Winter’s POV
Malayo pa lang ay tanaw na tanaw ko na ang isang puting van at tatlong itim na kotse sa may parking ng mansyon, kaya binilisan ko na ang pagd-drive dahil hindi ko maiwasang magtaka kung ano’ng mayroon doon.
Nang malapit na ako sa may gate ng mansyon namin ay may nakasalubong ako na isang trycicle. Inisip ko tuloy kung paano `to napadpad dito; bihira lang kasi ang trycicle sa lugar na `to, p’wera na lang kung galing sa ibang probinsya.
Hindi ko na lang pinansin iyon at dumiretso na lang papasok ng gate, ngunit napahinto rin ako saglit nang napansin ko ang mga nakaitim na kalalakihan sa harapan ng mansyon. Bodyguards? Ano’ng mayroon?
Bumaba ako sa motor at akmang papasok na sana sa may pinto ng mansyon nang may humarang sa akin na dalawang lalaki.
“Sino ka?! Paano ka nakapasok?!” sigaw sa akin ng isang lalaki na malaki ang katawan. Hindi ko siya pinansin at akmang papasok ulit nang hinarangan muli nila akong dalawa. “Tinatanong namin kung sino ka!” I looked at him coldly.
Sino siya para sigawan ako?
“Do I need to introduce myself?” I raised my brow and crossed my arms.
“Hulihin `yan!” sigaw niya sa kaniyang mga kasama.
Kaagad nagsilapitan ang dalawang bodyguards para sana hulihin ako, ngunit bago pa man lumapat ang mga kamay nila sa aking braso ay kaagad ko nang sinuntok ang isa sa mukha dahilan para makatulog ito.
Nagulat ang iba dahil sa ginawa kong iyon, ngunit kaagad din silang nakahuma at sabay-sabay na sumugod sa aking puwesto. I did the same thing, kung hindi pag-ilag ay suntok naman ang tatama sa kani-kanilang mga mukha.
May susugod pa sana na isang lalaki ngunit kaagad na may pumigil dito, “Mr. Frank, that’s enough!”
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang narinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
Dahil sa nakatalikod ako sa taong nagsalita ay dahan-dahan akong lumingon para makita ko ang taong iyon. As I saw his figure, I couldn’t help but to stared at him coldly. My dad.
Wow. I knew that he’s coming back but I never thought that he came back this early. Kasasabi lang ni Nanay Selya kanina ah.
“Oh my god! Daddy! What happened to my bodyguards?!” Napukaw ang atensyon ko sa babaeng sumigaw.
“Calm down, Melody, nakatulog lang sila, magigising din `yan.” I couldn’t help but to raise my brow, hanggang ngayon pa rin pala ay fluent pa rin siya sa salitang Tagalog at English.
“Fine,” wika ni Melody bago nagawi ang tingin nito sa akin. “Oh hi there, Winter,” she greeted. Hindi ko sila pinansin at pumasok na lang sa loob, hanggang sa muli kong nakita ang isa pang pamilyar na hitsura.
“Gosh! Ano ba namang klaseng juice `to?! It’s so disgusting! Ipagtimpla mo ako ng bago!” Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok na lang sa aking kuwarto at nagbihis.
Nanatili ako roon at hindi lumabas. I don’t know, pakiramdam ko hindi ko kakayanin ang makita silang tatlo sa labas at malayang nakakagala rito sa loob ng mansyon.
I have no plans to go out of my room, not until someone knocked on my door.
“What is it?” Napansin ko na bumukas ang pintuan ng kuwarto at nakita ko si Nanay Selya. “Oh Nay, bakit?” She walked and sat beside my bed.
“Wala ka bang balak na lumabas ng kuwarto mo?” I shook my head.
“I’m not in the mood right now.” Alam kong nag-aala si Nanay Selya sa akin ngayon, ngunit ayaw kong ipakita sa kaniya na nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko sila, dahil hindi ko gusto na dahil sa akin ay ma-mroblema pa siya.
“Wala ka bang balak na harapin sila?” I remained silent. “Alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon, pero kailangan mo rin silang harapin para na rin sa kabutihan mo.” Hindi ako nakasagot. Para sa kabutihan ko ba talaga? Baka kasi mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko kapag lumabas ako.
“Pero kung ayaw mo talaga, hindi na kita pipilitin. Desisyon mo `yan, Susuportahan na lang kita, pero sana kahit ngayon lang harapin mo sila para maipakita mo na malakas ka na, na kaya mo na ang sarili mo,” wika niya bago siya lumabas ng k’warto.
Hindi ko alam kung susundin ko ba ang kung ano ang sinabi ni Nanay Selya. Am I tough just like what she said? Na malakas na ako; na makakaya ko na silang harapin; na kaya ko nang lumaban.
I took a deep sigh. Maybe it’s the right time to face them, maybe she’s right.
I'm on my way to the dining area when I noticed that they’re all eating lunch. Wala pa sana akong balak na kumain kaya lang bigla akong napahawak sa aking tiyan nang bigla akong makaramdam ng gutom
“Oh anak, saluhan mo na kami ng Tita Roxanne at kapatid mo," my dad said. I guess calling him like that wouldn’t change anything, at isa pa alam ko naman na kahit bali-baliktarin ko pa ang mundo hindi ko maipagkakaila na siya pa rin ang tatay ko. Hindi ko pinansin ang kung ano man ang kaniyang sinabi, at umupo na lang. “So since nakabalik na kami, hindi mo man lang ba kami na-miss Winter?” My dad asked that made me stopped. Napaangat ako ng ulo at sinalubong siya ng malamig na tingin.
“What do you think?” I waited for him to answer my question, but he refused. I shook my head.
“Hon, don’t ask her. Didn’t you notice? She’s not happy, so that means she didn’t missed us.”
“Oo nga naman, Dad. Look at her naman oh? She’s not masaya kaya. If she’s happy that we’re here na, then sana ni-welcome hug ka man lang niya right?” Sa sobrang higpit ng hawak ko sa aking kubyertos ay kulang na lang itarak ko ito sa pagmumukha ng dalawang taong kasama ni dad. Aren’t they aware that the person they were talking about is here?
“Hon I—"
“I’m done.” I immediately stood up and started to walked away.
“So rude, Winter. Nakita mong hindi pa kami tapos sa kumain `tapos bigla kang aalis? Hindi ka man lang marunong rumespeto,” rinig ko pang wika ni tita Roxanne.
“Mom, it’s okay. Hindi ka pa nasanay. She’s always like that kaya.” Ang kaninang pagpipigil na tusikin silang dalawa kanina ay napalitan ng init ng ulo dahilan para tapunan ko ng masamang tingin si Melody.
“There’s no reason to respect you.”
“Excuse me?” Napataas ang kilay ni Melody.
“Melody, that’s enough nasa harap tayo ng pagkain,” pag-awat ni dad.
“But—” Hindi na natuloy pa ang balak na sabihin ni Melody nang tingnan siya ni dad nang masama.
Imbis na panoorin pa sila na kumain ay naisip ko nalang na lumabas at pumunta sa may harden ng mansyon. I think, a little bit of relaxing would be enough to remove this stressful feeling.
Umupo ako sa may bench, at sa ilang minuto na pamamalagi ko roon ay hindi ko naiwasan na muli siyang maalala.
Thinking if he would still keep his promise.
Are you still coming back? Because I feel like I’m so stupid to hope for something that doesn’t have any assurance.
Dinala ako ng agos ng pag-iisip kong iyon hanggang sa napansin ko si Liza na mukhang patungo sa aking direksyon. Pansin ko ang kasama niyang babaeng naka-salamin.
“Uhm, Miss Winter, siya po `yong sinasabi ko sa inyong dito po sana muna mags-stay kasama ko. Okay lang po ba?” Napatayo ako sa sinabi ni Liza. Tumingin ako sa kasama niyang babae.
“H-hi po, Miss W-winter," she greeted. Ramdam ko ang takot na nararamdaman niya habang sinasabi iyon. I looked at her and greeted her back, pero mukhang dahil do’n ay mas natakot siya.
