Chapter 8

953 Words
Chapter 8 Crystal P.O.V. Bakit nakayakap sakin tong lalaking to Bakit malapit sakin tong lalaking to Bakit nakadikit sakin tong lalaking to Bakit nandito tong lalaking to Bakit nakatabi sa kin tong lalaking to!!! BAKIT!!!!!!!!!!!!!!! Nagkakamini brain explosion na ako. Ang mga malilit na crystal sa utak ko ay nagkakagulo na. Para bang nagkaroon ng bombing sa loob. Ano bang ginagawa ng lalaking to. Abat napakatapang naman at may nalalaman pang pagyakap. Hindi ba niya alam na siya ang pinaka-ayaw kong makita ngayon. "Hoy lumayo ka nga sakin" Pabulong kong sabe. Habang kinukurot kurot ko ang tagiliran niya. Pero syempre siniguro ko na hindi ito makikita nila mama. Hindi parin lumayo at mas lalo pang hinigpitan ang yakap ng gago na to. Parang hindi pa niya nararamdaman ang mga kurot ko. San ba gawa ang balat nito? Abat mas makapal pa sa balat ng kalabaw ah. "Pag di mo ako binitawan, mayayari ka na talaga sa akin. Akala mo ba natutuwa ako sa ginagawa mo? Para sabihin ko sayo, wala na tayong kinalaman sa isat isa kaya lumayo layo ka sa akin" Ayaw parin. Ngumiti pa sa akin na akala mo parang walang ginagawa. Abat loko to ah! "Isa................................... Dalawa...............................Tatlo............... Pag naka abot tong lima Babayagan kita.................................apat................. li-" Bigla syang bumitaw. Marunong naman palang makinig eh gusto pa umabot sa masakitang usapan. "Relax ka lang. wala naman akong gagawing masama sa iyo eh. " Sabe nya Relax? Paano ako magrerelax?!?!?! Sa nararamdaman kong pagkabwiset sa iyo, kahit ang paghinga ng malalim hindi ko magawa. Pano pa ang mag relax??? "Crystal?" Sh*t si Mama. Muntik ko nang makalimutan. Sana hindi niya mahalata na magkakilala kami nitong tukmol na to. "Classmate mo ba sya crystal? Or kakilala mo ba siya? Kaibigan?? Mukha kasing close kayo eh" "Hindi" "Oo" Eto na naman sabay na naman kame. Ano ba yan!! Hindi naman kami magkaibigan nito. At mas lalong hindi kami magiging close no. ano bang nakain nitong tukmol na ito at ginagawa niya ito ngayon. Lasing ba to? Wala sigurong magawang matino sa buhay kaya ako ang ginugulo ngayon. Tinignan ko sya nang masama at tinaasan ng kilay. Yung sobrang taray na kilay. Lucas P.O.V Tumingin sya saken ng masama paano nagsabay na naman kami. Napatawa nalang ako sa loob-looban ko. Paano ba naman, hindi ko naman sinasadya na magsabay kami. Isa pa, hindi naman ako papaya na itanggi niya ang koneksyon namin. Kahit na ni-reject ko na siya, classmates pa rin kami. Lagi na kaming magkikita sa ayaw man o sa gusto niya. Hindi ko alam kung bakit pero imbes na mainis natutuwa ako. Tsaka ayoko talaga syang bitawan eh. Ang bango nya. -//////- Ngayon lang ako nagblush dahil sa babae. Mahirap man tanggapin pero...... Kinikilig talaga ako ngayon. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya at parang naakit akong yakapin siya. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya niyakap kanina samantalang wala naman siya ginagawa. Parang bigla nalang may pumasok sa isip ko at inutos na yakapin siya sa sandaling nakita ko siyang bumaba. Isa pa ang cute niya sa suot niya. "Ano ba talaga?" Muntik ko nang makalimutan yung nanay nya. "Schooomate ko po si Crystal. Actually inutusan po ako nang prof. namin na tignan kung ano kalagayan niya. Absent po kasi siya kanina. Second day po kasi ngayon ng klase kaya medyo nagtaka po yung prof namin kung bakit hindi po siya nakapasok kanina. Buti nga po at wala kaming masyadong ginawa sa school. Naglecture lang po halos buong araw kaya wala naman pong problema." Sinungaling (-/////////-) Paano ka uutusan ng prof, eh pagkatapos na pagkatapos ng klase umalis ka na agad. Nauna ka pa nga sa prof. bago palang sabihin ng prof na dismiss eh nasa pinto ka na. Alam ko nagsisinungaling ka. Yan ang sinasabe nang mga mata ni crystal. Habang nakatingin siya sa akin. Para bang sinasabe niya, wag na ako magpalusot dahil alam naman niya ang totoo. Medyo kinabahan tuloy ako. Napapunas nalang ako ng pawis sa noo. Sabayan mo pa ng titig mula sa mama at papa niya. Pati na rin ang ibang members ng pack nila nakatingin sa akin. Para akong art piece sa isang museum. Kulang nalang ilagay ako sa isang glass case at palibutan ng mga nagflaflash na cameras. "well" lumayo sya sakin "tutal naman nakita mo na ko pwede ka nang umalis. Sabihin mo sa mga professor natin na okay lang ako at papasok ako kaya wag silang mag-alala" "Huwag ka muna umalis" sabe nang mama nya. Yes!! Buti naman at mukhang kinakampihan ako ng mood goddess ngayon. "Ma naman!!" kontra agad ni Crystal "Bakit? Nakakahiya naman dinalaw ka nya tapos hindi mo man lang sya pakakainin o pagpapahingain. Kahit man lang mag-offer ng maiinom wala. Hindi naman tayo ganyan tumanggap ng bisita." "Mayaman naman sya pwede naman sya kumain sa ibang lugar" "Crystal ano ba!!!?" tinignan siya ng masam ng mama niya at wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa mga sinabe nito "Sige na nga pero saglit lang pagkakain nya alis na!" Ang cute talaga nya. Mukha siyang kuting na nagagalit. Parang gusto ko tuloy yakapin siya ulit at kurutin ang mga pisngi niya. Too bad umakyat na siya papunta sa kwarto niya. Parang gusto ko tuloy siyang puntahan mamaya. Para akong maniac ano ba yan!!!! Baka isipin nun, pumunta lang ako dito para mamboso. Pumunta ako dito para tignan ang kalagayan niya. Pati na rin ang naamoy kong mga rouges kanina. Pero mukhang okay lang naman siya. Mukhang wala namang mangyayari sa kanya, isa pa protektadong protektado naman itong pack nila. Siguro nga maganda kung pupunta ako sa kwarto niya mamaya. Babae dapat ang namamaniac saken hindi kabaliktaran. Hayaan mo na Just for her I'll make an exception.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD