Chapter 7
Lucas pov
ROUGES!!!!
Bakit meron mga rouges akong naamoy? Hindi ba dapat ay hindi sila makakalapit dito. Mapanganib para sa mga werewolf at normal na tao kapag nanggulo ang mga rouge dito. Hindi muna ako sumugod. Sinundan ko ang amoy nila. Napansin ko na hindi sila humihinto at mukhang mayroon silang pupuntahan. Hindi ko na sila pa sinundan dahil sa ngayon ay ligtas na ang school na ito. Napansin ko rin na parang konti lang sila. Madalas kasi kung madami sila ay magiging maingay at mag iiwan sila ng mga bakas. Hindi ko na sila sinundan at bumalik na sa school. Pero bago ako bumalik ay nag-assign ako ng mga warriors na mag-ikot ikot para makasiguro na rin
Bumalik na ako para ipagpatuloy ang mga natitira ko pang klase.
Naisip kong pumunta sa bahay nila Crystal pagkatapos ng klase para makasiguro kung nandoon siya at kung ligtas siya. Nalaman ko ang address niya nung nagpaikot ng form ang prof naming kahapon. Isa pa, kahit wala naman iyon ay malalaman ko pa rin kung saan siya nakatira dahil maamoy ko ang amoy ng kanilang pack.
Lumipas ang buong araw at natapos na rin ang klase namin. Nagsimula na akong pumunta sa kanila pero bago iyon ay inikot ko muna ang buong school para lang makasiguro na wala na talaga ang mga rouges na dumaan kanina.
Pagkatapos kong mag-ikot ikot ay dumiretso na ako sa kanila. Napansin ko na nandito na naman ang amoy ng mga rouge. At habang papalapit ako sa bahay ni Crystal ay mas lalong nangingibabaw ang scent ng mga rouges! HINDI!!!
Hindi pwedeng doon sila nagpunta. Ano naman ang pakay nila doon? Sana naman ay wala silang binabalak na masama. Hindi ko lubos maisip kung anong dahilan at bakit nandito ang mga rouges. Iniisip ko nab aka nagpahinga lang sila sa malapit at aalis din makalipas ang ilang oras pero hindi. Papalapit na ako ng papalapit sa lugar nila Crystal at mas lalo ko pang naamoy ang mga rouge.
Namutla ako ng naisip ko nang talagang nandito sila sa lugar ni Crsytal at mukhang kanina pa sila nandito. Binilisan ko ang pagtakbo ko hanggang sa makarating ako malapit sa bahay nila crystal. Sana naman ay walang nangyaring masama kay Crystal!!!
Malapit na ako. Konting hintay nalang. Hinding hindi ako papaya na matulad ka sa panaginip ko Crystal.
Bigla kong binuksan ang pinto nila. Ang nakita ko lang ay isang babae tsaka dalawang lalaki. Mga bantay. Mukhang ito ang packhouse. Napakalaki. Ang mga bantay ay lumapit sa akin. Hindi lang sila ang mga bantay. Marami na rin ang nakapalibot sa likuran ko. Patay tayo dito. Hindi ko naipaalam ito sa kanilang alpha. Masama kasi na pumunta ka sa teritoryo ng ibang werewolf. Kung pupunta ka man ay kailangan na may pahintulot mula sa mga namumuno. Para sa gayon ay makakapasok ka ng Malaya dahil kung hindi ay ituturing ka nilang kalaban at baka ikulong ka pa nila sa kanilang mga dungeons.
"Sino ka? Hindi ka kabilang sa Pack na ito. Bakit ka nandito sa lugar namin? Ano ang sadya mo ditto? Hindi kami nakakuha ng utos mula sa alpha namin na may dadating na ibang werewolf galing sa ibang pack. Magsalita ka na ngayon dahil kung hindi ay huhulihin ka naming at hindi ka makaka-alis hanggat hindi pinapahintulutan ng alpha naming!"
Shit!
