PROLOGUE
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. The names, characters, places, events and other are fictitious, unless it was stated. Any resemblance to real persons, living or dead or actual events are purely coincidental.
No part of this book maybe reproduced, stored in a retrieval system or by any means, electric, mechanical, photocopying, recording or otherwise, without the prior permission of the Author.
NOTE: This would be the start of the story. So if you read the Chapter 1-4 in wttp, there'd be an adjustment. Just read the title of chapter for you to continue where you stopped.
--
IT WAS late at night, ngunit hanggang ngayon ay walang tigil sa paglalakad ang aking mga paa kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan. Questions keeps on running inside my head. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang maghalu-halo ang lungkot, sakit, at puot na nararamdaman ko. Because of the past? The past that are still hunting me up until now, and it hurts me to think how difficult it is to control even if I wanted to.
Naramdaman ko ang pagtagos ng tubig ulan sa aking mga kasuotan. I am soaking wet due to the heavy rain.
Ilang beses ko na nga bang itinanong sa sarili ko kung bakit ganito ako? Kung bakit pakiramdam ko wala nang magbabago pa sa buhay ko. My tears wouldn’t stop from falling whenever I remember that day. I’m a liar if say that I’m used to it, because to be honest, it’s too tiring. When you just wanted to live a normal life, but you just can’t. Dahil ultimo ang pagtakbo ng orasan sa buhay na kinagisnan mo ay hindi normal.
Kapag ang isang piraso ng puzzle ay nawala, mapunan man ng iba ngunit hinding-hindi na ito mabubuo pa. That’s how I felt when I lost her, my mom. No words can describe how much I missed her.
Sa kalagitnaan ng pagkabasa sa ulan ay hindi naiwasan ng mga tao na mapabaling sa aking direksyon at pagtinginan ako. I just let them, and it doesn’t matter anyway.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, nang isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid. The people started to panic, while I remained standing to where I am. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ang mga pamilyar na pigura ng mga lalaking iyon. I shook my head. Ito na naman ako at makikipaghabulan na naman sa kanila. I took a deep sigh and started to run.
Nagsimula muli silang magpaputok nang sinubukan kong mawala sa kanilang paningin. I really don’t know the reason why they wanted to kill me. Sa pagkakaalala ko ay wala pa akong ginagawang atraso sa kahit na sino. Papasok na sana ako sa isang madilim na eskinita nang bigla akong natamaan ng bala ng baril sa may kanan kong braso.
“f**k!” napamura na lang ako habang tinatahak ang madilim na iskita, at hanggang sa nakalabas ako ng iskinita ay hindi pa rin nila ako nagawang tigilan. Crap!
Nang tahipin ako ng pagod dala ng pagtakbo ay nagdesisyon ako na huminto muna, eksakto naman ang kanilang pagdating. I turned around and remained my composure, huminto rin sila matapos niyon.
My left hand is on my right arm, dahil sa natamaan ito ng bala kanina. I am really going to kill the one who did that. Hindi sila kumibo at nag-angat na lang ng baril kaya pinakiramdaman ko na lang ang mga susunod nilang galaw.
Lima sila, kaya hindi ko pinahalata na bubunot ako ng dagger sa bandang tagiliran ko, hindi iniinda ang tama ng bala sa kanan kong braso. And f**k me for forgetting that I have a weapon with me, kung naalala ko lang sana kanina e di sana hindi na ako nagpakahirap pang tumakbo. Stupid, Winter.
I felt the two that are going to attack me, kaya naman hinagisan ko ang isa ng dagger, at sa tamang pag-asinta ay natamaan ko siya sa noo. Kaagad ko namang sinipa sa mukha ang isa pang papalapit sa akin dahilan para mawalan ito ng malay.
“Two down,” I said before I smirked to the remaining three.
When they decided to attack me ay doon ako kaagad nakaisip ng paraan, at dahil sa umuulan ay naisip kong tumalon nang mataas; mabigat na ibinagsak ko ang aking mga paa matapos dahilan para matalsikan sila ng tubig ulan at mapahinto sa kanilang ginagawa. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at sinuntok na lang ang isa sa mukha sabay sinipa ang tiyan nito bago ko hinagisan ng dalawang shuriken ang dalawa pa, kaya natumba silang lahat.
Saka ko lang naramdaman muli ang sugat sa aking braso matapos kong patumbahin ang limang lalaking humabol sa akin.
Nakarating ako ng mansyon na basang-basa at nanginginig. Bumukas ang pinto at sinalubong ako ni Nanay Selya sa nag-aalalang mukha.
“Jusme! Ano nangyari sa `yong bata ka?!” Her eyes widened as she saw me. Hindi na ako magtataka kung baka dahil sa akin ay atakihin siya sa puso.
“Nay, okay lang po ako.” Si Nanay Selya ang mayordoma rito sa mansyon, matagal na siyang nagtatrabaho rito kaya mapagkakatiwalaan siya. I treated her as my second parent, since she’s the only one that I have.
“Ano’ng okay diyan e may tama ka ng bala?! Halika nga rito, gagamutin natin `yan!" Ramdam ko ang takot sa kaniyang boses, ngunit mas nangingibabaw pa rin sa kaniya ang pag-aalala.
“Magbibihis lang po ako.”
“O sige. Magbihis ka muna roon at tsaka natin gagamutin `yan,” wika niya habang tinutulak ako papaakyat sa hagdan. Tumango na lang ako at hindi na nagreklamo pa.
Pagkarating ko sa kuwarto ay dumiritso na kaagad ako sa banyo para maligo at makapagbihis. I watched myself in front of the mirror. My black medium straight hair are now dramatically wet, isa ito sa namana ko kay mama kong pinay, pati na rin ang matangos kong ilong at may kakapalan na kilay; my skin isn’t that white, but I am not a morena too, tama lang. Habang ang medyo singkit kong mga mata, kurting puso na mga labi at bilogang mukha ay namana ko kay dad na purong Koreano, sadly I almost looked like my dad. Bumaba na rin ako pagkatapos ko makapag-ayos ng sarili.
Nakita ko si Nanay Selya na nakaupo na sa may sofa. Nakahanda na rin ang first aid kit para gamutin ang sugat ko. Hindi naman bumaon ang bala, medyo daplis lang at tsaka hindi naman naiwan sa braso ko ang bala ng baril.
“O h’wag ka na tumayo riyan, umupo ka na at gagamutin ko na `yan.” Umupo ako sa may tabi niya tsaka niya dahan-dahang inalis ang benda ng aking braso. Nilagyan ko kasi ito ng benda kanina pagkatapos maligo para mapigilan ang pagdurugo.
“Ano ba kasing nangyari?” she asked worriedly.
“May nagtangka na naman sa buhay ko,” simpleng wika ko sa kaniya na ikinabuntonghininga niya.
“Alam kong darating ang araw na ito.” Kumunot ang aking noo sa sinabi niya.
“What do you mean?”
“Alam kong karapatan mong malaman ito, pero hindi dapat sa akin manggaling.” I gaped for a bit planning to ask her a question, ngunit walang lumabas sa aking bibig. “Huwag kang mag-alala, darating ang araw na may isang taong magsasabi sa `yo kung bakit nangyayari ang lahat ng ito,” she said before she stood up when she finally done giving first aid to my wound.
“Is this the reason?” Bumaling siya sa akin. “You’ve taught me a lot of things to protect myself. Dapat ba akong matuwa kasi nagagamit ko?”
Maliit siyang napangiti sa akin at marahang tinapik ang balikat ko.
"Basta palagi mong iingatan sarili mo, at kahit na ano’ng mangyari h’wag na h’wag mong hahayaan na kuhanin ka nila.” Kumunot ang noo ko sinabi niya. “Nandito lang ako Winter. Hindi ka nag-iisa.”
Hindi ko naiwasang isipin kung ano ang sinabi niya. What was she talking about? Wala akong maintindihan.
I shook my head. Siguro hindi ko muna iisipin ngayon. I’m tired and I need to rest, kaya naman dumiretso ako sa kuwarto matapos n’yon upang magpahinga.
Masyadong maraming bagay ang hindi ko pa lubos na naiintindihan, but I do trust Nanay Selya, kaya hihintayin ko na lang ang araw na sinasabi nya.
I woke up in a peaceful place. Maliwanag at maaliwalas. Bumangon ako sa d**o kung saan ako nakahiga at pinakiramdaman ang paligid bago ako nagdesisyon na tumayo.
I roamed around and saw nothing. Napakalungkot ng paligid.
“Simula ngayon, kaibigan na kita.” Bigla akong napalingon sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Sinubukan kong maglakad papunta sa direksyon ng boses na iyon at hindi nga ako nagkamali.
I saw two kids. Bahagyang magkahawak ang kanilang kamay na animo’y nangangako sa isa’t isa, at nang nalaman ko kung nasaang lugar ako ngayon ay hindi ko naiwasang mapangiti nang mapait.
“Oo naman. Kaya dapat walang iwanan. okay?” the girl said. Hindi ko pa rin naiwasang mamangha kapag nakikita ko ang bata kong sarili na walang kamuwang-muwang sa mundo at puro pagsasaya lang ang alam.
“Oo walang iwanan, promise ko `yan,” the boy said as they smiled to each other. Hanggang sa nawala na lang ako bigla sa lugar na iyon at napalitan ng isang madilim na kapaligiran.
I saw the little version of me, crying and begging to the boy.
“P-please…huwag mo naman akong i-iwan….”
“I-I don’t want to, pero kailangan e.”
“P-pero nag-promise ka `di ba? Iniwan na nga ako ni mommy, pagkatapos iiwan mo rin ako?”
“Hindi ko na siguro matutupad `yon, s-sorry. Huwag ka nang umiyak please.”
“Babalik ka ah, balikan mo ako.”
“P-pangako ko, babalikan kita at tutuparin ko na iyon.”
Nagising ang diwa ko sa tunog ng alarm clock. Dahan-dahan kung minulat ang dalawa kong mata at pinagmasdan ang kisame.
How I hate mornings.
Bumangon ako at dumiritso sa banyo para makaligo. The thoughts of my dream hunted me again. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko dadalhin ang mga alaala na iyon dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong minu-multo sa aking panaginip.
I shook my head and continued what I’m doing. Matapos n’yon ay lumabas na rin ako at nagbihis. Nang nakapag-ayos ng sarili ay bumaba ako at dumiritso sa dining, naabutan ko roon ang mga maid at si Nanay Selya na abala sa paghahanda ng agahan.
Dumiretso ako sa upuan para maupo. I was about to start eating when I noticed that they’re all staring at me, including Nanay Selya.
“Staring is rude,” nasabi ko na lang. “Sabayan niyo na akong kumain. Nakakailang kung panonoorin niyo ako.”
Napatingin lahat sa akin ang mga maid bago tumingin ang mga ito kay Nanay Selya na parang nagtatanong kung dapat ba nilang sundin ang sinabi ko o hindi. I saw how Nanay Selya nodded her head before they decided to sit.
The sounds of the utensils were the only thing that are echoing in the whole dining area, because none of them wants to talk, not until Nanay Selya broke the silence, “Oo nga pala, Winter. Malapit na ang pasukan, nakapag-enroll ka na ba?”
“Hindi pa po.” Sa pagkakalaam ko ay isang linggo na lang bago magsimula ang pasukan, ngunit hindi ko pa alam kung saang school ba ako mage-enroll.
“Gano'n ba? Tumawag kasi sa akin ang daddy mo kagabi. Ang sabi niya ay naayos na niya ang mga papeles para sa bago mong university na papasukan.” Napahinto ako nang bahagya sa kaniyang sinabi pero kalaunan ay nagpatuloy din sa pagkain. Bakit pa niya ako tinanong kung ganoon?
“Okay.” Wala namang problema sa akin ang bagay na iyon. Hindi naman ako mapili sa kung ano ang school na papasukan, so there’s nothing wrong with that.
“Babalik na siya, Winter,” sa sinabi niya ay tuluyan akong napahinto. I never thought that after those years, he would chose to come back here in the Philippines. What for?
“Tell him I don’t care,” wika ko bago ipinagpatuloy ang pagkain.
“Uhm, Miss Winter p’wede po bang makahingi ng favor? Kung p’wede po sanang dito muna mag-stay `yong kapatid ko. Malapit na po kasi ang pasukan, e rito niya po napiling mag-aral sa Maynila.” Liza suddenly caught my attention; one of my maid.
“You have a sister?” Nahihiya siyang napatango sa aking itinanong.
“P’wede po ba?”
“Of course.”
When afternoon came, I went to the mall to buy some school stuffs. Go shopping and strolling to the mall is not my thing, kadalasan kasi ay si Nanay Selya ang lumalabas para mamili, but since it’s one of my personal stuffs then I should buy it on my own. Hindi ako gaano nagtagal dahil kaunting gamit lang naman ang kailangan ko.
While I’m on my way home, I couldn’t help but to remember what Nanay Selya have said to me earlier.
He’s coming back. My dad is coming back. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayong sinabi niya ang bagay na iyon. Should I be happy? Inaamin ko, medyo nakaramdam ako ng saya nang sabihin ni Nanay Selya na babalik si dad, pero hindi ko gustong ipakita. I already accepted the fact, the fact that he left me for his other family.