“Uhm…Miss Winter, Sheila po ang pangalan niya, sana po pumayag kayo na rito muna siya pansamantala." Without opening my mouth, I nodded. Naging dahilan `yon para mapasigaw si Liza na tila nagulat sa aking sinabi.
“Talaga po?! Thank you, Miss Winter!” Parang batang nagtatalon si Liza dahil do’n at nagulat na lang nang bigla niya akong niyakap, ngunit kaagad ding siyang bumitaw, matapos ay lumingon sa kaniyang kapatid dala ang ngiti sa kaniyang labi. "Sheila, pumayag na si Miss Winter na rito ka muna,” sabi ni Liza gamit ang masaya nitong tuno.
“T-talaga, Ate?”
“Oo! Makakasama na ulit kita!” masayang saad ni Liza at lumapit sa kaniyang kapatid saka ito niyakap. Hindi na ako nagulat sa reaksyon ni Liza, who wouldn’t? It’s her sister after all. I smiled for a bit, how lucky for her to have one. “Maraming maraming salamat po talaga, Miss Winter, tatanawin ko po itong malaking utang na loob—” Napahinto siya bigla at napalingon sa kaniyang kapatid na ikinataka ko naman.
“Why?”
“Ano kasi…w-wala nga pala siyang tutulugan, wala na kasing bakante ro’n sa room naming mga maid," paliwanag niya. Napansin ko naman na biglang lumungkot ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
“Ate, okay lang sa akin, maghahanap na lang ako ng mauupahan na bahay,” wika ni Sheila, hindi ko naiwasang makaramdam ng inggit habang pinagmamasdan silang dalawa.
“You can stay here, doon ka sa katabing k’warto ko,” wika ko na kaagad na nagpalaki ng mata ni Liza. Walang gumagamit ng katabi kong k’warto kaya walang problema sa akin.
“N-naku, talaga po?” I nodded.
“Sige na, ihatid mo na si Sheila sa kuwarto niya,” wika ko kay Liza na ikinatango lang niya at ipinag-pasalamat.
Nagtungo ako sa kusina matapos niyon kung saan pinapanood ko si Nanay Selya. May kung ano kasi siyang niluluto ngayon habang ako naman ay nanatiling nakaupo sa upuan kaharap ng lamesa, ngunit kahit na saan pa yata ako magpunta ay palagi akong bubulabugin ng panaginip ko. I took a deep sigh.
“Mukhang malalim ang iniisip mo, ano ba kasi `yang bumabagabag sa iyo?” Napalingon ako kay Nanay Selya nang nagtanong siya akin.
“Wala naman po,” I answered.
“Oh my!” Parehas na nagawi ang tingin namin ni Nanay Selya sa pintuan nang sumulpot doon si Melody. “Manang Selya, can you cook me a food naman? Hindi `yong si Winter na lang palagi,” maarteng saad ni Melody.
“Oo naman, sige,” sabi ni Nanay Selya at ipinagpatuloy na ang pagluluto.
“I’ll go ahead,” paalam ko bago tumayo. Balak ko na sanang lumabas, ngunit nang nasa may pintuan na ako ay bigla na lang may kamay na humawak sa aking braso.
“Huwag kang magmagaling, Winter, dahil ako ang mas mahal ni daddy, at ikaw? You’re just nothing but a trash.” Halos mapairap ako sa kawalan dahil sa salitang binitawan niya. Sino siya para sabihin iyon? Pabalang kong inalis ang kamay niya sa aking braso.
“Don’t you dare touch me. We’re not even close anyway. And about what you said? Me? A trash?” Natawa ako nang pagak. “Baka nakakalimutan mo na nandito ka sa pamamahay ko.” Hindi ko na siya tiningnan pa matapos n’yon at umalis na lang bago ako tumungo sa may living room kung saan naabutan ko si dad.
“Did Manang Selya told you that you’re already enro—" I cut him off.
“I knew already.”
“Nga pala, doon din mag-aaral si Melody. Alam mo naman `yon, mapili sa eskwelahan na gustong pasukan.” I didn’t bother to answer him when in fact he’s not questioning me, pero ang kausapin siya tungkol sa bagay na iyon ay hindi ko na ginawa pa.
Wala naman kasing rason para pag-usapan pa.