Chapter 14

1415 Words
Crystal POV Isang linggo na ang nakalipas nang mangyari ang pambubugbog ni Lucas kay Dev, isang linggo na rin ang nakalipas nang huli kaming magkita ni Lucas, isang linggo na rin ang nakalipas nang hinalikan ko si Lucas. Magaling na ang mga pasa ni Dev dahil na rin sa werewolf siya. At syempre kinukulit nya parin ako tungkol doon sa naganap na halikan. Hindi na tumigil sa pangungulit. Basta magkita kami, ngingiti tapos mangungulit. Sarap na nga sapukin eh. Parang akala mo naman issue ng pilipinas yung nangyareng halikan eh saglit nga lang yon eh. Anong ikwekwento ko kay Dev? Na nagulat ako dahil bigla nalang naging intense yung halikan. Na bigla nalang akong napahawak sa mga braso ni Lucas? Wag na uy! Baka lalo pa akong pag-initan nito ni Dev. ------------------------------------------------------------------------------------------ "Mesherep ba? " "Ano bang sinasabe mo? " "Wag ka nang magmaangmangan pa, kitang kita ang pagdikit ng mga labi nyo at kung paano nag spark ang mga mata ni Lucas" sabay pakislap din ng mga mata niya. Habang nakatingin sa akin ay gumawa pa siya ng mga weird na sound. Parang akala mo siya talaga yung nandun sa pangyayari. Parang nangangati na talaga yung mga kamay ko na sapukin to eh. "Napaka mo talaga eh" tinignan ko siya ng masama sabay palo sa balikat niya. "sus, ganyan ganyan ka pa eh halata namang gusto mo rin" sabe niya tapos bigla pa namang nag eye-roll. "Hoy! Kung hindi lang naman dahil sa halik na yun ay magiging abstract painting na yang mukha mo. Kaya mag thank you ka na lang." paalala ko sa kanya. duh, yun lang naman yung sumalba sa sinasabe niyang magandang mukha kuno. "Hay naku. Sige na bahala. Paniwalaan mo kung saan ka masaya. Sabagay yung nangyari parang hitting two birds with one stone. Naligtas mo na ako, nakahalik ka pa nang gwapo" Namula ako at tinignan sya nang masama. Tiniwanan lang niya ako. Sobrang lakas ng tawa, napatingin nalang samin yung nurse tsaka yung ibang students na nasa loob ng clinic. --------------------------------------------------------------------------------- At yun na nga. Matagal ko na ring hindi nakikita si Lucas. Hindi ko siya namimiss ah. Baka mag isip kayo nang masama. Nagtataka lang ako kung bakit wala siya at kung bakit hindi siya pumapasok. Kase naman kakasimula palang ng school year pero parang wala na ata siyang balak bumalik ng school. Sige sabi mo eh. Paniwalaan natin yan. Syempre lokohin muna natin sarili natin bago natin lokohin yung iba para mas convincing diba. Bwiset ka talaha sapphire. At kelan ka pa naging pilosopo ha. Ikaw na nga lang kakampi ko dito. Hindi na siya sumagot pa pero nararamdaman ko na para bang tinatawanan niya ako. Syempre hindi ko alam kung totoo yun. Nakarinig ka na ba ng wolf na tumatawa? Hindi ko parin alam kung itutuloy ko pa ba ang paghihiganti ko dahil sa pagreject nya sa akin o hindi. Pero sa tuwing naiisip ko na ni reject niya ako nang ganun ganun na lang bumabalik ang galit at inis ko sa kanya. Hindi ko naman kasi ugali yung gumaganti sa kapwa. Para sa akin kase kung may nagawa kang masama at tinanggap mo iyon, okay na yun sa akin dahil sigurado naman akong matuto ka na sa experience na nangyari. Pero kasi malalim talaga yung naging tatak ng ginawa ni Lucas sa akin. Kahit siguro mag sorry siya mukhang matatagalan bago ko pa makalimutan yung nangyari. Tama nga siguro na ipagpatuloy ko ang paghihiganti ko sa kanya at iiwasan ko na rin na mapagbalingan niya si Dev. Mayayari na talaga ako dun kapag naulit na naman ang pambubugbog sa kanya ni Lucas. Malakas naman si Dev dahil isa siyang wolf at kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya pero kung ang bubugbog sa kanya ang isang alpha na katulad ni Lucas baka sa susunod hindi lang pasa sa mukha ang makuha niya. Baka hindi na siya makalakad ng tuluyan. Siguro mas makakabuti kung sabihin ko na kay Lucas na bakla si Dev para hindi na niya ito mabugbog. Kaso lang paano ko naman gagawin yun kung ayoko ko nga siyang lapitan. Alanganamang si Dev ang utusan kong magsabe eh baka hindi pa siya nakakalapit ay nagkabukol na agad siya. Mahirap na. Siguro lalayuan ko muna si Lucas para hindi niya pagdiskitahan si Dev. Sa ngayon. Lucas POV Isang linggo na rin ang nakalipas noong hinalikan ako ni Crystal. Hindi ko pa rin makalimutam kung gaano kalambot ang mga labi niya. Kung gaano siya kasarap mahalikan. Pero hindi pa ako makakapasok ngayon at hindi ko muna siya makikita. Kasalukuyan kasing may inaasikaso akong problema sa Pack namin. Kaya naman hindi rin ako makapasok sa school. Dahil ako ang alpha, responsibilidad ko ang lahat ng nangyayari sa aking pack. Pero gusto ko na talaga siyang makita eh Gusto ko na siyang mayakap at mahalikan ulit. Alam kong wala na akong karapatang gawin ang mga bagay na iyon dahil sa ni reject ko siya pero pinagsisisihan ko na ang bagay na iyon. Hindi ako papayag na makuha siya nang ibang lalaki. Naiisip ko pa lang naiinis ako. Para bang gusto kong patayin kung sino man ang lalaking makikilala niya na maari niyang gawing bagong mate niya. Sino ba ulit yung nagsabe na hindi pa daw siya handing matali kaya nireject niya yung mate namin? Lucas ba pangalan non? Nangiinis pa tong si Zeus. Dumilim tuloy yung mukha ko. Gusto ko sana sagutin si Zeus ng biglang magtanong sa akin si Alden "Alpha, ano po ba ang tingin niyo sa napili naming paraan? " Shit. Nasa meeting nga pala ako. Wala tuloy akong naintindihan na kahit ano puro kasi si Crystal ang naiisip ko ano bayan. Kailangan talaga bago mag simula ang araw ko ay makita ko siya. Para hindi ako na a-out of focus ng ganito. Baka itakwil ako ng mga members ko kapag hindi ko nagawa ng maayos ang mga responsibilidad ko. "Alpha?" "Pag iisipan ko, malaki ang kalaban natin dito kaya naman kailangan pag-isipan ang bawat desisyon bago ito gawin. Hindi ang manalo ang dapat maging focus kundi pati na rin ang magiging kalagayan at kaligtasan ng mga member ng pack na ito" sinabe ko sa kanila. Kahit na hindi ako nakikinig at iniisip ko si Crystal, syempre hindi pa rin mawawala sa isip ko ang kaligtasan ng pack na pinamumunuan ko. "Tama po kayo." "Kung gayon ay siguro mabuti kung itigil na natin ang meeting nato. Para na rin makapagpahinga tayo at para na rin mapag-isipan na ang mga hakbang na gagawin. Pero lagi pa rin kayong maging alerto. Para sa mga inatasan kong mangalap ng impormasyon, ipagpatuloy niyo lang yan pero sa oras na malagay kayo sa panganib humingi agad kayo ng tulong. Tandaan niyo na mahalaga ang bawat buhay sa pack na ito. Kung mamamatay kayo, hindi niyo na magagawa ang mga responsibilidad niyo at hindi niyo na rin magagawa pang matulungan at maprotektahan ang pack na ito" paalala ko sa kanila. Isa man akong gagong estudyante ay isa akong reponsableng alpha. Hinding hindi ko isasaalang alang ang mga taong namumuhay sa pamamahala ko. Umalis na ang mga kasama ko sa meeting at ako nalang ang naiwang mag-isa. Malaki ang kinakalaban namin ngayon. Buong kapakanan nang aking pack ang nakasalalay dito. Kung hindi ko ito magagawan ng paraan, maari silang mapahamak at baka mas mapadalas ang hindi ko pagkita sa aking mate. Pag iisipan ko ang mga bagay na ito, pero sa ngayon sa tingin ko kailangan ko munang pumasok sa school namin. May lalambingin lang muna akong magandang mate na sigurado akong nagtataka na kung bakit wala ako sa school ngayon. Sa tingin ba niya, ligtas na siya sa pag halik niya sa akin. Hindi iyon basta basta lang matatapos ng isang beses. Malas lang niya dahil adik ang hinalikan niya. Na-adik na sa halik niya. Kaya naman Crystal, hintayin mo lang ako mate. I'll make sure na hindi ka na titingin sa ibang lalaki bukod sa akin. Hinding hindi mo na maiiipan pang lumapit sa ibang lalaki. Crsytal POV *shivers* "O bakit? Nilalamig ka ba? " tanong sa akin ni Dev. "hindi, baka pinaguusapan lang ako. Pero may kaba akong nararamdaman eh" Bigla akong kinilabutan ah. Ano ba to? May mangyayaring masama bas akin? Tumatayo mga balahibo ko huhu "paanong kaba? " sabay taas ng kilay ni Dev "Parang may mangyayari sa akin na hindi ko inaasahan. " wag naman sana. "Paranoid ka lang bes. Baka namimiss mo lang mate mo" Huminga na lang ako ng malalim Paranoid nga lang ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD