Crystal p.o.v.
narinig ko ba ng tama ung sinabi nya. tinignan ko sya sa mga mata at nakikita kong seryoso sya. Kahit kaunting pagsisisi ay wala akong nakita sa kanyang mga mata. Alam na pala niyang mate niya ako mula pa sa simula pero nagawa niya paring sabihin ang mga salitang ito
Bakit?
ang sakit nya magsalita diba mate ko sya, sinabihan na nga nya akong malandi tapos ngayon ni rereject nya ako ang sakit naman. Sabi ko pa naman dati ay siguradong maluluha ako kapag tinanggap na ako ng mate ko pero ngayon naluluha na nga ako. Hindi dahil sa saya kung hindi dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko ngayon
Bakit nya tayo ni reject? Paano niya nasabi ang mga salitang iyon? Hindi ba niya tayo gusto? Hindi ba siya naghintay katulad natin?
Masakit saming dalawa ng wolf ko ang mga sinabi nya, isang bagay ang nararamdaman ko ngayon
Galit ako!!! Galit na Galit. Wala akong ginawang masama para mangyari sa akin ito. Hindi koi to deserve at mas lalong hindi niya kami deserve bilang mate niya. Nararamdaman kong umiiyak ang mate ko ngayon dahil sa ginawa ng mate naming at mas lalo siyang nalungkot dahil alam niya kung ano ang susunod kong gagawin. Pero sorry, gagawin ko ito para sa ating dalawa.
isa lang ang ginawa ko, tumingin ako sa kanya ng diretso
"I, Crystal Greene, Accept your rejection, mate!"
pagsisisihan mo to Lucas, dadating ang araw na iisipin mo na sana hindi mo na lang ako ni reject. Dahil sa mundong ito ako dapat ang makakasama mo habang buhay pero ngayon ay sinayang mo iyon. Hindi mo tinaggap at winasak mo pa.
Umalis na ako at hindi ko na sya tinignan pa. Tandaan mo Lucas, ikaw ang unang nagreject sa amin
*Lucas p.o.v*
nung narinig ko ang sagot nya biglang bumigat ang dibdib ko. feeling ko nawala ang kalahati ng buhay ko. Akala ko handa ako sa mangyayari kung sakaling i-accept niya pero nagulat ako dahil malaki pala ang magiging impact nun sa akin. Hindi ko akalain na malaki pala ang magiging impluwensya nito sa nararamdaman ko. Tinignan ko siyang umalis habang nawawala ng tuluyan ang connection sa pagitan naming. Alam mo yung sinulid na manipis na kumokonekta samen, sa ngayon ay putol na iyon. Wala na. Tapos na. Parang gusto ko siyang habulin pero hindi makagalaw ang katawan ko. Parang gusto kong magpaliwanag pero wala nang pumapasok sa isip ko
Alam kong galit sakin ang wolf ko. Nararamdaman ko ang iyak at pagkadismaya niya sa akin.
Wala Na Ang Mate Ko.......
Yun naman ang gusto ko diba? Ang mawala sya sa buhay ko, pero bakit ngayon parang ang buhay ko ang nawala?
Mas masakit pala ito kaysa sa inaakala ko.
Nakita kong wala na sya sa hallway, wala na rin ung mga kaibigan nya, umalis na siguro papunta sa susunod na klase. Iniisip ko parin ang nangyari, hindi ko nga napansin na nasa tapat na pala ako ng classroom, pumasok na lang at buti nalang konti palang ang tao. Maaga pa wala pa ung professor namin kaya umidlip muna ako para makalimot....
*Crystal's P.o.V*
Nang maka alis na ako ay sinamahan ko na si Dev sa clinic, reklamo nga ng reklamo
Oo, heto na siya magkasama na kami. Tinagpo niya kami kanina ni Heizel after ng first class ko. Nagkatuwaan at yun na nga nabugbog na rin. Hindi matapos tapos sa karereklamo. Pano ba naman eh nabukulan pala sa mukha. Mahal na mahal pa naman niya ang kanyang di umanoy pretty face
"best, nakakabwiset tlaga ung lalaking un, nalagyan tuloy ng black eye ang maganda kong mukha"
tama ang narinig nyo magandang mukha daw, bakla nga kasi ito diba, buti nga tanggap sya ng magulang nya at syempre werewolf din sya, hindi ko alam kung paano sila nagkakamate hayaan mo na, natawa na lang ako. Sinisipat sipat niya yung mukha niya. Werewolf naman siya kaya medyo gumagaling na pero dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok sa kanya, meron pa ring naiwan na bakas.
"ano ba ka sing problema nya, sexy pa naman"sinasabi nya un habang tinatapalan nya ng panyo ang pasa nya sa mukha. Nakatingin lang ako sa kanya. parang wala pa ako sa ulirat na sumagot lalo na kung tungkol lang sa mate namin na nireject kami
"musta ka naman?" nabigla ako sa tanong nya. Syempre alam na niya. Buti nalang may kaibigan akong susuporta at tutulong sakin. Mahirap nga lang sagutin yung tanong niya. Parang pakiramdam ko maiiyak ako pero pinipilit kong maging normal ang expression ko sa harapan niya.
"Heto kaya pa naman. Masakit pero kakayanin"
"ano nang gagawin mo nyan? Hindi ako makapaniwalang nireject ka niya. Wala akong nakikitang mali sa iyo at alam kong isa kang mabuting tao. Kawalan niya na ni reject ka niya. Tandaan mo yan"
"Gusto kong m-maghiganti. Gusto ko siyang bawian. Gusto kong malaman niya kung ano yung nawala sa kanya. Gusto kong marealize niya kung ano yung binitawan niya. Gusto kong maramdaman niya kung gaano siya kaswerte na nagging mate niya ako pero wala na ang swerteng iyon dahil nireject niya ako"
"Ay Bakla!! Go ako dyan!! Pero may naisip ka na ba kung pano?"
"wala pa nga eh. Alam mo naman ako, di ako marunong sa mga ganyan ganyan eh"
"ayyyy!!!!!!! tutulungan kita dont worry meron akong kaibigang babae na magaling sa ganyang bagay wag kang mag alala!!!" sinabi nya un habang tumitili at the same time nasa loob na kami ng clinic. Natatawa nalang ako kasi nakatingin sa amin yung nurse. Iniisip na siguro nito na weird kami. Loko loko talaga tong kaibigan ko eh.
Hinihintay kong matapos si Dev nang biglang mabalik ang isip ko sa nangyari kanina, nalulungkot parin ako kung bakit kailangan niya pa akong i reject, wala naman akong ginawang masama diba? Dahil lang ba sa magkasama kami ni Dev kaya niya nagawa iyon? Pero kaibigan si Dev at hindi ko siya ipagpapalit. Bata palang ay magkasama na kami. Ano ang dahilan niya at nireject niya kami ng mate ko. Kahit sinasabi ko sa isip ko na tanggapin nalang ang nangyare ay pinipilit pa rin ng puso ko na alalahanin at alamin ang mga dahilan kung bakit niya nagawa iyon sa amin. Ay basta!! hindi ko na alam!!!!!! ano bang pwede kong gawin ko ngayon para makalimot? Gusto ko na lang pumunta sa kwarto at umiyak ng umiyak habang kumakain ng ice cream....
Lumilipad ang isip ko at hindi ko na napansin na tinatawag na pala ako ni Dev.
"alam mo mabuti pa siguro kung umuwi ka muna ngayon, wala ka sa kondisyon parang mas nabugbog ka pa kesa sakin"
"ha?"
nagulat ako ng maramdaman kong may basa sa pisngi ko
umiiyak pala ako
hindi ko na napigilan, umiyak ako ng umiyak habang dinadamayan ako ni dev
"bakit ganun? bakit kilangan mangyari pa yun?, bakit kailangan pa nya akong i-reject?, may nagawa ba akong masama? may mali ba sakin? sabihin mo sakin!!! bakit?"
"shhhhh, tahan na, walang mali sayo kung meron mang may mali dito, sya yun. maganda ka at mabait at higit sa lahat mapagmahal ka kaya wag mong pagsisihang ni reject ka nya. Tandaan mo hindi ikaw ang nawalan sya okay! wag kanang umiyak tama na, papangit ka nyan"
"thank you dahil nandyan ka para sakin"
"para saan pa ang pagkakibigan diba."
gumaan ang loob ko pero meron pa ring lungkot na natitira, pero tama talaga si dev, hindi ako ang nawalan sya yun,SYA!!!
Sinunod ko ang payo ni dev at umuwi na ako. pinayagan ako ni prof dahil sinabi kong masama ang pakiramdam ko.
Pag-uwi ko sa bahay sinalubong agad ako ng nanay ko
"anong nangyari sayo? tumawag ung school sabi umuwi ka daw, kamusta na ba ang pakiramdam mo? namumutla ka, may lagnat ka ba? ano-"
"mama gusto ko lang magpahinga ngayon"
"o sige basta tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka okay?"
tumingin lang sakin si papa at umakyat na ako sa kwarto ko
umiiyak at iniisip pa rin ang nangyari.,