Winter’s POV I was busy packing my things after I got discharged. Si Sheila lang ang kasama ko, hindi nakapunta si Nanay Selya at Liza dahil may inaasikaso sila sa mansyon. Pinili kong maupo muna sa kama dahil mamaya pa naman ang aming alis. Pakiramdam ko nga ayaw ko munang umuwi. Tahimik ang silid nang may biglang nagbukas ng pinto. “Oh, ngayon ang labas mo, Winter?” rinig kong tanong ni Eros. Hindi naiwasang magsalubong ng dalawa kong kilay, hindi ko alam kung bakit madalas nila akong bisitahin gayong maayos naman na ako. “Yeah.” “Really?! That’s cool,” masayang wika ni Kiel. Nabaling ang tingin ko kay Sheila at napansin na tahimik pa rin ito, she’s been silent for about an hour sa hindi ko malamang dahilan. I looked at my wrist watch and found out that it’s already 9 a.m., kung