Lumagpas na ako ng territory. Hindi rin ako nakakuha ng permisyo mula sa alpha ng pack na ito. Pero hindi ako papaya na ikulong nila ako. Kailangan ay magsalita ako
"sumagot ka bakit ka nasa teritoryo namin?!" rinig kong sigaw nang isang werewolf na kadarating lang. mukhang siya ang luna ng pack na ito. Kasama rin niya ang alpha na ngayon ay nakatingin sa akin. Sa tingin ko ay nakikilala niya ako pero parang inaalala lang niya dahil hindi siya nagsasalita.
"Kayo sabihin nyo saken, bakit kayo nagpapatuloy ng rouge dito!!?" Sabi ko. Hindi ako papayag na may mangyaring masama kay Crystal.
"Ma!!! sinong kausap nyo dyan?"
Maya maya ay may narinig akong sumigaw mula sa loob. Parang boses ata ni Crystal iyon ah. Oo alam kong kabilang siya sa pack na ito. Pinilit kong silipin kung sino yung sumigaw sa loob at nakita ko nga na si Crystal iyon.
Teka, sabi niya ma? Hindi bat ito ang luna? Ibig sabihin ay
HAISST!!! PATAY NA TALAGA AKO
(Crystal p.o.v)
"Ma!! Sinong kausap ninyo dyan?"
Narinig kong sumisigaw si mama kaya bigla ako nagising. Alam ko nandito ung dalawa dahil naamoy ko sila pero impossible namang si chris at lawrence ang sinisigawan nya. Bumaba na ako ng kwarto at pumunta malapit sa pintuan namin. Nakita ko doon si mama at papa pati na rin ang ibang warriors ng pack naming. Mukhang may pumunta sa aming territory ng walang paalam.
Pagkababa ko ay lumapit ako kay mama at sinilip kung sino ang sinisigawan niya. Sa pagtingin ko ay natigilan ako.
"Anong ginagawa mo dito?!!"
ang bwiset na lucas nandito sa bahay naming. Bigla akong nagblush paano ba naman nakakahiya ang suot ko. Masyadong pambahay na pambahay. Naka shorts at t-shirt lang ako. Buti na nga lang ay medyo mahaba haba ang aking short kaya natakpan pa ang mga legs ko HAIISSSSST!!! >///<
nakatingin lang sila sa akin na para bang nagulat sila sa sinabe ko
"Kilala mo ba sya?" tanong ni mama habang kumukunot ang noo nito.
"Hindi!"
"Oo!"
Sabay pa kami. Teka nga, ano ba kasing ginagawa nito dito? Tsaka paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Sigurado ako na hindi sasabihin ni Dev ang address ko sa kanya. Isa pa, hindi ba niya alam na bawal na basta basta pumasok sa territory ng ibang pack ng walang pahintulot. Kahit na hindi siya isang rouge, mayroon pa rin karampatang parusa ang ginawa niya.
Sinamaan ko sya ng tingin. Bigla syang nagsmirk. NAKAKABWISET NA SYANG TIGNAN PERO GWAPO PA RIN. Bakit ba kasi nabiyayaan pa ng kagwapuhan ang taong ito. Imagine kung gaanong babae ang magiging karibal ko if ever na hindi niya ako ni-reject.
"Ano ba talaga?"
"Kasi ma, bakit ba kase nandito yan? Hindi naman siya member ng pack natin."
"Sabihin mo nga sa akin ang pangalan mo binata"
"Ako po si Lucas Miller, ang alpha ng Bluemoon Pack" nag smirk na naman. Pinagyayabang ba niya na alpha siya. Alpha rin ang kausap niya ngayon. Teka lang, hindi bat masyado pa siyang bata para maging alpha ng isang pack.
Syempre nagulat ang mama ko. Alam kong iniisip rin niya na bata pa ito para maging alpha. Pero si papa, mukhang alam na sa simula pa lang dahil walang bahid ng pagkagulat sa kanyang mga mata at mukhang inaasahan na niya na isang alpha ang pumunta sa aming territory ngayon.
Bigla syang lumapit sakin tsaka niyakap ako
O.O
"Nandito po ako kasi gusto kong dalawin ang anak nyo hindi po kasi sya pumasok kanina"