“OH, ‘ETO. Suotin mo ‘to pagkatapos mong inumin ‘yan,” bilin sa akin ni Brett saka inilagay ang bagong bili niyang damit para sa akin sa ibabaw ng coffee table. Tumango ako saka ipinagpatuloy ang pag-inom ng mainit na gatas na itinimpla niya para sa akin. Somehow, the coldness slowly subsided. Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon kumpara kanina. Nasa resthouse kami ngayon ng mga Salcedo. Dito niya ako dinala pagkatapos akong matagpuan sa kalsada kanina. Kasalukuyang nakabalot ang katawan ko sa isang makapal na kumot. Unti-unti na rin akong natutuyo. Wala akong pamalit kaya nag-abala pa si Brett na bumili ng damit na maisusuot ko ngayon. “Are you okay now?” I smiled weakly. “Medyo ayos na ‘ko, Brett. Salamat talaga sa pagmamalasakit mo.” He smiled. Ginulo niya ang buhok ko. “Wala ‘y

