Chapter 17

1306 Words
Lucas POV Pagkatapos nang halikan na naganap sa pagitan naming ni Crystal kanina, di na sumama ang mood ko buong araw. Mukha na nga akong tanga sa sobrang laki ng ngiti ko. "Alpha Alpha !!" may paparating na isang wolf guard papalapit sa akin. "ânong problema?" tanong ko na may kasamang kaba. May masama kayang nangyari? "Meron pong rouge na nakapasok sa school. Papunta na po doon ang mga wolf guards" Rouge? Paano sila nakapasok nang hindi nalalaman nang wolf guards? Hindi ko rin ito naramdaman "Nasaan na sila ngayon" "Nasa likod po sila nang library building, malapit sa gubat" Library Building? CRYSTAL!!! Hindi ko na hinintay ang wolf guard, tumakbo na ako agad papunta sa lugar na nasabi. Kinakabahan ako lalo dahil sa library ito, doon kami naghiwalay ni Crystal kanina. Pano kung may nangyaring masama kay Crystal? Dapat pala hindi ko nalang siya hinayaang umalis kanina. Dapat pala sinundan ko nalang siya. Kabahan na ang rouge na yun dahil kapag may nangyaring masama kay Crystal, hindi na siya makaka-alis nang buhay sa lugar na ito. Sisiguraduhin kong makukuha ko sa kanya lahat ng impormasyon na makukuha ko bago ko siya tuluyan. Pagdating ko sa lugar naamoy ko agad ang scent ni Crystal. Hinahanap ko siya sa paligid pero wala akong nakitang Crystal. Kinabahan ako lalo. Nakita ako ang mga wolf guards na may hawak na isang rouge na nakatali at nakapiring ang mga mata. Nilapitan ko sila kaagad. May nakita akong tulo ng mga dugo malapit sa lugar nila pero hindi ko naamoy doon ang scent ni Crystal. Mukhang sa rouge ang mga dugo na iyon. Mukhang nagkaroon pa ata ng laban bago nahuli ang rouge na ito. Sana naman ay walang nangyaring masama kay Crystal. Sana wala siyang natamong kahit anong sugat. "Anong nangyari? Paanong nakapasok ang isang rouge sa lugar na ito?" "Dumaan po siguro siya sa gubat. Hinintay siguro nang rouge na ito na matapos maglibot ang mga wolf guards sa lugar na ito. Mabuti nalang at may wolf dito kanina kaya hindi ito nakatakas at nahuli naming ang rouge ngayon." Sagot sa akin ng wolfguards habang sinusulat niya ang mga nangyari kanina. Gumagawa siya ng report para sa president ng school. Mukhang kailangan pang mas higpitan ang Sistema ng pagbabantay sa lugar na ito. Hindi lang para sa mga werewolf kundi para na rin sa mga taong nag-aaral ditto. Wolf? Mate natin yun sigurado ako!!!! "Nasaan na yung wolf na sinasabe mo?" tanong ko habang bakas sa boses ko ang konting kaba na baka mayroong nangyaring masama sa mate naming. "Pinabalik na po namin siya sa klase. Wala naman nangyaring masama sa kanya. Marunong makipaglaban ang wolf na iyon kaya wala naman masamang nangyare. Mabuti na nga lang po ay hinintay niya po kami at sinigurong hindi makaka-alis ang rouge na ito" Gumaan ang loob ko sa sinabe nang wolf guard. Mabuti naman at walang nangyaring masama kay Crystal. Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin na kung hindi siya marunong makipaglaban ay sigurado akong patay na ang mate ko ngayon. Hindi pa rin mawala sa isip ko na dapat kasama niya ako nung mga oras na iyon pero wala ako sa tabi niya para protektahan siya. Mabuti nalang talaga at ligtas siya at walang nangyaring masama sa kanya. Mukhang nakakalimutan mon a mayroon ding dugong alpha ang mate natin. Sigurado ako na walang laban sa kanya ang rouge na yan. Isa pa, tignan moa ng kondisyon ng katawan niya pati na rin ang kinikilos niya. Para siyang wala sa katinuan. Ngayong sigurado akong walang nangyaring masama kay Crystal nilapitan ko na ang rouge. "Dalhin niyo siya sa territory natin. Ilagay niyo siya sa dungeon. Kailangan natin ang rouge na ito para makakuha nang impormasiyon." Pagkatapos kong margining ang sinabi ni Zeus ay nagkaroon na rin akong hinala. Mukhang hindi normal ang rouge na ito. Oo, rouge sila at wala silang mga pack pero hindi sila ganito