Chapter 3

787 Words
*******Lucas p.o.v******** nakita ko na ang mate ko pero ayoko pang magkamate dahil gusto kong maging Malaya, kapag nagkamate ako hindi nako pwedeng mag enjoy dahil nakatali na ako sa kanya, Sh*t . nagroll call kami kanina para sa attendance at alam ko na ang pangalan nya, Crystal Greene o pwede ring Crystal Miller huh? bakit crystal miller?!?! ano bang iniisip mo as if naman hindi nga bagay eh. ngayon mukang nainlove na ata sakin to nakatingin lang sya buong klase. pero sorry sya hindi ko sya iaacept no, hindi mangarap nalang sya. hindi ko napansin na ngumingiti na pala ako. Tapos na ang klase ko kaya umalis na ako agad hindi ko na tinignan si Crystal kasi naghihintay na sakin ang mga tropa ko sa labas. "Guys musta klase nyo" nag fist bump kami ay teka nga pala ang mga kaibigan ko nga pala ay sina Alden, Jake, Mike at Nate sila ang aking beta, gamma, enforcer and fighter. Nagtataka siguro kayo kung ano ung mga pinagsasabi ko pero isa lang ang dapat nyong intindihin at ako yun bilang isang alpha. Oo, alam kong bata pa ako, at marahil ay iniisip niyo masyado pa kong bata para maging pinuno ng isang pack pero sa mundo ng mga werewolf, hindi edad ang basehan kundi and kakayahan. Hindi naman sa pagmamayabang pero isa lang naman ako sa mga pinakakinatatakutang alpha. Isa pa, hindi ako natatakot na mamuno. At hindi rin ako natatakot sa mga alpha na higit na mas matanda kaysa sa akin. Oo, Malaki ang respeto ko sa ilan sa kanila pero hindi ako takot. Meron pang isang pack dito at yun ang Crescent Pack pero hindi namin kalaban yun dahil mabait ang kanilang Alpha. Nirerespeto ko ang alpha na yun. Yung mate ko kanina, isa siya sa mga miyembro ng pack na tinutukoy ko. Naamoy ko ang scent niya kanina at dahil doon ay nalaman ko rin na mate ko siya. Muntik ng magwala ang wold ko kanina nung nakita naming ang mate namin. Tapos ang Malala pa bumunggo siya sakin nadikit lang naman siya. Sa malayo pa nga lang ay nararamdaman at naamoy ko na siya paano pa kaya kung napaka lapit na niya sa akin. Werewolf ako at instinct namin ang kagustuhang mapalapit sa aming mga mate pero kahit ganun ay pinigilan ko pa rin ang sarili, dahil ayoko mapalapit sa kanya. Pumunta na kami sa locker namin syempre kahit mga werewolf kami civilize pa rin kami kasi ang mga werewolf ay social animals. Isa pa ay may mga kasama kaming tao dito kaya kailangan naming mamuhay ng parang isang normal na tao. Nakakatulong ito sa amin na matutunang makontrol ang aming mga wolf kahit na napapalibutan kami ng mga taong kahit anong oras ay maaring makaalam sa sikretong tinatago naming. Habang naglalakad kami papuntang locker nakita ko si Crystal na nakikipag usap sa kaibigan nya. Yun yung katabi niya kanina sa klase. Wolf din pero iba ng pack. Mukhang close sila ah. Meron pa siyang isa pang kasama. Teka wala naman sa klase namin yun kanina ah. Bakit may kasama na siyang lalaki. Sino yun? Abat!!!! nagtatawanan pa sila. Anong karapatan ng lalaking ito na maging malapit kay Crystal?! Mate ko si Crystal kaya ako lang ang pwedeng maging malapit sa kanya na lalaki. Anlaki ng ngiti ni Crystal dahil sa sinabi ng kaibigan niya. Mukhang close din sila. Pero dapat ako yun. Ako dapat ang nagpapatawa at nagpapangiti kay Crystal at hindi ang lalaki na iyon! Bigla ko nalang napansin na nakatingin na sakin si Nate kasi naman ang mga fangs ko humaba na tapos ang mga kuko naging claws at ang mata ko iba na ang kulay hindi na green kundi itim na. Lumalabas ang wolf ko. Matinding galit ang nararamdaman ko ngayon, dumagdag pa na meron akong alpha blood at mas mabilis akong magalit. Territorial din ako lalo na sa aking mate. Kahit na sinasabi ko na hindi ko siya tatanggapin, namamayagpag pa rin sa aking pagkatao ang kagustuhan bugbugin ang lalaking kasalukuyang kasama ni Crystal ngayon para lang paglayuin sila. Wala akong pakialam kung magkaibigan sila. Hindi ako papayag na may ibang umaagaw ng lugar ko sa mate ko! Unti unti akong lumalakad papalapit sa kanila. Pinipigilan ako ng mga kaibigan ko dahil nakikita na rin nila na para bang nawawala na ang composure ko at unti unti nang lumalabas ang mga bakas ng pagiging werewolf ko. Pero kahit anong subok nila ay hindi nila yun magagawa. Mas malakas pa rin ako sa kanila. Bumagal man ang aking paglakad patungo sa lugar nila Crystal ay patuloy pa rin ako. Sa paglapit ko ay unti unti na akong tumakbo papunta sa kanila at nagawa ang hindi ko inaasahang gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD