Adamos.Aciel accepted your follow request. Napangiti ako nang mag-pop up ‘yon sa notif ko. Nakita ko rin na nag-follow back na siya sa akin. Kaya naman ay mabilis ko siyang in-stalk. Pero napawi ang aliw sa mukha ko nang makitang ‘no post yet’. Wala ni isang litrato ang naka-upload! Ano ba ‘yan! May isa naman siyang naka-upload na story kaya iyon na lang ang tinignan ko. Solo pic niya ‘yon. At hula ko’y baka undergrad palang siya nito no’n. Pormal ang kasuotan niya at hindi rin naka-ngiti. Napansin ko rin na gwapo pa rin siya kahit na walang ngiti. Now, I’m starting to think about these fancy girls who surrounds him when he’s still studying. Bumaba ang tingin ko sa caption, namilog ang mata ko sa gulat dahil nabasa kong Latin honor pala siya sa ibang bansa! Gosh, matalino! Lodi ko na i

