Kabanata 1 unang umpisa
Kabanata 1: Sa Likod ng Korona
Mula sa labas ng palasyo ng Hohen, tila perpekto ang lahat. Kumakaway ang mga royal guards sa mga panauhin, ang marmol na hagdan ay kumikislap sa linis, at ang mga kurtina ng bulwagan ay sumasayaw sa ihip ng preskong hangin. Ngunit sa loob ng isang silid na punô ng ginto’t alabaster, may isang prinsesang nakadungaw sa bintana—tahimik, malungkot, at parang bihag ng sarili niyang mundo.
Si Anna Lizzie Hohen, ang bunsong prinsesa ng Hohen, ay hindi ang tipikal na prinsesa ng mga kwento. Tahimik siya, mahinhin, ngunit taglay ang tapang na hindi isinusuot bilang korona. Hindi niya kailanman hinangad ang trono, ngunit ngayon—wala na siyang pagpipilian. Ang kanyang dalawang Ate na si Sandy at Elizabeth ay bumitiw na sa kuruna at masaya sa buhay na tinahak ng mga ito kasama ang kanya-kanyang pamilya ang dalawa kuya naman niya ay may sarili pinamumunuan ang truno bilang hari sa kabilang dako ng bansa. Ang kanyang kapatid na si David, bagamat isang prinsipe rin, ay mas pinili ang maging tagapayo kaysa tagapaghari. Kaya’t lahat ng mata ay nasa kanya.
"Your Highness, handa na po ang eroplano. Paalis na tayo sa loob ng dalawampung minuto," ani ni Miles, ang kanyang personal escort na nagsisilbing kalihim at tagabantay sa mga biyahe sa ibang bansa.
Tumango si Anna, hindi tumugon.
Nakasuot siya ng isang simpleng pastel blue na bestida. Iyon ang pinakapayak sa kanyang koleksyon, ngunit iyon din ang pinakakomportableng isinuot niya sa mahabang panahon. Nilingon niya ang palasyo—ang tahanang naging kulungan na rin sa ilang taon.
"Alam mo bang minsan kong inisip kung paano kaya ang mabuhay bilang ordinaryong tao?" tanong niya kay Malis, na pansamantalang natigilan sa paghakbang.
"Your Highness... ang isang tulad niyo ay isinilang upang mamuno. Hindi po madali, pero napakaimportante ng papel ninyo."
Napangiti si Anna, malamlam.
"Ang problema kasi sa kapalaran, Miles, kahit hindi mo gusto, itutulak ka niya sa direksyon na ayaw mo... at kapag tumanggi ka, may magdurusa."
Lumipad ang eroplano sakay ang prinsesa, patungong Pilipinas—upang katawanin ang kaharian sa isang pandaigdigang pulong ng mga bansang may alyansa. Doon, nakatakda siyang magbigay ng talumpati. Isang araw lang daw. Isang presensiya lang daw. Pero sa likod ng lahat ng ito ay may ibang gumagalaw—mga lihim na planong hindi inaasahan ng sinuman.
---
Sa Pilipinas
Nagkakagulo na ang media. May mga sasakyang nakaabang sa paliparan. Nakahanda na ang red carpet at ilang mga opisyal mula sa pamahalaan ang naroon para salubungin siya.
Ngunit sa kabilang bahagi ng lungsod, may mga matang nanonood sa bawat kilos ng delegasyon. Isang grupo ng mga rebelde ang matagal nang nakapwesto. May iisang misyon—dukutin ang prinsesa at gamitin siya bilang puhunan sa kanilang layunin laban sa global powers.
---
Pagkababa ni Anna mula sa eroplano
Sumalubong ang malakas na flash ng camera. Maayos ang ngiti niya, ngunit ramdam ni Miles na hindi iyon totoo. Alam niya, pagod na si Anna sa pagsusuot ng ngiting para lang sa publiko.
Ang tunog ng palakpakan ay umalingawngaw sa loob ng Grand Imperial Hall ng Maynila—isang engrandeng okasyong dinaluhan ng mga pinuno at kinatawan mula sa iba’t ibang bansa. Ang mga ilaw ay kumikislap sa mga kristal na chandelier, habang ang mahahabang mesa ay puno ng mga masasarap na putahe’t inumin mula sa iba’t ibang kultura.
Sa gitna ng makulay na selebrasyon, isang babae ang tahimik na nakaupo sa isang gilded na upuan. Ang kanyang presensya ay hindi maikakaila—mataas ang noo, matuwid ang tindig, at may kakaibang ningning sa kanyang mga mata. Siya ay walang iba kundi si Anna Lizzie, ang bagong hinirang na Crown Princess ng Hizon.
Sa kanyang suot na royal blue silk gown, kumikintab ang kanyang balikat sa bawat kilos. Ngunit sa kabila ng kinang, may halatang pagkabalisa sa kanyang mga mata—parang may hinahanap, o pilit na iniiwasan.
"Your Highness," bati ng isang diplomat mula sa European Union, sabay abot ng kamay.
Ngumiti si Lizzie, banayad at may paggalang. “A pleasure to meet you, Sir Andrew.”
Habang abala ang lahat sa pagbati sa prinsesa, isang pares ng matang nakatago sa lilim ay matamang nakamasid. Suot ang itim na suit, headset, at taglay ang malamig na ekspresyon, tahimik lang siyang nakapuwesto sa second floor ng bulwagan. Siya si General Callix Reyes, ang lihim na itinalagang head ng seguridad para kay Princess Anna Lizzie.
“Alpha Team, clear ang perimeter. Pero may na-detect na kakaibang galaw sa south exit. Puwesto tayo,” bulong niya sa radio habang nananatiling alerto.
Ngunit sa loob ng ilang segundo, nagdilim ang paligid.
Biglang namatay ang ilaw.
Sumigaw ang ilan. Nabulabog ang mga panauhin. Sa gitna ng kaguluhan, isang usok ang bumalot sa bulwagan.
“Princess Anna Lizzie has been taken! Repeat—target is missing!”
Itinapon ang headset ni Callix habang mabilis siyang bumaba mula sa second floor. Sa kanyang pagkilos ay walang alinlanñgang tapang—parang hayop na naghahanap ng kanyang biktima. Ngunit sa likod ng kanyang determinasyon, may kakaibang kaba siyang nararamdaman.
“Hindi puwedeng mawala siya…” bulong niya sa sarili, habang sinusundan ang trail ng mga kalaban.
Sa isang iglap, mula sa isang maringal na gabi, naging bangungot ang lahat.
At sa gitna ng dilim—magsisimula ang kwento ng isang prinsesang natutong umibig… at ng isang sundalong handang sumugal para sa isang pag-ibig na bawal.
---
Maalinsangan ang hangin, at ang halimuyak ng damo at lupa ay umaalingasaw sa maliit na silid na yari sa kawayan. Walang mga bintana—tanging ang siwang ng liwanag mula sa siwang ng pinto ang nagsisilbing liwanag sa madilim na paligid.
Nagmulat ng mga mata si Princess Anna Lizzie. Mabigat ang talukap ng kanyang mata, tila ba pinilit na bumangon mula sa matagal na pagkakatulog. May kirot sa batok. Sumasakit ang buong katawan.
“Ahh…” mahina niyang ungol, habang sinusubukang igalaw ang mga kamay at paa.
Nakasuot pa rin siya ng royal blue gown na gusgusin na’t may bahid ng alikabok at damo. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang hawak ang gilid ng maliit na kama kung saan siya nakahiga.
“Nasaan ako?”
Napatingin siya sa paligid—may lumang mesa, isang timba ng tubig, at isang kumot na nakasabit sa dingding. Walang ibang tao. Tahimik ang paligid, ngunit may kung anong presensya ang bumabalot sa paligid niya—isang uri ng pakiramdam na may nagmamasid.
Sinubukan niyang tumayo. Mabilis ang t***k ng kanyang puso. Tinungo niya ang pintuan, ngunit hindi iyon agad bumukas. Naka-lock.
“Hello?” sigaw niya. “May tao ba rito? Nasaan ako?”
Walang tugon.
Bigla, isang kaluskos mula sa labas. Kumalabog ang pader, at napaatras siya sa gulat.
“Sino ‘yan?” halos palahaw na niya. “Lumabas ka! Sino ka?!”
Tahimik muli. Ngunit sa gilid ng kanyang paningin, may aninong dumaan sa siwang ng pintuan—mabilis, bahagya lang, ngunit sapat na upang magpatindig ng kanyang balahibo.
“Hindi ito panaginip…” bulong niya, habang humahakbang paatras.
Napaupo siya sa isang sulok. Dala ng pagod at takot, napayuko siya, pilit na nilalabanan ang luha.
“Bakit ako dinukot? Anong gusto nila sa akin?”
Sa kanyang dibdib, mabigat ang kaba. Hindi niya alam kung anong nangyari pagkatapos ng gala. Huling naaalala niya, may usok, may sigawan, tapos—wala na.
Ilang sandali pa, tila may narinig siyang bulong mula sa labas. Hindi malinaw. Parang dalawang boses—isang lalaking malamig ang tono, at isa pang paos na tila may galit.
“…bantayan mo siya. Huwag kang magkakamali.”
Tumigil ang kanyang hininga. Umangat ang kanyang tingin sa pinto, at sa kabila ng takot, isang bagay ang tumibok sa kanyang puso.
Hindi takot—kundi gutom sa katotohanan.
“Kailangan kong makalabas dito…”
"Tulungan n’yo ako! May tao ba diyan? Pakiusap!" sigaw ni Lizzie habang walang tigil ang pagpalo niya sa pinto gamit ang kanyang kamay.
Bakas sa kanyang mukha ang takot—nanginginig ang kanyang mga labi, namumugto ang mga mata, at basang-basa ng pawis ang kanyang noo. Paulit-ulit niyang tinatawag ang kahit sinong maaaring makarinig. Ngunit ang tanging sagot ay ang malamig na katahimikan sa labas.
Napaatras siya, napaupo sa sahig na gawa sa kawayan. Niyakap niya ang kanyang sarili habang pilit pinapakalma ang dibdib na tila sasabog sa bilis ng pagtibok. Hindi niya alam kung anong oras na, kung gaano katagal na siyang nawawala, o kung may naghahanap pa ba sa kanya.
"Bakit ako? Anong kasalanan ko sa kanila?" bulong niya habang dahan-dahang tumutulo ang luha sa kanyang pisngi.
Biglang may narinig siyang kalabog mula sa bubong. Napalingon siya. Mabilis. Parang may gumapang. Napakapit siya sa dingding habang pinakikiramdaman ang paligid.
“Wala ka nang takas, Prinsesa,” isang paos na tinig ang umalingawngaw sa likod ng pintuan.
Nanlaki ang mga mata ni Lizzie. Tumayo siya, pilit isiniksik ang sarili sa sulok ng silid, para bang gusto niyang maglaho na lamang. Halos hindi siya makahinga.
“Hindi ko alam kung anong gusto nyo sa akin, pero hindi ako matatakot sa inyo!” lakas-loob niyang sigaw, kahit pa nanginginig ang kanyang tuhod at vina alot siya ng kaba sa kanya ng dibdib.
Isang halakhak ang sumagot mula sa kabilang panig ng pinto. Malamig. Mapanghamak.
“Matapang ka nga, gaya ng sabi nila. Pero hanggang kailan?”
Maya-maya pa, unti-unting umalis ang mga yabag sa labas. Bumalik ang katahimikan.
Naiwan si Lizzie na nakasandal sa dingding, luhaan, at hapong-hapo. Ngunit sa kabila ng pangamba, isang bagay ang unti-unting pumapalit sa kanyang takot—galit.
"Hindi ako mananatiling bihag. Hindi ako basta-bastang susuko."
At sa kanyang mga mata, unti-unting namuo ang determinasyong hindi angkop sa isang prinsesa lang—kundi sa isang babaeng handang lumaban para sa sarili niyang kalayaan.
Nag-iisa si Princess Anna Lizzie sa loob ng isang madilim at malamig na silid—ang tanging liwanag ay nanggagaling sa mahina at kumukurap na bombilya sa kisame. Ang kanyang mga kamay ay nakakadena sa isang bakal na poste, at kahit anong pagpilit niyang kumawala, wala siyang magawa kundi ang umiyak sa katahimikan ng gabi.
“Tulong!” sigaw niya, paulit-ulit. “May tao ba diyan?!”
Bakas sa kanyang mukha ang matinding takot. Ang kanyang buhok ay gusot na, at ang royal blue gown na suot niya noong gabing iyon ay may mga mantsa na ng alikabok at sira sa laylayan. Hindi niya akalaing ang gabi ng karangalan ay magiging simula ng isang bangungot.
Bumukas ang pinto ng biglaan.
Bang!
Mabilis na lumapit ang isang lalaking matangkad, matipuno, at may matatalim na mata. Si Nanyo, ang lider ng grupong responsable sa pagdukot sa prinsesa.
Hindi siya rebelde ng isang bansa—bagkus, isa siyang lider ng isang lihim na organisasyon na may sariling agenda laban sa mga dayuhang nakikialam sa kanilang mga operasyon sa Southeast Asia. Si Lizzie, bilang prinsesa ng isang prominenteng bansa sa Europa, ay naging simbolikong target nila—isang pansamantalang leverage upang tawagin ang atensyon ng mga pinuno.
Nilapitan ni Nanyo si Lizzie, malamig ang ekspresyon. Wala siyang dala kundi ang sarili niyang presensya na tila'y kayang dumurog ng damdamin.
Hinawakan niya ang panga ni Lizzie—mahigpit, matatag, hindi para saktan kundi para iparamdam ang banta.
“Royal blood ka nga,” malamig niyang sambit. “Pero ngayon, pantay-pantay tayong lahat.”
Hindi umiwas ng tingin si Lizzie. Sa kabila ng kaba sa kanyang dibdib, pinilit niyang hindi ipakitang takot siya.
“Ano’ng gusto n’yo sa akin?”
Napangisi si Nanyo. “Hindi ikaw ang gusto namin. Pero ikaw ang mensahe.”
Bumitaw siya sa pagkakahawak at lumingon sa lalaking bantay sa pinto.
“Bantayan siyang mabuti. Bawal makalapit ang sinuman maliban sa akin.”
Muli siyang tumingin kay Lizzie bago tuluyang lumabas.
“Kapag nakuha na namin ang gusto namin… malaya ka rin. Hangga’t hindi pa, manahimik ka lang, Prinsesa.”
At sa muling pagsara ng pinto, naiwan si Lizzie sa dilim—hindi lang ng silid kundi ng kawalang-katiyakan.