kabaliw kumilos. Na para bang wala na silang kontrol "Opo Alpha!!!"umalis na sila at dumiretso na sa territory kasama ang rouge. Bumalik na ako sa klase. Kahit naman sinabe na sa akin na okay na siya kailangan ko pa ring makasiguro. Mabuti nalang at magkaklase kami kaya hindi na ako mahihirapang hanapin siya. Hindi na ako nagsayang pa nang oras at naglakad na papalapit sa classroom naming dalawa. Crystal POV Nararamdaman ko na papalapit na dito sa classroom si Lucas. Akala ko ay hindi na siya papasok dahil sa insidenteng nangyari kanina. Dahil siya ang pinakamalapit na Alpha kaya siya ang may responsibilidad sa rouge. Kaya nagtataka ako kung bakit papasok pa rin siya sa klase. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko makakalimutan ang nangyaring halikan kanina sa library. Hindi ko alam kung bakit pero kapag naiisip ko yung nangyari kanina hindi ko maiwasan ang mamula. Isama mo pa yung librariang nakakakita sa amin kanina. Ano pang mukha ang ipapakita ko sa librarian? Library na nga lang ang isa sa mga safe haven ko tapos nabahiran pa nang kalokohan. HAIIISSSSTTT >//////< Narinig kong bumukas ang pinto nang classroom namin. "Mr. Miller! Mabuti naman at naisipan mo pang pumasok sa klase ko!" sigaw nang prof namin. Late na rin kasi at pumasok pa sa kalagitnaan nang klase si Lucas. Hindi na ako magtataka kung magagalit ang prof. Pero valid naman ang reason ni Lucas kaya siya nalate. Isa pa, sa mga nakita ko kanina, dapat ay nagsagawa pa sila ng mas malalim pang imbestigasyon. Mukhang may mali kasi sa nangyare kanina. Papaanong nakapasok ang rouge na iyon sa teritoryo ng school naming at bakit ganun nalang ang nais niyang pumatay? Nawala ang galit nang prof namin nang lumapit sa kanya si Lucas at may ibinulong ito dito. Kalahati kasi nang mga pro dito ay wolf at kalahati naman ang normal na tao. Ang prof namin ngayon ay isang wolf kaya naintindihan na niya ang ibinulonig sa kanya Lucas. Sa tingin ko patungkol ito sa pangyayari kanina. Hindi na siya umimik pa. Tumango na lamang ang prof namin at ipinagpatuloy ang pagtuturo niya. Si Lucas naman ay dumiretso na sa upuan niya. Buti nalang at sa likod siya naka-upo. Kahit papaano ay mababawasan ang awkwardness na nararamdaman ko dahil hindi ko siya nakikita. Pero doon ako nagkakamali Paano ba naman ako makakalma eh sa buong oras na nsgtuturo ang prof namin ay nararamdaman ko din ang titig niya. Buong oras ba naman siyang nakatingin sa akin. Hindi pa nakatulong na naamoy ko ang scent niya. Syempre aware na aware lang naman ako na nasa likuran ko lang siya. Bakit ba siya nakakatitig sa akin? Hindi ba pwedeng making na lang siya sa prof namin. Bakit kailangan pang tumitig? Wala ba siyang balak na tumigil? Syempre dahil mapagbiro ang tadhana, kahit anong pilit ko na hindi pansinin ay hindi ko magawa. Bakit ba ang bagal nang oras? Hindi pa ba matatapos ang klaseng to? Tumingin ako sa relos ko at nakita na 40 minutes' pa bago matapos ang klase. Antagal pa!!!!!!!!! Pano ko pa matatagalan ang nangyayaring ito?!!?!?!?! Dahil hindi ko napigilan ang sarili ko, tumingin ako sa likuran ko para tignan siya nang masama. Pero imbes na tumigil siya ay ningitian pa ako nang gag*. Hindi ata marunong makaramdam ito at hindi rin tumigil. Nagkatitigan ang mga mata namin at eto na naman ang mga mumunting boltahe nang kuryenteng nararamdaman ko sa tuwing nandiyan siya. Gusto ko man ibahin ang direksiyon nang paningin ko ay hindi ko magawa. Parang kinakausap ako nang mga mata niya. Matapos ang ilang minutong titigan namin ay nagawa ko na rin sa wakas na ibalin sa prof ang mga mata mo. Tinignan ko ulit ang orasan ko. Nakita ko na 25 minutes' pa bago matapos ang klase namin. Juiccecolored!!! Ano bang gagawin ko. Antagal pa. Bigyan niyo po ako nang lakas para makaraos sa oras na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD