Chapter 13

1283 Words
Lucas POV Nagsurface ang aking wolf at hindi ko na nacontrol ang aking sarili, nakita ko na ang lalaking ito ang lalaki rin na binugbog ko na dati dahil rin sa paglapit niya kay crystal, dahil doon lalong dumilim ang paningin ko at pina-ulanan ko sya ng malakas at sunod sunod na mga suntok. Alam kong wolf ito kaya mas lalo ko pang nilakasan ang pwersa ng mga suntok ko. Alam kong masasayang lang ang mga suntok ko sa werewolf na ito kung normal na mga suntok lang ang gagawin ko. "Lucas!" Naririnig kong may sumisigaw nang pangalan ko pero hindi ko yun pinansin at lalo ko pang dinamihan ang suntok na ginagawa ko sa gagong to. Lalo akong nanggigil na bugbugin ang taong ito. Parang mas lalong lumakas ang pwersa ng mga suntok ko ng marinig ko na merong parang umaawat o pumipigil sa akin. "Lucas ano ba tama na!!" Napansin ko na parang babae ang sumisigaw ng pangalan ko. Napatigil ako bigla at dahil doon nabigyan ang gago ng pagkakataon na sumuntok pabalik sa akin. Babawian ko sana siya nang bigla akong hawakan ng mga pack members at classmate. Hindi pa rin ako nagpatinag at sabay sabay ko silang pinalipad, dahil alpha ako madali lang yun para sa akin. Lalo akong nainis sa ginawa nila. Parang pinagtatanggol pa nila itong bugok na it. Malas lang nila dahil maling tao ang naisipan nilang pigilan. Susugod na ako ulit ng biglang tumayo si Crystal sa harapan ko, lumapit siya hanggang sa halos magdikit na ang mga mukha naming. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at unti unting lumapit hanggang sa tuluyan ng nagdikit ang mga labi namin. SHIT SHIT SHIT AJSBBC BDJDJJGKDNDID Yan ang nasa isip ko ngayon hinahalikan ako ni crystal. Naramdaman ko ang mainit na labi niya habang nakalapat ito sa mga labi ko. Simpleng halik lamang ito pero mula ulo hanggang paa ang nakaramdam ng mga para bang kuryenteng nagmula sa kanyang halik. Napatulala ako at nakita ko na nakapikit ang kanyang mga mata. Ipipikit ko na rin sana ang mga mata ko pero naramdaman ko na parang lalayo na siya sa akin at unti unting lumuluwag ang pagkahawak niya sa aking mga pisnge. Syempre hindi naman ako papayag. Agad na niyakap ko sya at itinulak pa ang kanyang mukha papalapit sa akin. Napabitaw siya at napahawak sa mga balikat ko. Lumaki ang kanyang mga mata at kitang kita ang pagkagulat niya sa ginawa ko. Hindi ko na pinansin pa ang nangyayari sa paligid namin ngayon, ang alam ko lang, ang mate ko nasa harap ko ngayon at hinahalikan ko siya. Syempre hindi ko na sasaying pa ang pagkakataong ito. Pero hindi ko muna ginawang mas intense pa ang halikan naming. Ayoko naman na matakot siya sa akin. Halata ko na parang first time niyang humalik dahil doon ay pinigilan ko muna ang sarili ko at kahit gusto ko na talagang ipagpatuloy ang ginagawa namin ay syempre hindi ko yun ginawa. Lalo nat alam ko na maraming tao sa paligid namin. We broke apart at sabay kaming humabol sa aming hininga, wala kaming sinabi pa kundi nagtitigan lamang kami. Dahil nagkatitigan kami ay lumuwag ang pagkayakap ko sa kanya at ginamit naman niya ang pagkakataong ito na itulak ako at bigla siyang umalis mula sa pagkakayakap ko at pumunta doon sa lalaking binugbog ko ng sobra. Umalis na sila habang inaalalayan niyang maglakad yung lalaki papunta siguro sa clinic. Hinayaan ko na lamang sila at hindi na ako sumunod pa. Oo nagseselos ako pero hinayaan ko na lang na tulungan niya ang lalaking ito, umalis na lamang ako para hindi ko makita silang dalawa. Crystal POV I don't know what came into me at bigla ko na lang hinalikan si lucas. Oo inaamin ko na ako ang humalik sa kanya, hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang nasa isip ko nung mga oras na iyon at yun ay mapigilan si lucas sa ginagawa kay dev. Hindi ko alam kung bakit sa dinami rami nang pwede kong gawin ay naisipan ko pang halikan si Lucas. Parang bigla akong nagkaroon ng instinct na halikan si Lucas. Parang merong tumulak sa akin na gawin iyon. First time ko yun, hanggang ngayon parang nararamdaman ko pa rin yung pwersa ng halik niya. Noong una akala ko kontrolado ko lahat, nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap at mas hinalikan pa. Dahil sa iniisip ko, hindi ko napansin na napadiin ako sa pagpapahid ng gamot sa mukha ni Dev "Arrrrrrrrray ang mukha ko" Naalala ko lang si Dev nung narinig ko na siyang uma-aray sa sakit. Parang nabalik ako sa present ng narinig ko yun. Lumulutang kase utak ko kanina eh. Bumalik lang nung narinig ko na yung reklamo ni Dev. "Ano ba naman yan crystal, napagdiskitahan na naman ako ng loverboy mo. Palagi nalang mukha ko ung tinitira, alam ko namang gwapo ako pero sana wag na syang maiingit dahil gwapo rin naman sya. A-aray aray," reklamo ni Dev. Natawa naman ako sa sinabe nito. Nabugbog na kung ano ano pa sinasabe. Nakuha pa talagang magbiro. Kahit na nabugbog na napansin niya pa rin yung itsura ni Lucas. Yung totoo, siguro kaya hindi niya napagtanggol yung sarili niya kase nakafocus siya sa mukha ni Lucas. Matatawa ka nalang kung maririnig mo siya. Hindi moa lam kung maawa ka dahil sa mga pasa sa mukha niya o matatawa ka dahil sa mga pinagsasabe niya. Tinulungan kong tumayo si Dev at lumipat kami sa mas komportableng lugar sa clinic. Tinignan ko kung sumunod sa amin si Lucas pero mukhang hindi na. Buti naman. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag naisipan na naman nito na mambugbog. Pagkatapos kong pahiran ng gamot ang mga pasa ni Dev sa kanyang mukha ay dumating na ang nurse. Ipinaubaya ko na sa professional ang pagaasikaso sa iba pa niyang mga natamong pasa or injury sa katawan niya. Naalala ko na naman ang nangyari kanina, hindi ko pa rin makalimutan yung halik na ginawa ko. Hindi ko makalimutan kung gaano kalamb- "Crystal!!" Natigil ang iniisip kong kamanyakan nang marinig ko ang pangalan kong tinatawag. Ano bang nangyayari sa iyo? Magfocus ka muna sa kaibigan mo. Alam ko namang nasiyahan ka sa nangyari kanina pero kalimutan mo muna iyon. Diba nga gusto pa nating bawian si Lucas? Narinig ko ang mga sinabe ni Sapphire at naalala ko kung ano ang tunay kong purpose kung bakit ko sinuot ang mga damit na suot ko ngayon. "Hoy crystal kanina pa kita tinatawag diyan ah. Tulala ka naman. Kanina ka pa natutulala ah, ano bang iniisip mo na naman? " reklamo ni Dev habang nakatingin sa akin. Sinabayan pa ng panlalaki ng mga mata at pagtaas ng mga kilay. "Wala ah" Wala pala ah. Sinong niloko mo? "Wala pala. Eh bakit ka nagbablush? " Nagbablush yan kase may naalala siyang maganda Tumahimik ka nga diyan sapphire! "Hoy!! Natulala ka na naman, wala ka palang iniisip ah" biglang nagsmirk si Dev. "Si sapphire kasi eh" Hala sya oh sinisi pa ako. Wag mo nga akong sisihin sa mga kamanyakan mo. Hoy! Kausap naman kita kanina ah. Tsaka nakikinig kase ako sa mga sinasabe mo kanina kaya medyo natulala ako. Kung hindi ko pa pinaalala sayo edi hanggang ngayon yun pa rin ang iniisip mo. "Sapphire pala ah eh bakit ka nagbablush diyan, na parang naalala mo yung cru- wait lang, parang alam ko na ah. " he looked at me with that annoyingly knowing look in his face. Na para bang meron siyang malaking sikretong natuklasan "Ano na naman ba " "Akala mo hindi ko alam" "Ang alin? " "Huwag ka nang mag maangmaangan pa" "Ano ba kasi yun? " "Masharap ba? "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD