bc

Glimpse Of Chase (Chasing Series #1)

book_age18+
338
FOLLOW
1.0K
READ
possessive
sex
fated
twisted
sweet
bxg
ambitious
city
professor
lawyer
like
intro-logo
Blurb

CHASING SERIES #1

Smile Grijalba Lazcano ends up being a baker after failing several attempts to pass the board examination for Agricultural Engineering. She's been having a hard time achieving her desired success in life. She had envisioned her path unorganized, and now, her chase in life is painfully lost. But fate made her bump into someone inside the crowded place with naughty lights.

That's when she met Aciel Dela Vuega Adamos, a Political Science professor, a law student who has high hopes in life, and devoted enough to chase his priority as always.

On a wild tipsy night, where everything's rebellious and painfully dark, that's when the glimpse of the chase has begun.

----

This is a work of fiction, folks. Please be reminded that the characters, incidents, and dialogues are product of the author's imagination and can not be construed as real. Any resemblance to actual events, person, living or dead, is entirely coincidental.

Furthermore, this story is not affiliated with the mentioned products, and enterprises, etc. Please be informed that this story might have some vulgar words and MATURE SCENES that are NOT suitable for young audiences.

-----

Date started: 06/04/21

Date finished: 08/31/21

chap-preview
Free preview
SIMULA
I played with my hands while waiting for the result of the qualified applicants. Pero nang hindi makatiis ay sinimulan ko nang isa-isahin ang bawat pangalan sa listahan. I can feel the sting at the tip of my fingers as I scroll down the names. Nais rin yata na magwala ng puso ko dahil sa lakas ng pintig nito. I've been planning to enter law school ever since, so if I’ll fail this one, I would feel useless again. I already experienced a lot of failures at sawa na rin akong maulit ang lasa ng pagkabigo. Patuloy lang ako sa pagbabasa ng mga pangalan habang ini-scroll ito pababa. Bawat lipat ko ng pahina sa website ng Unibersidad, mas lalong lumalala ang nararamdaman kong kaba. Dinig na dinig ko rin ang bulong ng aking isipan na hindi ako maaaring mabigo sa pagkakataong ito. I prepared for this. Pero sa kabilang banda ng aking isipa’y mas malaking porsiyento pa rin ang nararamdaman kong hindi ako makakapasa. Kung mangyari muli ‘yon, tatanggapin ko na lang siguro. “Tagal naman ng pangalan ko…” kabadong bulong ko sa sarili. Parang ayoko na tuloy malaman ang resulta dahil hindi ito kinakaya ng sistema ko. Pinahid ko rin ang butil ng pawis na namumuo sa aking noo, pagkatapos ay ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng mga pangalan. Unti-unti kong nararamdaman ang dismaya sa aking kaibuturan nang mapansing nasa huling pahina na ako’y wala pa rin ang pangalan ko. “Ano, meron na, Smile?” tanong ni Calliope bago dinungaw ang screen ng aking laptop. Umiling ako sa kanya at hindi na tumugon pa ng salita. She’s my friend ever since Senior High School, kaya alam kong nauunawaan niya ang pananahimik ko sa oras na ‘to. Sabay din kaming nangarap no’n, kasama rin ang aming mga kaibigan. Maswerte silang lahat dahil mabilis nilang narating ang nais patunguhan. Samantalang ako, hanggang ngayon ay tinatabas ko pa rin ang daanan patungo sa tagumpay. Muling bumalik si Calliope sa dati niyang pagkakahiga sa gilid na parte ng kama. Ako naman ay nasa pinakadulo habang kabado sa ginagawa. Nang matapos kong basahin ang panghuling resulta ng names ay do’n ko nakumpirmang hindi ako kabilang sa mga qualified applicants. Natulala tuloy ako at dismayadong isinara ang laptop. “Hoy,” ani Calliope. Kinalabit niya ako gamit ang hinlalaki ng kanyang paa. “Ano na? Pasado?” Tumayo ako’t inilapag ang laptop sa kama. “Wala, olats.” “Hindi ka pumasa?” muli niyang tanong. Tumango naman ako. “Seryoso ka?” hindi mkapaniwala nitong tanong. “Ang bobo mo naman! Double check mo kaya?” “Hindi nga pumasa,” saad ko habang naglalakad patungo sa water dispenser. “Wala ngang Smile Grijalba Lazcano d’yan.” Humalakhak ako ng mahina patungo roon sa pwesto ng tubig kahit na ramdam pa rin ang dismaya sa loob ko. Pero kahit na gano'n, siguro’y uulit na lang ako sa pag-inquire sa ibang law schools d’yan. Madami naman. Siguro. “Tsaka lumabas na ang resulta. Hindi kasali ang pangalan ko sa mga pasado. Mapapagod ka lang—” “Ako na nga!” putol niya. Bumangon siyang lukot ang noo at pagkatapos ay kinuha ang laptop na kanina'y hawak ko. “Double check ko na lang. Sayang naman ‘no! Ginugol mo kaya ang buong oras mo nitong mga nagdaang buwan sa paghahanda. Imposibleng hindi ka pasado sa pagsusulit.” Inabot ko ang baso sa may cabinet 'tsaka ko siya inilingan dahil sa sinabi. Nakakatuwa na hanggang ngayon ay naniniwala pa rin siya sa kakayahan ko kahit na ilang beses kong napatunayang bobo talaga ako. Pero may magagawa ba ako kung hindi nga talaga ako pumasa? Wala naman. At tama rin ang sinabi niya. I did spend a lot of time preparing for my desired law school's entrance examination. And even before, when I was still in France for my culinary training, I kept myself updated related to law school entrance exams so I couldn't miss anything. Nang matapos ako sa training ko abroad, I immediately went back here to focus more on my preparations. Tapos ganito namang hindi ako pumasa. “Ang bilis mo kasing mag-scroll kanina. Baka hindi mo nakita.” Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nagpatuloy pa rin siya sa pagbabasa ng mga pangalan sa list. “Binasa ko ‘yan nang maayos kanina. Tama na, Calli.” “Ang bilis mo talagang mawalan ng pag-asa, 'no? Meron ‘yan…‘Tsaka dito ka lang ba nag-apply na school?” tanong niya. Saglit akong nabitin sa ere at nag-isip ng mas maayos na maisasagot. “D’yan ko gusto mag-aral,” sagot ko. “Dito mo gusto mag-aral because?” she mocks. Sinamaan ko siya ng tingin dahil do’n. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang muli sa paglalagay ng tubig sa aking baso. “Nais mo dito mag-aral dahil dito nagtapos ng law si—” I immediately cut her off before she could finish her words, and worst, mention a name. “Hindi dahil sa kanya. Tigilan mo nga ‘ko, Calliope.” Tinawanan lang niya ako kahit na seryoso naman ako sa sinabi ko. Nang mapuno ang baso ko ng tubig ay ipinagpatuloy kong uminom muli. “By the way, have you heard the news? He topped the bar examination with an average of 98.35% last year! Gosh! Abogado na siya, Smile!” maligalig niyang balita, hindi ko alam kung may intensiyon siyang mang-asar. “Alam ko. Good for him. Paki sabi congrats,” walang gana kong tugon. Hindi na siya tumugon pa. Ako naman ay uminom na lang muli ng tubig. Pero hindi rin nagtagal ay muli na naman siyang nagsalita. “I'm pretty sure that professional women out there would flock themselves to him, Smile!” saad niya gamit ang pang-asar niyang tono. Sabi ko na nga ba’t hindi ako titigilan ng isang ‘to. Tinigil ko ang pag-inom bago ko siya sinulyapan. Minsan talaga gusto ko na lang tahiin ang bibig ni Calli. Kahit pa noong sinundo niya ako sa Airport, mga ganitong topic na agad ang bungad sa akin. Nakakasira talaga ng mood. I wiped my lips using the back of my arm. “Whatever. Mabuti ‘yon para madami siyang matikman,” usal ko, walang gana ang tono. “Yabang mo naman,” may pagdududa sa boses niyang wika. “Parang hindi mo naman iniyakan no’n.” Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. Aapila na sana ako sa naging akusasyon nito sa akin pero naunahan ako ng kanyang halakhak. Ibinalik nito ang atensyon sa ginagawa. Nabalot tuloy ng katahimikan ang buong silid. Sa huli ay muli kong ipinagpatuloy ang pagsasalin ng tubig sa baso, kaya lang ay halos mabitiwan ko ito nang tawagin ako ni Calli. Pvcha naman! “OMG, Smile!” ani Calli. Sinulyapan ko siya’t nakitang nakatakip na ang kanyang palad sa bibig, parang nagulat sa nakita. “May pag-asa pa, Smile! Sabi ko sa ‘yo, eh!” Her eyes are sparkling, giving the familiar assurance of hope. Natulala ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako gumalaw at nanatili lang sa pwesto. “Seryoso ba ‘yan, Calli? If you’re trying to prank me, utang na loob—” “Tinignan ko ‘yong email mo. Sabi dito may final interview ang mga walang pangalan sa list. Ang bobo mo talaga umintindi ng instructions ‘no?” anito habang inilalapag ang laptop sa kama. “Dalawang beses kong sinuri kung legit. Kung gusto mong siguruhin, halika dito at tignan mong maigi.” Mas lalong nawala ang mga salita ko. Nakita ko ang pangigilid ng luha ni Calliope nang makitang natulala ako sa sinabi niya. Kaya naman ay maluha-luha itong humakbang palapit sa akin. Nang makalapit si Calliope sa ’kin, niyakap ako nito nang mahigpit habang naluluha. “Alam ko na magiging basic na lang ang interview para sa’yo. Galingan mo sa interview, Smile,” she said, sobbing. I wasn’t really expecting too much. So when I already processed what Calliope told me, saglit na umatras ang mga salita ko. I feel like I should not miss this chance. Tumawa ako. “Tanga, hindi naman gano’n kadali ‘yon.” “Alam ko. Husayan mo naman kasi!” aniya bago bumitaw ng yakap sa akin, pagkatapos ay natatawa pa itong pinahiran ang kanyang luha. Hinuhusayan ko naman. Kumalas na kami sa isa’t-isa kaya lumapit na ako sa laptop upang tingnan muli ang email na tinutukoy ng aking kaibigan. Alam kong parte pa lang ng proseso ang interview bago tuluyang matanggap sa law school na ‘to. Kaya nang makumpirmang may slot nga talaga ako para sa interview, doon na sumabog sa tuwa ang puso ko. Hindi rin nagtagal si Calliope sa aking apartment dahil napadaan lang naman talaga siya dito. Sa katunayan, sinamahan niya lang akong malaman ang resulta. Kumain kami ng pananghalian bago siya nagtungo sa isang kumpanya para sa bago niyang endorsement at pagkatapos daw no'n ay mag-aaral naman daw siya for med. The following days, while preparing for my baking shop's opening, I sort out some possible questions that they might ask during the interview. Kabado pa rin ako habang iniisip ang darating na interview. Dumating na nga ang araw na hinihintay ko. I'm with my semi-formal attire right now. My body is fond of wearing aprons and toque. Pero dahil ngayon ang araw ng gaganaping interview, nagsuot ako ng umaayon sa sitwasyon. I decided to wear my comfortable sleeveless turtle neck covered with my cream vest. I paired it with the same color of the pantsuit that I have and a closed-toe heel. I tied my wavy hair in a low-tie manner. I never bothered to put on a lot of makeup anymore because I'm already satisfied with my nude glossy lipstick. Kabado ako habang minamasdan ang ilang propesyonal na kasabayan ko sa interview. Mas lalo tuloy nangangatog ang tuhod ko habang naririnig ang boses nilang naguusap-usap. Siguradong matatalino ang mga ito. Habang abala ako sa pagmamasid sa paligid, muling napukaw ang atensyon ko nang makarinig ako ng iba namang usapan. “Atty. Dela Vuega designated an attorney to take his position as one of the assessors for the interview. Due to his crucial appointments, he can't attend the evaluation for today, Attorney. ” anang babae sa kausap niyang istriktong matanda. Pansin ko ang pormal na kasuotan ng babae habang sinusundan iyong matandang babae na tinutukoy ko, at hula ko’y kasali sa mga mag-i-interview ‘yon. Tumango iyong matandang babae sa kanya bilang tugon habang sabay nilang tinatahak ang daanan. I felt uneasy with my seat while waiting for my turn. Nang magsimula na ang pagtawag nila ng pangalan isa-isa, parang nais bumaliktad ng sikmura ko. Alam kong gusto ng sistema ko ang umatras pero mas malaking parte sa akin ang nais paring ituloy ito. Kaya nang ako na ang susunod, nilabanan ko ang kabang nararamdaman pagkatapos ay buong lakas na tumayo. This is it pancit! When I entered the room, the coolness inside welcomed my presence which made me feel so nervous. It seems different, and I feel like there’s something heavy here. Three assessors are seating on their respective swivel chairs, and in front of them is a single-formal stool. Naglakad akong patungo sa dapat kong upuan. Nang maupo ay doon ako parang binuhusan ng malamig na tubig. Pinigilan ko ang pamimilog ng aking mata. Hindi ako komportable sa presensyang nasa harapan ko ngayon. Dahil sa kadahilanang ito’y mas lalong nadadagdagan ang takot at kaba na namumuuo sa aking isipan. He was fixing his cuffs when our eyes met. His deep brown eagle stares attacked my sight. His facial expression is still in usual manner. I stiffened as I let out a deep breaths. The presence he has made him looked really dark compared before. Bukod pa riyan ay hinihigop din nito ang natitirang enerhiyang mayroon ako. Sa mga oras na ito’y halos pintig na lang ng puso ko ang tangi kong naririnig. Upang makahinga naman kahit paano, ibinaling ko na lang ang tingin sa ibang direksiyon “Are you ready, Miss Lazcano?” The woman on her mid 50’s broke the silence, nakatutok na rin siya sa folder na hawak niya.. Hindi pa! Hindi ako kahit kailan man magiging handa! “Yes, Attorney,” I politely said. “What was your bachelor’s degree before, Miss Lazcano?” “I took BS in Agricultural Engineering, Attorney.” Tumango-tango ito sa akin. “I bet you work now as a licensed Engineer. May you tell us about your current work?” Saglit akong hindi nakapagsalita, inisip muna kung paano sisimulan ang nabubuong pangungusap. “I failed to pass my Engineering board exam before. But for now... I’m currently working as a full-time baker since I already developed my passion for baking.” simpleng tugon ko. Hindi nga ako sigurado kung simpleng kasagutan o malalim ang kailangan nila. Hindi na siya muling nagsalita pa. Nilingon niya ang isang matanda, mas istrikto ang presensya kumpara sa kaniya. Binigyan niya ito ng hudyat na tapos na siya sa ginawang pagtatanong sa akin. “I would like to give my turn to Attorney Adamos,” saad nung isang abogado na halatang istrikto, siya kanina iyong nakita ko sa hallway. Sinulyapan niya si Atty. Adamos at binigyan ito ng hudyat. No way! Magalang siyang tumango bilang tugon do’n sa matandang abogado. Ngayon ay ramdam ko na na parang hihimatayin ako rito. Kahit labag sa loob ko, pinilit ko ang sariling makipag titigan pa rin kay Atty. Adamos. Hindi ko siya inaasahan ngayon. “Miss Lazcano,” patiuna niya. I wanted to curse when I heard that husky and baritone voice. It’s been years since I last heard it. “Why are you here?” Nais kumunot ng noo ko sa naging tanong niya. Nang gag*go ba siya? Pero nang makumpirma kong naghihintay siya sa magiging kasagutan ko, baka seryoso nga siya sa sinabi. I did my best to act normal. Iyon naman kasi dapat. Wala rin namang ibang dahilan upang hindi maging komportable. “I want to become a lawyer, Attorney,” I answered. His eyes were totally fixated with mine. Hindi ito lumilingon kahit saan. Sa ‘kin lang naka-tutok kaya mas lalong hindi ko na alam ang gagawin. “You have mentioned that you failed to pass the board exam for Agricultural Engineering. Why pursue law if you could work hard to achieve your desired license for Agricultural Engineering that you never had?” aniya. My words are lost. I wanted to impress them, but my mind couldn't think straight anymore. Para sa akin, ibang-iba ang dating ng mga katanungan niya. Parang lumalabas tuloy na may naging kaugnayan kami sa isa’t-isa. Kitang-kita ko naman kung paano ako timbangin sa tingin nung dalawang abogado na katabi niya. “I never dreamed of becoming an Agricultural Engineer. It's not the dream that I desired to pursue in the first place,” I explained, bumaba ang tingin ko sa sahig. “Baking has been my hobby ever since I was young, and then recently, I realized that I also want to become a lawyer." “Why do you want to become a lawyer, then?” he asked without any humor. Bakit ang dami niyang tanong? Miski ako’y wala pang malalim na dahilan kung bakit nais ko maging isang abogado. Basta ang alam ko’y pangarap ko ‘yon. “I-I want to h-help people, Attorney.” Gosh, that’s so cliché! Tumango-tango ito na tila hindi pa kumbinsido. May idudugtong pa sana ako pero muli itong nagsalita. “Let's say you passed this interview, and you said that you wanted to help. But there's only one way to execute that help. You have to give your slot to someone who is less fortunate to pass. Would you give up your slot?" he asked. I have been chasing dreams all my life. I never experienced being praised for the things that I was passionate about, and if I would give this up, there would be a chance that I might lose this forever. When I met his eyes, I saw how impatient he is while waiting for my response. He's giving me that kind of vibe without any humor. But, the hell I care, right!? Wala naman akong pakialam kung mayroon siyang kinikimkim na galit sa kaibuturan niya. It’s obvious that he’s trying to throw some questions that would definitely torture my mind right now. Alam ko ‘yon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook