko ang hawig ng mukha nila ni mama sa screen ng aking phone. “Please, help yourself. Miski kami rito ay nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng iyong mga magulang…lalong-lalo na sa iyong ina.” Mabuti na lang at naka-off ang  camera ko kaya’t malayang mangilid ang luha sa aking mata. I’m sad.  I'm still hoping to go back in time, and to the good old days where I usually spend a peaceful evening with my parents. I still mourn. I'm honestly dealing with some stress and discouragements in life. I want comfort, but I couldn't find it. “What’s that noise? Are you out with your friends, Hija?” ani Auntie mula sa kabilang linya. “Hindi po, Auntie. Napadaan lang po ako sa tapat ng isang bar. Pero pauwi na akong bahay ngayon,” tugon ko. Nagbilin pa muna ito sa akin ng mga bagay na dapat kong alalahanin. Um-oo lang ako bilang pagsang-ayon sa kaniya. Hindi na rin tumagal ang usapan namin hanggang sa nag paalam na rin kami sa isa’t-isa.  Sa mga sumunod na araw, wala akong ibang ginawa kung hindi ang mag trabaho sa malaking kompanya, ang Cake and Café Shop kung saan ako nagtatrabaho simula noong kolehiyo pa lang ako. I earned their trust already, ang ilang skills na taglay ko pagdating sa cakes ay natutunan ko rin mula sa mga biteranong cake artists na kasama ko, kaya’t kabilang na rin ako sa kanilang team tuwing may gagawin silang cake para sa mga mayayamang kliyente.  Noon pa man ay dito na rin nagtrabaho ang aking mga magulang. Sa paraang ito nila ‘ko itinaguyod. Kung hindi lang siguro sila namatay dahil sa car accident noong araw na ‘yon, baka kasama ko pa rin sila hanggang ngayon sa paglalagay ng designs sa bawat cake. “Uso ngumiti,” nilingon ko kung sino ang nagsalita, si Theron, isa rin sa matalik kong kaibigan noong SHS pa lang ako, bukod pa riyan ay kabilang din siya sa mga design and sculpting team dito noon. Pero dahil isa na siyang ganap na Engineer ngayon, libangan na lang niyang tumulong dito tuwing wala siyang aasikasuhing trabaho sa site. “Ang seryoso niyo talagang mga nandito sa Design and Piping Area, boring n’yo.” Patuloy niya. “Bakit ka narito kung gano’n? Boring pala, eh,” saad ko naman, abala sa paglalagay ng piping sa cake. “Hinihintay ko ‘yung  molding chocolate na pinapakuha sa ‘kin ni Executive Chef.” Tugon nito sa ‘kin. “Akala ko naman kung napatigil ka na naman dahil sa taglay kong ganda,” pabiro kong sambit, tsaka humalakhak. “Umamin ka na kasi, Theron. Pumapatol naman ako sa licensed Engineer, eh. Arte mo!” Nandidiri niya akong sinulyapan. “Abno ka ba? Kilabutan ka nga! ‘Yong molding chocolate ang pinunta ko rito.” “Sus, Theron…” tanging nasabi ko habang patuloy pa rin sa paglalagay ng piping sa cake. “Sana ay okay ka lang, Smile,”  inilangan ako nito at saka sumandal sa malapit na island counter. “Nga pala, kamusta iyong naganap na board exam mo? T*ng*na, sana naman sineryoso mo 'yong review center na dinaluhan mo, Smile,” aniya. “May resulta na ba exam?” Umiling ako bilang tugon, abala pa rin sa ginagawa. Tsaka anong akala niya sa akin? Hindi seryoso sa ginawang review? Halos hindi ko na nga tulugan ang pagdadasal para lang pumasa, eh. Pero sa katunayan, nakaramdam ako bigla ng stress nang ipaalala niya sa akin ang tungkol d’yan. Kabado parin ako sa magiging resulta ng exam. Alam ko kasi kung ano ang maaaring maging epekto no’n sa mental health ko kung sakaling bumagsak na naman ako.  Bumuntonghininga ako tsaka ihininto ang ginagawa. “Theron, paano kung di na naman ako pumasa?” tanong ko. Nilingon niya ako.  “Kaka-social media mo ‘yan. Tigil-tigilan mo na kasi,” anito. Sinamaan ko siya ng tingin dahil do’n. Ibinaba ko ang hawak na piping bag bago ko siya tuluyang harapin. Kita niyang seryoso ako tapos ganyan ang kasagutan! Ang bastos ng ugali! “Ano  na namang koneksiyon no’n, ha?” saad ko, nakapamewang na. Humalakhak siya sa sinabi ko. “Wala. Biro lang ‘yon. Papasa ka. Tiwala lang.” Sa huli ay pinaniwalaan ko na lang ang sinabi niya kahit na alam kong maaring hindi ako muling magtagumpay. Muli kong hinawakan ang piping bag bago nagpatuloy sa cake.  “Gagi, kabado pa rin  ako.” Tanging nasabi ko. “Nag law of attraction ka ba? Sana ginawa mo ‘yon. Swerte raw sabi nila Calliope,” anito sabay tawa habang umiiling. “Naniwala ka naman? Uto-uto ka rin, e.” “Bakit hindi? Tuwing kasagsagan ng board exam, lahat ng paniniwala para pumasa ay papatulan mo talaga upang makadagdag iyon sa swerte.” “Ang bulok naman ng paniniwala mo,” saad ko, patuloy pa rin sa paglalagay ng piping sa cake. Ang tanda ko na para sa law of attraction na ‘yan. “Hindi ko kailan man gagawin ‘yan.” Dugtong ko sa sinabi. Nang ibigay ang molding chocolate sa kaniya, mabilis niya itong inabot. Sinulyapan niya muli ako bago magsalita. “Ikaw, hindi maniniwala sa law of attraction, Smile?” nagdududa niyang sambit sa akin. “I doubt. Halos  itsura n’yo na lang parati ni Calliope ang nakikita ko sa socmed, nakakasawa na rin." Masama talaga ang budhi ng nilalang na 'to! Sinamaan ko siya ng tingin tsaka umambang ihahampas sa kaniya ang piping bag na mayroon ako. Mabilis niyang ipinakita sa akin ‘yung molding chocolate na hawak niya, hudyat na hindi ko siya maaaring hampasin dahil mabibitawan niya ito.  “Doon ka na nga, shoo!" pagtataboy ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako bago siya tuluyang lumayo. Ako naman ay muling nagpatuloy sa ginagawa habang hindi pa rin matigil sa pag-iisip kung ano nga ba ang resulta ng board exam ko. Badtrip, nakaka-stress ang gan’to. Naging payapa naman ang naging daloy ng lahat nang sumapit ang forty days ng aking magulang. Kahit hindi sabihin ni Auntie at ng mga pinsan ko, alam kong nag-aalala sila para sa akin. Pansin ko ang pagpipigil nila na may masabing malungkot na pangyayari na maaring makapagpaalala ng mga yumaong magulang ko. Miski ako’y pinipilit ko lang din ang maging maayos kahit na may kaunting  kirot pa rin. “Hija, maari ka namang mag bakasyon muna sa amin, do’n sa Cagayan. Mas makakatulong muna ‘yon para sa ‘yo,” suhesiyon ni Auntie Flavia. “May trabaho po ako rito, Auntie. Dadalaw na lang po ako roon pag may oras ako,” sagot ko sa kanya. Naisin ko man ang tumungo sa kanila upang magbakasyon, may pumipigil naman sa aking trabaho. Sa wakas ay hindi na niya ako pinilit. Matapos naming dalawin ang puntod ng aking magulang ay  nanatili pa muna sila maghapon sa bahay. Saka lang  sila nagpaalam nang makitang madilim na ang paligid. Muling nabalot ng katahimikan ang buong bahay nang mag-isa na lang ako. Upang maibsan ang lungkot, nagtungo ako sa kusina upang ituloy ang paglalagay ng icing sa cookies na ginawa ko kanina kasama ang aking mga pinsan. Plano kong ibigay itong sobra sa mga batang nasa lansangan mamaya bilang tulong. Bukod pa riyan ay ngayong araw din na ‘to malalaman ang resulta ng board exam ko, at plano kong i-check ‘yon mamaya. Sinadya ko talagang huwag tignan ang resulta kanina dahil nahihiya ako kay Auntie at sa mga pinsan ko kung sakaling hindi na naman ako pumasa. Ngunit sa kasamaang palad, muli na namang hindi ko napagtagumpayan ang naturang pagsusulit. Titig na titig ako sa phone ko. Nais kong bumagsak sa daan habang hindi pa rin naaalis ang tingin ko sa phone. Hindi ko matanggap ang naging resulta. Sobrang sakit ng resulta para sa akin. My tears are dropping painfully. This one made me feel so weak, stupid, useless, and a failure! Wala akong nagawa kung hindi ang humagulgol na lang sa sakit at dismayang nararamdaman. “Sobrang bobo ko…” I whispered painfully. The next thing I knew, I'm already drowning myself with a white rum, draining myself more so I could forget my burden. My vision is starting to get double, and the sensation of warmth welcomed my body. “Mojito pa!” I raised my collins glass just so the bartender could see it. “Gagi, nakakahiya ka…” may diin ang boses ni Calliope nang sabihin ‘yon tsaka niya inagaw ‘yong baso ko sa ere.  “Tama na ‘to. Lasing kana...” Nang tignan ako ni Calliope sa mata, kitang-kita ko ‘yung lungkot sa mata niya. Kanina nang maabutan niya ako rito, tumulo ang luha niya nang makita akong nagluluksa sa naging resulta ng exam. Alam niya kasing sariwa pa rin ang pagkamatay ng aking magulang para sa akin, tapos gan’to pa ang naging resulta ng aking pagsusulit. Ang malas-malas talaga… Tatayo na sana ako pero mabilis niya akong pinigilan. Sa katunayan, ngayon lang talaga ako naglasing ng ganito dahil hindi ko naman gawain. Kahit na may kaunting hilo akong nararamdaman ay nasa tamang wisyo pa rin naman ako. Mabuti na lang at narito si Calliope ngayon. Ang ilang sa mga kaibigan namin ay busy sa propesiyong mayroon sila, kaya si Calliope lang ang nandito upang samahan ako. “Nireto nga pala kita roon…” aniya bago dungawin ang gawi ng mga kalalakihang mukhang puro professionals  ang pustura. “Tapos tignan mo naman ‘yang sarili mo. Pair of pajamas, seriously? Hindi ka man lang nag-ayos naman bago ka tumungo rito. Kung ako ang lalaki, hindi ako malilibugan d’yan sa suot mo-” “Di ako pasado sa exam, hindi mo ba alam ‘yon?” putol ko sa kanya, hindi naman kami narito upang humanap ng lalaki! “Alam ko. Ilang beses mo ‘yang sinabi sa GC natin, Smile,”  saglit siyang uminom  sa Martini na mayroon siya. “Oh, sa’n ka na naman pupunta? Hindi ka pwedeng umindak-indak d’yan sa dance floor nang ganyan ang ayos mo!” Muli niyang saad nang makita ang pagtayo ko. “Hindi naman ako gigiling!” I shouted back as I walk all the way to the dance floor. “Iwan mo na ‘yang bitbit mong cookies kung gano’n! Gosh!” stress niyang saad. Wala sa sarili akong humalakhak. Ayoko nga. Ang mahal ng ingredients nito. Alam ko naman na pag nakahanap na ‘yang si Calliope ng kahalikan, makakalimutan na niya itong cookies kung sakaling iwanan ko pa sa kanya. Mahina akong dumaing nang tumama ang ulo ko sa matigas na bagay. Nang umangat ang tingin ko’y dibdib pala.  Isang mahalimhim na mata ang agad na umatake sa aking tingin. It gave me chills on my spine. Umawang ang labi ko dahil parang mas lalo akong nanghina. I needed support, so I held his broad shoulders to prevent myself from falling. His figure and wild features reminded me of an Adonis Greek guy model. The dark bushy eyebrows he has were fixated to give more compliment into his deep brown predatory eyes. His narrow nose is perfectly sculpted, his jaw is at the perfect angle, and his lips are honestly d*mn hot. I've dated guys way back when I was in college, and I never tried complimenting someone like this. He’s like a lost Greek God inside this wild crowd and my mind is now busy praising him. I’m dizzy, yes. But I can clearly see how jaw dropping he is. Hindi ko alam na may ganitong nilalang sa mundo.  “Move. You’re blocking my way,” he said, his ruthless voice awakened my senses, and it made my eyes blink slowly. “Oh…sorry,” I whispered, I’m about to step back, but my stomach went upside down which made me vomit on his coat in front of these dancing crowd.   I heard how he cruelly whispered a curse because of what I did. Nakarinig pa ako ng ilang bulungan kahit na may kalakasan ang musika sa loob, at may ilang nandiri rin pero agad din namang itinuon ang atensiyon sa pagsasayaw. He watches me wipe my lips using the back of my hand. Nanatili rin ang tingin ko sa kanya kahit na may kaunting hilo akong nararamdaman. I saw how he frustratingly played his tongue inside the corner of his mouth as he glances back at his dignified coat. Kinakabahan ako dahil sigurado akong English magalit ang isang ‘to. Kaya naman ay humigpit tuloy ang hawak ko sa handle ng cookies na hawak ko ngayon. Despite the fear, I'm still determined to speak and apologize. I took the handkerchief that I have inside the pocket of my cute pajama. I stepped forward to remove the space between us and began wiping my vomit with a shaky hand. “I’m sorry…” panimula ko, nangilid rin ang aking luha habang patuloy sa ginagawa. Saglit ko pang kinagat ang pang ibabang labi bago muling nagsalita. “I’m sorry, Ma…Pa…b-because I failed to pass the board examination a-again...” Halos hindi ko na maaninag ang parteng pinapahiran ko ng panyo sa coat nitong lalaki ngayon. Dumaloy ang butil ng luha sa aking pisngi habang inaalala ang dahilan kung bakit ako narito sa lugar na ‘to. Umukit pa lalo ang pait sa akin nang maisip na hindi ko man lang naipakitang lisensiyado ako bago pumanaw ang aking mga magulang. Sobrang sakit… “I’m sorry, Mama…Papa…” Saad ko sa pagitan ng aking pag-iyak. Pero nang hindi ko na makayanan ang panghihina, kusa nang lumapat ang aking noo sa dibdib nitong lalaki at doon na ‘ko mas lalong humagulgol pa.  “I failed. I’m so, so, so, sorry…” Patuloy ko pa rin sa pagitan ng aking paghikbi. Lasing na nga talaga ako dahil hindi ko na alam ang dahilan kung bakit ko ito sinasabi sa hindi ko naman kakilala. I'm waiting for this stranger to push me away, but he didn't. Naramdaman ko na lang ang naging pag-angat ng kanyang dibdib, hudyat ng kaniyang buntonghininga. He, then, held my shoulders with his large and warm palm until his other hand found my wrist. “Let me get you outta here,” may slang niyang saad, sapat lang upang madinig ko. His accent is so english! Naramdaman ko ang marahan niyang paghila sa akin paalis sa maingay na dancefloor nitong bar. Hinayaan kong tangayin niya ang katawan ko sa kung saang direksiyon niya nais magtungo. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nasa aking palapulsuan. The warm feeling of unfamiliar intensity brought by his hands held my emotions. From this moment, for the first time, I found a comfort. Nahihilo kong kinilala ang lugar nang makalabas kami. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi gamit ang likod ng aking palad. Naluluha pa rin ako pero nang makitang nasa parking lot na kami ng bar, mabilis kong inagaw ang aking kamay.  “Sa’n mo pala ‘ko dadalhin, ha?” nanginginig ang boses kong tanong. Saglit siyang huminto tsaka ako nilingon. Hindi muna siya nagsalita kaya hinintay ko pa ang sasabihin niya. Sumandal ito sa itim na railings pagkatapos ay inalis nito ang coat niya. Sinulyapan niya ako habang inilalagay nito ang kanyang coat sa kanyang balikat. “That’s not the perfect place for you to cry.” Aniya. Nakita ko ang  naging pagsulyap niya sa mga nakahilerang sasakyan sa malapit. Doon ko  napagtanto sa pustura niya  na mukha naman siyang matino at walang ibang balak.  “Pasensiya kana…” Nagawa ko pang tumawa kahit na may kaunting luha pa rin sa sulok ng aking mata. “I cried because I failed to pass my board exam. I’m honestly here to…drink and…” forget everything for a while. Hindi ko na nagawang dugtungan pa ang sinabi. Nang tignan ko siya’y napansin kong hindi siya nagsalita, naghihintay ng mga susunod ko pang sasabihin. Pero dahil sa kalasingan, umupo na lang ako sa sahig. Samantalang siya’y nakapamulsang pinapanood ang bawat galaw ko, tahimik at walang ekspresiyon. Nang makaupo’y inilapag ko ang box ng cookies sa tabi ko. Pagkatapos ay pinagdikit ang aking tuhod, sinusubukang gawan ng paraan upang hindi siya lingunin. “So, bakit tayo narito? Ko-comfort mo ‘ko?” I joked, pero pinagsisihan ko rin dahil ako lang naman ang natawa sa aming dalawa.  Dahil do’n ay bigla na lang umatras ang aking luha. “I don’t comfort people.” Malamig ang boses niyang saad.  Nilingon ko siya matapos sabihin ‘yon. Tumango-tango ako  habang nakararamdam naman ngayon ng hiya sa loob ko. Ang awkward tuloy. “Ah…okay,” mahinang tugon ko. “Hindi ako pumasa sa exam. Sa tingin mo bobo ako?” Hindi ito nagsalita. Pero nang mapansing naghihintay ako ng magiging tugon niya’y sumagot na siya. “Well, that’s life,” he said. “People usually want what they can’t have. I hope you’re aware of that.” Dugtong pa niya sa sinabi.  So, ano ibig sabihin no’n? Na bobo nga ako? “You failed,” muli niyang sambit.  “But soaking here with rum won't make you successful for picking the right decision.” Patuloy niya.  Hindi ko itatangging tinamaan ako sa huling pangungusap niya. Dahil tama nga naman siya. Mixed emotions and drinks will never solve a problem. Humalukipkip siyang tinignan ako. His ruthless presence made him look more a bit heartless. Pero kahit na gano’n ay nakakapang-alu pa rin ang dating niya para sa akin. Mas lalo ko tuloy sinuklian ang iginagawad niyang sulyap habang kinikilala ko itong istrangherong pintig ng puso ko.  D*mn, I hope he’s single.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD