Chapter 6
Crystal p.o.v
pagka gising ko hindi muna ako pumasok sa school kasi parang feeling ko pag nakita ko sya iiyak na naman ako. Ayoko maalala kung ano ang nangyare. Kahit sinasabe ko na maghihiganti ako, syempre malungkot pa rin para sa akin dahil kahit papaano naman, mate ko pa rin yun at nagkaroon kami ng koneksyon. Isa pa, siya ang taong pinakahihintay ko.
Bumaba ako para mag almusal tapos umakyat na ako sa taas at natulog ulit. ayoko na syang isipin. Sana sa pagtulog ko ay hindi ko na siya makita pa. Sana sa pagtulog ko ngayon ay magagandang bagay lang ang mapaginipan ko.
Lucas P.o.v
(A/N: Dito yung pagkatapos niyang umidlip nung pumunta siya ng classroom pagkatapos ng nangyaring rejection.)
nagising na ako sa pagkaidlip ko at nakita kong andyan na rin ang prof namin sakto lang. Napansin ko na para bang wala ata si Crystal dapat magkasama kami ngayon sa klase siguro nasa clinic sya sinasamahan nung kaibigan nya. Mukhang yung lalaking kaibigan niya ang sumama sa kanya. Andito yung babaeng kasama niya kanina. Tss. Bakit ba siya nagpasama doon. Diba ang mga babae laging magkakasama, eh bakit ngayon hindi sila magkasama.
Lumipas ang buong araw pero di ko parin sya nakikita sa tingin ko umuwi na siguro siya. Pero kung nasa clinic siya, bakit hindi dumating yung nurse sa klase naming para magbigay ng excuse slip. Sana nasa bahay siya ngayon at hindi kung nasaan saan.
Sobrang sakit siguro nung ginawa ko sa kanya kasi ako rin nasasaktan eh, bakit ba kasi ang tanga tanga ko eh, siguro dapat hindi ko na lang siya ni reject. Pero kahit anong gawing pagbulong ng puso ko na dapat hindi ko siya ni reject, sinisigaw ng utak ko na tama ang ginawa ko dahil ako rin ang mahihirapan kapag mayroon na akong mate na laging sasama sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko iniisip na magiging mahirap ang buhay ko kung mayroon akong mate. Siguro dahil nakikita ko rin si papa kapag kasama niya si mama. Yung tipong hindi na sila maghiwalay. Walang araw na hindi ko sila nakita na magkasama. Magiging ganun din ba ako kung sakaling inaccept ko si Crystal? Baka mawala ako sa isip at lagi nalang na dumikit sa kanya. Nalilito na ako. Pero isa lang ang alam ko, isang katangahan ang nagawa ko ngayon. Siguro dapat inisip ko muna kung anong mangyayari bago ako nagdesisyon
oo, tanga ka talaga buti naman alam mo. Sa tingin mo ba makakahanap ka pa ng iba na katulad ng mate natin? Hindi na, dahil siya lang ang nakatakda sa atin. Siya lang ang dapat makakasama natin hanggang sa habangbuhay. Hindi ako makapaniwala na pinairal mo ang katangahan mo at pinakawalan mo pa siya. Hindi lang ikaw ang nasasaktan sa nangyari. Ako din. Antagal kong hinintay ang mate natin, tapos sa oras na makita mo siya, nireject mo lang siya na para bang isa siya sa mga nagging babae mo na pwede mo na lang basta basta iwan at tanggihan.
Pinapagalitan na ako ng wolf ko. Mali nga talaga ang nagawa ko. Ito ba ang paraan ni Zeus para lalo akong makonsensiya sa ginawa ko. Hindi kami nagkakaisa ng wolf ko ngayon. Talagang galit at dismayado siya sa akin. Nararamdaman ko ang lungkot at galit na nararamdaman niya ngayon at iyon ay dahil sa padalos dalos na pagdedesisyon ko. Pero ano pa bang magagawa ko? Hindi ko naman na pwedeng bawiin ang mga sinabe ko. Isa pa, sigurado akong hindi na ako lalapitan ni Crystal matapos ng mga nangyari.
Dapat mahiya ka sa ginawa mo. Umisip ka ng paraan kung paano pa natin maibabalik si Crystal at Sapphire sa buhay natin dahil hindi ako papayag na basta basta nalang sila mawawala sa atin. Mas lalong hindi ako papayag na hahanap ka ng ibang babae para maging mate natin.
Tumahimik ka na. Alam ko na ang pagkakamali ko. Pero paano pa ako hahanap ng paraan? Parehas na naming tinanggap ang rejection. Naputol na ang koneksyong namamagitan sa aming dalawa. Nararamdaman ko man siya pero hindi na katulad noong una ko siyang makita. Hindi ko na maramdaman ang nararamdaman niya at hindi ko na rin siya marinig sa isip ko.
Kahit na ano pa man ang mangyare, kailangin natin siyang maibalik sa buhay natin. Sa ngayon matutulog na ako. Sobra akong nasaktan sa ginawa mo. Hindi lang koneksyon niyong dalawa ang nawala, pati na rin ang koneksyon ko at ng wolf ni Crystal.
Teka lang sandali! Wag ka munang umalis. Kailangan ko ng tulong mo. Makipag-usap ka sa akin Zeus. Lutasin natin parehas ito.
Kinausap ko siya ng kinausap pero hindi na siya sumagot. Alam kong naririnig niya ako pero ayaw lang niya makipag-usap.
Pagkatapos ng nangyari ay niyaya ako ng mga kaibigan ko na pumunta sa gubat para mag-ikot ikot sa anyong wolf namin. Hindi na ako sumama dahil alam kong wala sa ayos ang nararamdaman naming pareho ni Zeus ngayon. Baka biglang may mangyari sa akin. Baka hindi ko makontrol si Zeus at pumunta siya kay Crystal at makagawa pa ng bagay na hindi ko inaasahan.
Nagulat sila ng tumanggi ako dahil kadalasan ay ako lagi ang nangunguna sa pagpunta sa gubat pero ngayon ako na ang nauunang tumanggi sa pag-aya nila sa akin.
Matapos naming mag-usap ng mga kaibigan ko ay umuwi na ako. Dumiretso ako sa kwarto ko, naghanda para maligo. Tinawag ako ng aking beta para maghapunan. Bumaba na ako at kumain. Matapos kumain ay dumiretso na ako sa aking kwarto at natulog na. Natulog ng malalim ang iniisip at nagbabakasakaling bukas ay makakaisip na ako ng paraan para mabalik sa dati ang mga nangyari.
****************
"Lucas halika"
Nagulat ako ng may tumawag sa akin. Tumingin ako sa paligid at nakitang wala na ako sa kwarto ko. Nasa gitna ako ng kagubatan. Pero anong ginagawa ko dito? Sinundan ko ang direksyon ng boses na tumatawag sa akin kanina. Sino kaya iyon? Dumiretso ako hanggang sa may nakita akong babae.
"Lucas!!!"
Sinusundan ko pa rin ang boses. Pero bakit ganun, kahit anong lakad ko ay parang hindi ko pa rin maabutan ang babaeng tumatawag sa akin. Nakikita ko na ang kanyang likuran at pakiramdam ko ay malapit na siya pero kahit anong gawin kong takbo ay hindi ko siya maabutan.
Maya maya pa ay medyo dumilim ang paligid, nakikita ko pa rin siya. Hinahabol ko parin siya pero sa pagkakataong ito, naabutan ko na siya. Hinawakan ko ang balikat niya para makita kung sino siya.
"Miss? Okay ka la-
"bakit mo ako iniwan!? bakit mo ako sinaktan?! hindi pa ba ako sapat sayo!?!?! may iba ka na bang mahal!? may umagaw na ba sayo sakin?! hindi ka ba nagagandahan sakin?! hindi ka pa ba kontento sakin?! bakit ayaw mo akong mahalin?! Bakit mo ko tinanggihan? Bakit mo winasak ang puso kong naghihintay lang sayo?"
Nagulat ako sa mga sinabi niya. Nang humarap siya sa akin ay nakita ko na si Crystal pala ito. Nagulat ako. Nakaramdam ako ng matinding lungkot ng nakita ko ang mga luha sa kanyang mga mata. Habang nakatingin siya sa akin na para bang winasak ko ang lahat sa kanya. yayakapin ko sana siya pero bago pa ako makalapit ng tuluyan ay bigla may lumabas na lobo at sinunggaban siya. Kinagat at sinakmal siya nito. Wala akong magawa. Hindi ako makagalaw. Crystal!
"Ahhhhhh! Tulong Lucas! Tulungan mo ako. Lucas
Nakatingin siya sa akin habang unti unting nawawala ang buhay sa kanyang mga mata habang sinasambit niya ng paulit ulit ang pangalan ko. Nakikita ko kung paanong unti unting dumadaloy sa lupa ang kanyang dugo, habang patuloy pa rin na tinatawag ang pangalan ko. Habang patuloy na nakatingin sa mga mata ko. Habang patuloy na pilit inaabot ang kanyang mga kamay. Pero hindi ako makagalaw. Gusto ko siyang tulungan at alisin sa kamay ng lobo pero hindi ako makagalaw. Hindi maramdaman ang katawan ko. Para bang bigla na lamang akong nadikit na sa kinatatayuan ko. Habang pinapanood ko siya, kung paano siya pinapatay ng lobo, habang unti unti nawawala ang liwanag sa kanyang mga mata. Habang unti unting nawawalan ng lakas ang mga kamay niyang pilit inaabot sa akin. Hanggang sa ang dugo niya ay umabot na sa aking mga paa.
Patay na siya.
Wala na siya
"WAG!!! hindi!!!!"
"CRYSTAL!!!!!!!!!"
*******************
Biglaan akong napabangon mula sa aking pagkakatulog. Pawis na pawis at mabilis ang t***k ng aking puso. Isang bangungot ang dumalaw sa akin ngayong gabi. Hindi ko maiwasang maalala kung paano ako tinatawag ni Crystal habang nilalapa siya ng lobo. Kung paano tumitig sa akin ang kanyang mga mata mula sa simula hanggang sa nalagutan siya ng hininga. Nanlalamig ako, giniginaw. Parang naririnig ko pa rin ang mga sigaw niya. Kung paanong pangalan ko ang isinisigaw niya hanggang sa mamatay siya at kung paanong patuloy niyang inabot ang mga kamay.
Ano ba naman yon? Ganun ba ang nararamdaman niya ngayon? Sana hindi siya nananaginip ng masama sa mga pagkakataong ito. Sana naman ay hindi magkatotoo ang bangungot na iyon. Buti na lamang ay bangungot lang yon dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung makikita ko talaga sa realidad ang mga nangyaring iyon.
Di naman nagkakatotoo yung mga panaginip diba?diba!
Naghintay pa ako ng ilang minute bago kumalma ng tuluyan ang puso ko. Pagkatapos ay tumigin ako sa cellphone ko. Nakita ko na umaga na pala. Ilang oras na lang ay tutunog na ang alarm ko. Pinatay ko na ito.
Tumayo na ako at nagsimula nang maghanda para sa school gusto kong makita kung okay lang si crystal baka kaya ako nanaginip ng ganun kasi baka may nangyaring masama kay crystal hindi ako mapalagay. Nagtataka ang mga pack mates ko kung bakit ako nagmamadaling umalis papuntang school.
Kumuwa lang ako ng toast pagkatapos ay sumakay na sa kotse at dumiretso na sa school.
Pagdating ko ay hinanap ko agad si Crystal. Hindi ko pa alam kung maaga siyang pumapasok dahil first day palang kahapon. Inikot ko muna ang building namin, baka andito na siya. Hindi ko siya makita. Bumalik ako sa entrance at nagdesisyon na hintayin na lang siya doon pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala
Ngayon ay nakukuha mo nang mag-alala. Sana naisip mo rin yan bago mo siya ireject. Edi sana kasama natin siya ngayon at hindi ka nag-aalala. Kasama mo siya, sa tabi mo at kayang kaya mo siyang protektahan kahit anong oras. Sa tingin mo ba, pag dumating siya ay gugustuhin niyang makita ka? Syempre hindi!
wala akong pakialam kung ayaw nya akong makita pero ako gusto ko syang makita. Tumahimik ka na lang di mo naman ako tinutulungan...
Naghintay ako hanggang sa dumami na ang tao. Pero kahit anino niya hindi ko pa rin nakikita. Nasaan na kaya iyon?
Naghintay pa rin ako hanggang sa narinig ko na ang morning bell. Senyales na simula na ang klase. Nagdadalawang isip ko pero umalis na ako at dumiretso na sa klase ko. Baka late lang iyon. Makikita ko naman siya mamaya dahil classmate kami.
Pagdating ko sa klase ay saktong nagsisimula na ang prof sa pagtuturo. Nag-attendance siya pero wala pa rin si Crystal.
Baka hindi lang siya papasok ng first subject.
Lumipas na ang ilang oras. Ilang subject na rin ang lumipas. Breaktime na pero hindi ko parin siya nakikita. Nasaan na ba siya? Hindi ko rin maamoy ang scent niya. Lintek naman na koneksyon to oh. Napaparanoid na ako kakaisip kung nasaan na ba siya. Baka kung ano nang nangyari sa kanya.
Tinanong ko yung kaibigan niyang babae kung alam niya kung nasaan si Crystal, pero hindi din niya alam. Mukhang hindi sinabi sa kanya ni Crystal kung nasaan siya. That or nagsisinungaling lang siya sa akin dahil siguro ay ayaw akong makita ni Crystal.
Pinuntahan ko ang mga classroom na may susunod siyang subject. Pero wala pa rin siya doon. tinanong ko rin ang mga classmate niya kung nakita ba nila siya pero hindi din nila alam. Inikot ko ang buong building para mahanap siya pero ganun pa rin, hindi ko pa rin siya makita. Hanggang sa napunta ako sa gubat. At doon ay may naamoy nagbabadyang masamang balita
ROUGES!!!
★★★★★★★★