chapter 9
Crystal P.O.V
Pagkatapos naming magusap ni mama, umakyat na ako sa kwarto ko. Ayoko nang sumabay pa doon habang pinagmemeryenda nila si Lucas. Bakit ba kase nandito yung Lucas na yan eh. Pagkatapos nya akong I-reject pupunta sya dito. Ano bang akala niya, welcome siya dito? Kay mama, pero kung iniisip niya na ie-entertain ko siya, abat manigas siya. Hindi ako natutuwang nandito siya. Pasalamat siya at hindi ko siya sinapak kanina.
Ang Kapal ha Kapal talaga. Anong tingin niya sa pack house namin? Bahay niya?
'pero aminin mo hot siya. Isa pa, kahit na ayaw mo siyang makita, deep inside gusto mo talaga'
'Ay wow, buhay ka pa pala. Wag ka ngang nag iimbento diyan saph'
buhay na buhay pa ako no nalulungkot lang. hindi ako nag-iimbento. Baka nakalimutan mong nasa loob ako ng isip mo at alam ko kung ano ang nararamdaman ko.'
Wag nyong isiping baliw ako. Wolf ko ung kausap ko no. Pangalan nga pala nya ay sapphire, saph nalang for short. Alam ko ang feeling nya. Hindi lang tao ang nasasaktan kapag na reject 10x na mas masakit yun para sa wolf namin. Ang Iba nga diyan namamatay kapag nireject sila dahil Di kinaya nang wolf nila. Pero syempre matapang ako kaya hindi mangyayari yun. Si Lucas ang mamatay, mamatay sa Selos. Wahahahahah *evil laugh*
'Bakit kaya mo ba? Wala ka ngang plano eh. Baka ikaw ang mamatay sa selos diyan pag nakita mong may kasamang iba si Lucas. Para sabihin ko sa iyo, inaccept mo na ang rejection niya kaya ibig sabihin non pwede na siyang humanap ng ibang she-wolf para maging mate niya'
'Ah basta kaya ko yun. Tiwala lang ako pa dyosa kaya ako. Kung maghahanap man siya ng iba, edi magsama silang dalawa. Kung nakaya, puwes kaya ko rin' nasasabi ko ang mga salitang iyon pero masakit talaga kung iisipin dahil tama si sapphire. Madali nalang para kay Lucas na palitan kami lalo na ngayon na kung iisipin hindi na naming siya mate dahil nga sa naganap na rejection
*knock knock knock*
"Pasok" mukhang kakausapin na naman ako ni mama. Sana naman hindi niya ako kulitin tungkol kay Lucas.
"Kinakausap mo na naman yung wolf mo"
Napatingin ako.
"Chris! Buti nakabisita ka!"
Oo nga pala si Chris. Kaibigan ko sya. Kasama nya yung kapatid nya na si Lawrence. Sad to say pero Rouge sila. Pinipilit nga sila ni papa na sumali sa pack namen pero ayaw nila. Mas gusto daw nilang maging malaya kaysa matali sa batas. Sabi naman ni papa okay lang kung ayaw talaga nila pero kung kailangan nila nang tulong andito lang kame. Hindi naman kase lahat nang rouge masama eh. May Iba lang talaga na walang hiya. Hindi ko alam kung bakit ayaw nilang maging member. Naniniwala ako na hindi lang iyon ang dahilan kung bakit. Pero syempre, hindi ko naman sila pipilitin na sabihin sa akin. Mga kaibigan ko sila. I respect their privacy, at kung kailangan nila ako nandito lang ako. Darating din naman siguro ang araw na sasabihin nila sa akin
"Hulaan ko nakita mo na mate mo no?" patanong na sabe niya habang nakasmirk sa akin.
SAPUL!!! Bullseye!!!
"At kaya Kinakausap mo yung wolf mo kase, dalawa lang yan eh, it's either tinanggap ka nya o ni reject ka nya"
SAPUL NA NAMAN!!!
Abat manghuhula ata ito ah. Goodluck Chris, kapag ayaw mo nang maging rouge, wag kang mag-alala may is aka pang career. Pwede ka nang maging manghuhula.
" Wag kang magsinungaling saken Crystal. Kilala kita."
"Kailangan ba talaga alam mo lahat?" patanong kong sabi habang iniiwasan ang kanyang mga mata.
"So ano dun sa dalawa?"
"Teka kasama mo ba si Lawrence?"
"Wag mong ibahin yung usapan" sabe nya saken habang naka smirk. Itong taong to talaga, hindi talaga ako palalampasin eh
'akala mo siguro maiisahan mo sya no, puwes akala mo lang iyon'
'di ka nakakatulong'
'hahahaha!'
'wag mo nga akong tawana-'
"Nakalimutan mo ata andito pa ako. Mamaya mo na kausapin si saph." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.
Oo kilala nya ang wolf ko.
"Hulaan mo kung ano dun sa dalawa" syempre ayoko namang sabihin pang rejected ako.
"Rejected"
Ouch!!! Grabe, wala man lang second guess. Talagang rejected agad. Kareject reject ba ako???
"............."
"Sino ba? Tara upakan na natin!"
"I don't think that's necessary naman. I don't want you to get in trouble, isa pa this is my problem. Ako na ang bahalang manapak. Leave that to me."
"Okay sige. Anong ginawa mo? Hinayaan mo lang ba? Inaccept mo ba?"
"Huh?"
"anong sagot mo sa kanya?"
"I rejected him back. That's the right thing to do, right? I don't think my wolf can handle it if I make it any longer. Isa pa, hindi naman ako yung tipong pinagpipilitan ang sarili ko. Kilala mo naman ako. Kung ayaw sa akin ng isang tao edi ayoko din sa kanya. I just didnt expect na mate ko mismo ang may ayaw sa akin. You know how long I waited for him. For the moment na makikita ko siya. The moment na makakasama ko ang taong perfectly made for me. But I guess, I expected more than what I should have and at the end Im the one whos broken"
"I know it hurts. I dont want to say na okay lang yon because its not but me and Lawrence are always here for you. Gusto mo para gumaan loob mo gala tayo. Syempre kasama rin yung kapatid ko. Foodtrip? I know you love eating"
"okay. Ayoko rin naman dito sa bahay. May bwiset kase dito eh." Dagdag ko pa habang bumubulong.
akala mo naman hindi maririnig ni chris, nakalimutan mo ata na werewolf si chris.
"Teka lang............. Wag mong sabihin sa akin na yung lalake sa baba yun ang mate mo"
Ang talino talaga netong taong to. Ang hirap talaga pagsikretuhan
"Alam mo, ayoko nang isipin pa yun. Mabwibwiset lang ako"
Ngumiti lang sya. Akala mo may balak na masama sa way kung paano siya ngumiti
"Tara na!"
"Saan?"
"Where do you think? I'll buy you some comfort food. Gala nga tayo diba? Lets go!"
Wow!!!! You're the best.
"Tara!!" sabe ko habang nakangiti. Kahit papano gumaan ang loob ko.
Tsaka ko na isipin ang diet diet. Next time na.