Chapter 16

1152 Words
Hindi ako makagalaw. Napapapikit nalang ako at hindi ko namalayan na unti unti ko na pala na nilalagay ang mga kamay ko sa leeg niya. Siya naman ay inilipat na ang kanyang mga kamay sa aking bewang at ang isa naman ay nasa likod ng ulo ko. Hindi ko napigilan na umungol dahil sa ginagawa niya. Mukhang natuwa ata ang gago sa narinig niyang ungol ko. Bigla niyang tinigil ang halik at tumingin sa akin na nakangiti. Nagulat pa ako dahil imbes na tumigil na nang tuluyan ay hinalikan niya ako ulit and this time mas malalim na dahil tinutulak niya ang ulo ko palapit sa kanya. Mas humigpit rin ang hawak niya sa akin kaya naman wala na akong kawala pa. asdsffhgjkgjldfa Naging blanko na ang utak ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nararamdaman ko na nawawalan na ako ng hininga kaya naman tinutulak ko siya palayo, mukhang naintindihan naman niya ang ginagawa ko kaya lumayo na siya sa akin. Lumayo siya pero nakahawak pa rin siya sa akin. Parang wala atang balak na lumayo. Nagulat ako dahil bigla nalang siyang tumawa. Nanlaki ang mata ko dahil naalala kong nasa library pala kami. Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang bibig niya pero ang mokong na to, tumatawa pa rin. Makikita mo sa mga mata niya na parang joke tong ginagawa ko. Kapag narinig siya nang librarian sigurado ako na pupunta dito yun at sasabihan siya na tumahimik. Syempre kapag pumunta yun dito makikita niya ang posisyon naming dalawa. Iisipin niya na may nangyari. Ang sungit pa naman ng librarian na iyon. Baka ireport pa kami sa president ng school. Hala baka ma-issue pa kami. Baka isipin na nagbubulakbol lang kami at hindi nag-aaral ng maayos. Meron naman talagang nangyari sa inyo. Isa pa werewolf naman ang president, siguro naman alam niya kung ano ang mga mate duties na kailangan niyong gawin. Though hindi na kayo technically called mates. Mag shut up ka nga saph. "Bakit ka tumatawa? Wag kangang maingay! Wag ka magsalita! Wag ka na ring huminga! Baka pumunta dito yung librarian kaya please lang." Pero imbes na tumahimik siya, lalo pa niya atang nilakasan ang tawa niya. Abat nananadya ba itong lalaking ito. Alam kong sikat siya dito sa school na ito dahil sa mga kababalaghan na pinaggagagawa niya pero inosente ako okay! "Anong ginagawa niyo diyan?!" Ayan na ang kinatatakutan ko. Ang Librarian Juicecolored!!! "Diba dapat nasa klase kayo! Ginawa niyo pang tambayan ang library. Kung gusto niyong gumawa nang himala doon kayo sa labas.!!" Nakakahiya!! Namumula ang mukha ko. Si Lucas naman ay walang reaction. Nakasmirk pa ang kupal. At umalis na siya, pero hindi pa rin nagpatinag. Habang naglalakad palayo ang librarian narinig ko pang sinasabe niyang 'hay nako, mga kabataan talaga ngayon'. Namula ako lalo dahil sa sobrang hiya. Tinulak ko nang malakas si Lucas at tumakbo na palabas sa library. Pano pa ako haharap nito sa librarian. Sigurado ako na tuwing makikita ako nun iisipin lang niya na isa akong istudyanteng may ginagawang kababalaghan sa library. Kahit wolf yung librarian, sigurado ako na iyon ang iniisip niya. Syempre nareject na kami kaya wala ng connection. Hindi na mararamdaman ng ibang werewolf na magmates talaga kami ni Lucas at iisipin lang nila na may ginagawa kaming kalokohan. Tumingin ako sa likod at nakitang hindi na sumusunod si Lucas. Mukhang bumalik na siya sa klase. Hindi na ako tumuloy sa klase ko. Alam kong makikita ko lang siya doon kaya hindi nalang. Ichat ko nalang si Heizel na kung pwede ay ihatid ang bag ko mamaya sa likod ng school after ng first subject. Lumabas nalang ako at pumunta sa likod ng school. Naghubad ako sa likod ng isang malaking puno at nagshift na bilang werewolf. Hayyy Matagal tagal na din nung huli kang nagshift. Buti naman ngayon naisipan mo. Makakapag unat unat na din ng mga buto at kasukasuhan. Kasi wala kang ginawa kundi magsalita nang magsalita diyan baka sakaling tumahimik ka kapag pinalabas kita Buti naman at alam mo. Akala ko nakalimutan mo nang may wolf ka pa eh. Naglakad lakad lang kami ni saph dahil wala pa siya sa mood na magsisitakbo. Habang naglalakad kami, nakaramdam ako nang parang may nakatingin sa amin sa malayo. Pero hindi muna ako gumawa nang hakbang upang hanapin ang ang nakatingin sa amin. Tinuloy lang namin ni saph ang paglakad pero pabalik na kami sa school. Nararamdaman din ni saph na parang may nagmamasid samin kaya naman bumalik na kami. Malapit na kami sa malaking puno na pinaglagyan namin ng damit. Pero bago paman kami makalapit ay bigla nalang may sumugod sa aming isang werewolf na merong napakapulang mga mata Rouge!! Buti nalang at naka ilag kami agad. Dahil kung hindi baka patay na kami. Pinuntirya lang naman niya ang leeg namin. Isang lugar na sigurado makakapagbigay samin ng isang malaking injury. Perfect killshot Mukhang gusto niya tayong patayin Crystal. Kailangan nating lumaban. Per- Wala nang pero pero, sigurado ako na sa mga sandaling ito, meron nang naka detect ng rouge na yan. Nasa loob na siya ng teritoryo ng school kaya sigurado akong meron nang naka alam na may rouge dito sa loob. Mamaya maya lang may pupunta na dito upang hulihin siya. Ang kailangan nalang nating gawin ay ang masigurong hindi siya makaka-alis at ang manatiling ligtas. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Sa nakikita ko sa rouge na ito, mukhang gustong gusto na niyang pumatay. Ayokong mapahamak ka Crystal. Kaya natin to Sapphire. Maging alerto lang tayo at kumalma. Paparating na siya para sumugod sa amin. Nakakatakot siyang tignan dahil sa mga nanlilisik niyang mga mata. Pero hindi ako matatakot. Umilag kami at sinugod siya sa kanyang leeg. Kinagat namin siya doon para hindi na siya makagalaw, pero hindi masyadong malakas para hindi siya mamatay. Malakas ang rouge na ito at pilit siyang pumipiglas sa aming hawak. Pero malakas din kami kaya naman kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya maka alis. Mukhang nanghihina na ang rouge na ito dahil unti unti tumitigil ang pagpupumiglas niya mula sa kagat namin. Maya maya lang ay narinig ko na ang yabag ng mga wolfguards nang school namin. Pagkarating nila sa pwesto namin ay tinali nila ang mga binti at bibig nang rouge. Piniringan din nila ang mga mata nito. Bumalik na kami ni saph sa malaking puno na pinaglagyan namin ng damit ko. Nag shift na ako at nagbihis na. Pagkatapos ay bumalik na ako sa classroom. Hindi pa ako pwedeng umuwi dahil tatanungin pa ako ng mga wolfguards tungkol sa nangyari kanina. Kailangan ko nang bumalik sa klase kahit na ayoko kong makita si Lucas. Mahirap na baka magalit pa mama ko sakin kapag nalaman niyang nag Cutting Class ako. Medyo naalala ko pa kung paano tumingin ang rouge na iyon sa amin pero kailangan kong kumalma. Hindi ko na naabutan ang first subject at tumuloy nalang sa second subject.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD