Crystal POV
So ayun na nga no. May pagtitig pa rin na nagaganap. Naiinis ako sa sarili ko dahil naapektuhan pa rin ako nang mga titig niya. Gusto kong matuwa dahil nararamdaman ko na tinatanggap na niya ako ulit bilang isang mate
Pero sa tuwing naalala ko yung sakit nung pagreject niya sakin, nagagalit ako sa sarili ko. Kailangan ko na siguro talagang pilitin ang sarili ko na itigil ang nararamdaman ko para sa kanya
Sa pag iisip ko nang bagay na ito, hindi ko na napansin kung ano ang pinag gagawa niya sa likuran. Hanggang sa nagdismiss nalang ang prof namin. Tumayo na ako agad at lumabas ng classroom. Nagulat si Heizel dahil biglaan nalang akong umalis ng hindi nagpapaalam sa kanya. Tumakbo ako at pumunta sa likod ng school malapit ulit sa may gubat. Medyo natatakot na akong pumunta dahil sa nangyari kanina pero dito ko lang kasi nakukuha ang katahimikan na gusto ko
Dito lang ako nakakapag isip
Gusto kong tanggapin si Lucas. At gusto ko rin na tanggapin niya ako. Pero hanggang ngayon kasi nararamdaman ko pa rin ang sakit sa puso ko. Naririnig ko pa rin ang pagbasag sa pira piraso na para bang salamin ang puso ko.
Sa kabila nang mga ginawa niya, kahit naramdaman ko ang init nang pagmamahal niya sa halik niya. Sa puso ko, hindi ko maalis ang ala alang ni reject niya ako.
Ang hindi pagtanggap sa aming dalawa ng wolf ko. Hinintay ko siya ng matagal at tatanggapin ko siya kahit sino pa siya pero hindi ko inaasahan na basta basta niya lang kami itutulak ng palayo habang pinipiga ang puso ko
Maya maya pa ay naramdaman ko na ang pagdating niya. Gusto kong umalis pero hindi ko magalaw ang mga paa ko.
Hanggang sa umupo na siya sa tabi ko
Hindi ko siya tinitignan at umaaktong para bang walang tao sa tabi ko
Ayoko kasi na makita niya na para akong isang aso na kahit ni reject na ay, hahabol at hahabol pa rin.
"Crystal-"
"Lucas, sabihin mo nga sakin"
"......"
"Bakit ka ba lumalapit sakin?"
"......"
"Bakit ka ba nakikipag-usap sa akin?"
"......"
"Bakit mo ba ako niyakap dati?"
"......"
"Bakit mo ba ako hinalikan?"
"......"
Wala siyang imik. Hindi siya sumasagot sa mga tanong ko.
"Ni reject mo na ako diba?"
"......"
"Ayaw mo sakin diba?"
"......"
"Hindi mo ako tanggap diba?"
"......"
Muli ay wala siyang imik. Para lang akong nakikipag usap sa salamin. Naghihintay na sumagot ito pabalik pero walang nangyayari.
"Alam mo nung bata ako, pinangarap ko na kung ano ang pakiramdam kapag nahanap ko na ang taong para sa akin. Ang taong ako lang yung mamahalin. Ang taong nakatakda na para sa akin kahit nung nasa loob palang ako nang sinapupunan nang mama ko. Lagi kong iniisip, ano kayang itsura niya? Malakas ba siya katulad nang papa ko? Mahilig din ba siyang magbasa kagaya ko? Gwapo kaya siya? Ano kayang kulay ng wolf niya? Laging pumapasok sa isip ko noon ang mate ko. Sobrang excited ko na maging 18. Kahit walang party. Kahit walang regalo. Basta makita ko lang ang taong matagal ko nang hinihintay. "
Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa aking mga pisngi. Nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita dahil alam kong kahit hindi siya sumasagot ay nakikinig siya sa akin.
"Sabi nang mama ko, isa daw yun sa pinaka masayang mangyayari sa akin. Ang makita ang mate ko. "
Pero
"Kabaliktaran pala. Hindi ko akalain na irereject mo ko nang ganun ganun nalang. Iniisip ko tuloy, hindi mo ba ako hinintay kagaya nang paghihintay ko sayo? Hindi mo ba inimagine kung ano ang itsura ko? Hindi ka ba naging excited nung naging 18 ka? Pero nakita ko na yung mga sagot sa mga tanong na iyon"
"......"
"Lucas, simpleng babae lang ako. Hindi ako ang pinakamaganda, pinakamatalino, pinakasexy at pinakamabait na babae sa mundo. Pero masama bang naghangad ako nang isang bagay na para naman talaga sa akin?"
" ....."
"Lucas, alam ko naman na hindi mo ako gusto. "
"Crysta--"
"Tama na. Alam ko naman na hindi ko abot ang criteria mo para sa magiging mate mo. Kaya naman huwag mo na akong paglaruan pwede ba. Siguro iniisip mo na dahil mate mo ko dati ay pwede mo nang paglaruan ang nararamdaman ko. Wag mo akong paasahin sa isang bagay na hindi mo naman kayang ibigay sa akin. Wag mo akong paghintayin na isang araw mahalin mo ko kagaya nang pagmamahal ko sayo. Wag mong iparamdam sa akin na may nararamdaman ka dahil wala naman. Wag mo kong tignan na para bang ako lang ang babae sa mundo dahil hindi naman. Wag mo akong yakapin na para bang ako ang pinakamahalaga para sa iyo. Simple lang naman ang gusto ko simula pa nung simula. Pero diba inayawan mo na ako. Pakiusap layuan mo na ako. Pakiusap tigilan mo na ako. Pakiusap lang. Lucas"
Ngayon ko lang nailabas ang nararamdaman ko. Pero imbes na gumaan ang loob ko ay lalong bumigat ang pakiramdam ko. Masakit para sa akin na manggaling mismo sa bibig ko ang mga bagay na ayaw kong marinig. Pero uulitin ko ulit na bigkasin ang mga salitang ito. Dahil sa pagkakataong ito gusto kong maramdaman niya yung bigat.
"I, Crystal Greene, accept your rejection Lucas Miller. Totoo na talaga to. Malaya ka na gawin lahat nang gusto mo. Malaya ka na na maghanap nang iba. Kaya sana itigil mo na ang larong to. "
Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya. Binigyan ko siya nang pagkakataon pero wala siyang ginawa. Gusto ko lang maramdaman niya kung ano yung sakit nang inaayawan. Umiiyak si sapphire. Nararamdaman ko yun. Alam ko na masakit yun para sa kanya. Pero nasasaktan din kasi ako. Ayoko na lalo pa kaming masaktan kung sa bandang huli dumating sa punto na harap harapan niya kaming lokohin. Mas masakit kasi kapag umasa pa. Mas masakit ang bagsak kapag mas mataas ang expectations.
Tanggap ko na naman pero sobrang sakit lang kasi, yung taong pinangarap ko sa loob nang labing walong taon, inimagine ko, hinintay ko,ay mananatiling pangarap nalang habang buhay.