Suddenly I smell that delicious scent then I realized that the man in front of me is no other than my mate. Naputol ang mga iniisip kong nagsalita siya. But instead na comforting words or even excitement, nainis lang ako sa sinabi niya!
"Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo? Next time be sure to wear your glasses baka kase malabo mata mo at maka-abala ka pa ng ibang tao" at umalis na sya without even looking back or saying sorry.
a-a-ang YABANG!!!!! oh moon goddess sa dinami dami ng magiging mate ay pinili nyo pa ang taong ito,
teka, hindi ba niya naramdaman na ako ang mate niya. Wala man lang siyang reaction sa akin. Nasaan na yung ineexpect ko na romantic meeting, yung sparks, yung butterfly in the stomach. Yun na yun. Nabungo ko siya tapos pinagalitan niya ako tapos umalis na siya na parang walang nangyari? Hala, anong ikwekwento ko sa mga anak ko kapag tinanong nila kung paano kami nagkakilala ng papa nila? Nakakastress ah. Pero hinayaan ko nalang. Baka sinisipon siya kaya di niya ako naamoy or baka may iniisip kaya di niya narecognize.
Dumiretso na ako sa paghahanap ng room. Napansin kong parehas kami ng direksyon ni mate. Wait! Wag assuming baka naman same lang ng direction yung classroom niyo. Hindi ko na iniisip pa. Nakita ko na ang classroom ko at pumasok na ako. Akala ko wala pang masyadong tao kase halos lahat ng students ay nasa hallway, pero nagulat ako ng makita kong andami ng tao dito sa classroom at konti nalang ang bakanting upuan. Tumingin ako sa likod para doon sana uupo ng makita ko ang aking mate na nakaupo doon. Hindi ako makagalaw dahil parang may nakakapit sa mga paa ko. Paano nay an. Baka pag umupo ako sa likod isipin niya instalk ko siya. Ang pangit pa naman ng pagkikita namin.
Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na sa bakanting upuan na nakita ko. Medyo nakakahiya nga lang kase pinagtitinginan ako ng mga classmates ko. Umupo ako sa likuran pero medyo malayo parin ng konti sa kanya. Sakto lang para makita ko siya.
Unti unti nang napupuno ang classroom at ang mga upuan na bakante ay meron nang nakaupo ngayon. Meron na akong katabi ngayon pero di niya ako pinapansin. Babae siya, mahaba ang buhok, may bangs at medyo chubby chubby. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya or sadyang ayaw lang niyang makipagusap kaya di niya ako pinapansin. Pero mukha naman siyang mabait eh. Feeling ko siya ang unang magiging friend ko ditto sa school bukod kay devon.
Ang tagal ng professor. Nabobored na ako. First day pero late ano ba yun. Ramdam kong nabobored na rin ang katabi ko kasi nag cecellphone na siya. Kanina naghihintay lang siya pero ngayon naglalaro na siya ng games sa phone niya. Gusto ko siya kausapin kaso baka maistorbo ko siya sa paglalaro niya kaya pinanood ko nalang siyang maglaro. Mukhang maganda yung nilalaro niya kasi parang nag eenjoy siya. Hindi ko nga lang alam kung ano yung nilalaro niya. Pinagpatuloy ko ang panonood sa kanya at mukhang napansin na ata niya kasi bigla siyang tumingin sa akin. Akala ko magagalit siya pero ngumiti lang siya sa akin at pinagpatuloy ang nilalaro niya.
Maya maya ay natapos na siya sa paglalaro. Wala pa rin yung prof namin. Pinatay na niya yung phone niya at sabay humarap sa akin.
Hi! My name is Heizel Wood. Whats yours?
Nagulat ako dahil kinausap niya ako pero syempre di ko na pinalampas ang pagkakataong ito.
My name is Crystal Greene. Im a transferee here. Nice to meet you. Transferee ka rin ba?
Im actually a regular student na dito. So you are actually a transferee. Kaya pala parang di pa kita nakikita dito before.
Oo eh. Haha. Medyo nahihiya nga ako kase wala pa akong kilala ditto. Meron akong kilala kaso mukhang wala siya sa klase na to. By the way, matagal ba talaga yung prof or ngayon lang ito?
Hindi naman to palagi. Ngayon lang nalate kase every first day of school merong mga meeting lahat ng faculty together with the principal every morning. Alam mo na. Meeting about sa school, new students, rules and regulations. At kung ano ano pang topic na pinag-uusapan kaya medyo natatagalan. Ganitong mga time is ginagamit ng mga student para makipagkilala sa iba pang students especially yung mga bago kagaya mo.
AAh ganun pala. Akala ko nalate lang talaga yung professor. Kaya pala parang walang nagtataka kung bakit late yung prof.
so what pack are you from?
Im not surprised when she asked since una palang alam ko nang wolf siya. Pero definitely hindi ko siya ka pack because of her scent.
Im from the crescent pack how about you?
“Im from the rainstein pack. So crescent huh, quite the big pack.
thank you.
We continued talking to each other and I can say na we are quite close na. Nalaman ko din na parehas kami ng schedule so meron na akong makakasama everytime. Nalaman ko din na wala pang mate si Heizel and like me, hinahanap rin niya ang mate niya. Matagal na daw siya sa school pero di pa daw niya ito nakikita so feeling niya ay nasa mga trasferees daw ang kanyang mate.
Maya maya ay dumating na ang aming professor. Dala dala ang sandamakmak na gamit niya. Inayos niya ang mga gamit niya sa table. sorry class, Im late. I have a meeting to go to a while ago.
Nagsimula na siyang mag roll call for attendance. Isa isa kaming tinawag. Syempre kasama na rin doon ang aking mate. Nalaman ko rin ang pangalan niya. Lucas Miller huh. Ang sexy pakinggan kasing sexy niya. Nagsimula na ang aming klase. Habang nagklaklase ay hindi ko mapigilan ang sariling tumingin tingin sa kanya. pero siniguro ko pa rin na nakikinig ako sa turo ng professor. Mahirap na, algebra pa naman ito.
Nagpatuloy ang klase at muli heto na naman ako, tumitingin sa kanya. Nakatitig na nga ako eh. Hindi ba niya nararamdaman ang mga titig ko. Bakit hindi niya napapansin? Kahit man lang sana tumingin din siya kahit konti para man malaman ko kung narecognize na ba niya na ako ang mate niya o hindi. Antagal na naming nagkaklase dito, napaka imposible naman kung hindi niya pa rin alam hanggang ngayon.
Hindi ko alam kung alam na ba niya at nagpapanggap lang siya na hindi or hindi niya talaga alam at may problema sa kanya. Wolf naman siya ah wala naman sigurong problema. Natapos na ang klase naming, inaya ako ni Heizel na sumabay nalang sa kanya since siya pa lang naman daw ang kilala ko. Pumayag ako at hinintay nalang siya na matapos sa pag-aayos ng mga gamit niya. Habang hinihintay ko siya ay nakatingin ako sa aking mate. Mukhang aalis na rin siya. Mukhang may iniisip rin siya. Sana tumingin naman siya sakin. Habang tinititigan ko siya ay bigla siyang tumingin sa akin at ningitian ako. Hala!!! Nagulat ako at namula. Nakita ni Heizel ang namumula kong mukha at tinanong ako kung okay lang ba ako. Sinabe ko na okay lang ako at wag siyang mag alala. Baka sa init lang ng panahon. Hindi na siya nagtanong pa at inaaya akong umalis na. sumunod naman ako sa kanya palabas at hindi na tumingin pabalik kay Lucas dahil sa nangyari kanina.