CHAPTER 02: BULLY

676 Words
Winter’s POV Nagising ang aking diwa dahil sa tunog ng alarm clock na nasa gilid ng aking kama, ngunit kasabay ng pagmulat ng dalawang talukap ng aking mata ay naramdaman ko ang pagbigat ng aking katawan at ang pagkalaglag sa sahig. Impit na napahawak ako sa aking bandang tagiliran sa sakit na naramdaman, ngunit kaagad din akong bumangon at tumayo. I've checked the time and it's already 7:00 in the morning. I remembered, today is Monday; first day of class. Tumayo ako at dumiritso ng banyo para maligo. Hindi naman siguro ako mapapagalitan kung pipiliin kong ma-late. Kung tutuusin mas gusto kong pumasok sa pangawalang linggo dahil alam kong wala naman masyadong gagawin. Bumaba ako matapos makapag-ayos ng sarili, eksakto namang nakita ko si Sheila. I noticed that she’s wearing the same uniform like mine. Kung ganoon, sa Phoenix Western University din siya mag-aaral; scholar I guess. As far as I know the school is an elite, not that I am discriminating her life state, pero halos mga mayayaman lang talaga ang nag-aaral sa ganoong klase ng paaralan. “Good morning, Miss Winter,” she greeted. Tinanguhan ko lang siya bago dumiritso sa may dining area, eksakto namang nakita ko silang tatlo na kumakain. Their laughter echoed in my ears that made me to just wanted to close it. “Gosh! I can’t wait to go to school. Can’t wait to have friends that are rich.” I shook my head due to frustration. Talking about luxurious things; hindi na ako magtataka na baka pinikot talaga ni Tita Roxanne si dad para lang sa luho. “Kayo talaga, hindi na kayo nagbago,” dad cheerfully said to them. Hindi ko sila pinansin at umupo na lang para kumain na rin ng agahan. “Dad, I need a driver pala. You know there should be someone who would fetch me every day.” “It’s okay for me. Mas mabuti na rin `yon para safe ka.” Hindi ako nagsalita at pinakinggan lang ang kung ano man ang pinag-uusapan nila. I wanted to tell my dad that Melody isn't a kid anymore to need a driver that would fetch her every day, but I chose to not to. Siguro kasi naisip ko na bata talagang mag-isip si Melody. “How about you, Winter? Gusto mo bang magpahatid sa driver natin?" “Dad? Seriously? You asked her while me? Ako pa `yong unang nagtanong. Gosh!" “No need. I can take care of myself. Besides, hindi na ako bata para kailanganin pa ng tagasundo at tagahatid.” That’s the truth. Sa loob ng ilang taon na wala siya sa tabi ko, nasanay na ako na wala siya. So what’s the purpose of having a driver when I can take care of myself? “Excuse me? So sinasabi mo na bata ako ganoon ba?” Kaagad na napatayo si Melody matapos ko iyong sabihin. Hindi ko naiwasang mapahilamos ng kamay sa aking mukha. “You're the one who said that you’re a kid not me, and I’m not talking to you. So shut your mouth.” “Ang kapal naman ng—” “Melody, stop it! Hon! Pagsabihan mo nga `yang si Winter. For Pete's sake nasa hapag-kainan tayo!” “I’m sorry, Hon. Winter, please be good to your sister. At isa pa nasa harapan tayo ng pagkain.” “I know what I’m doing.” “Oh really?” Tiningnan ko nang masama si Melody. “Aren’t you going to shut your mouth?” “Winter, please.” Nabaling ang tingin ko kay dad. “Ikaw na ang magpakumbaba.” I gaped my mouth and looked at my dad unbelievably. Bakit palaging ako dapat? Umiwas ako ng tingin at napailing na lang kasabay ng pagbitaw ko sa kubyertos. “I’m out of here,” ang huling salita na binitawan ko bago ako umalis sa kanilang harapan bitbit ang aking bag. Ayaw kong makisabay sa init ng ulo nila sa akin, dahil magbubunga lang iyon para mas lalo lang lumala ang sitwasyon. Makalipas ang mahigit sampung minuto ay narating ko na ang unibersidad. Kaagad kong ini-park ang sasakyan sa parking lot ng school kung saan tanaw ang gate ng eskwelahan, ngunit hindi kaagad ako bumaba dahil sa rami ng estudyante ang nagkalat sa paligid. “Nandiyan na ang Dark Flame Gang!” Nangunot ang noo ko nang narinig ang mga sigawan ng mga babae sa entrance pa lamang ng gate. Nakahilira sila sa gilid na tila may daraan na kung sino man. Hindi na ako nag-atubiling bumaba pa ng sasakyan, dahil sa rami ng mga estudyante sa labas. How I really hate crowded places. Napansin ko na may apat na lalaki na daraan papasok ng gate kasabay ang malalakas na tilian ng mga babaeng estudyante. Napatingin ako sa may bandang gilid ko at napamura na lang nang napansin na bukas pala ang bintana ng aking sasakyan. Napangiwi ako. Kaagad ko itong isinara upang hindi pumasok ang mga nakakarinding boses ng mga babae. Makalipas ang ilang minutong pamamalagi ko sa loob ng sasakyan ay kaagad na nahagip ng aking paningin ang isang puting van na patungo rito sa parking lot. Hindi pa umaalis ang mga tao sa may gate nang napansin ko na bumaba sa sasakyan si Melody. Binuksan ko ang side mirror ng aking sasakyan para mas lalo ko silang makita. Muntik na akong matawa nang napansin ko kung paano maglakad si Melody. I mean seriously? Who wouldn't try to laugh at her if he's trying to walk like she’s in a pageant? Hindi ko marinig ang mga boses sa labas, ngunit napansin ko kung paano nagtawanan ang mga babae. I saw how Melody stopped from walking and deathly glanced to someone. Ilang segundo pa ang nakalipas nang nagmadali iyong lapitan ni Melody at tinaasan ng kilay. Melody crossed her arms. May kung ano’ng sinasabi ang babae sa kaniya na hindi ko na maintindihan. Tiningnan ko ang aking relo at napansin na malapit ng mag-alas-otso. Eksaktong alas-otso pa naman ang simula ng klase ko kaya mayroon pa akong oras. Bakit ba kasi rito pa sila nag-umpukan? Imbis na manatili ako sa loob ng sasakyan at manood ng walang kwentang komusyon ay mas pinili ko na lang na bumaba. Nagsimula akong maglakad papasok ng gate; hindi binibigyan ng pansin ang mga estudyante sa paligid. Kahit pa kita ko mula sa sulok ng aking mata ang pakikipag-sabunutan ni Melody sa mga babae. Natigilan ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang mga matang nakatingin sa akin. Kaagad kong nilingon ang paligid at napansin ang iilang mata na nalatingin sa aking gawi. “Spotted! Freshman?” “Sa tingin ko senior pa lang siya.” Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkapasok ng University. Bumungad sa akin ang malawak na soccer ground na napalilibutan ng mga departamento nang tuluyan akong nakapasok. I took a deep sigh. Masyadong malawak ang University na ito, mukhang mahihirapan akong hanapin kung nasaang parte ang room ko. Naglakad-lakad ako hanggang sa nakita ang bulletin board. Tiningnan ko 'yon at nalamang nasa pangatlong building pa ang departamento ng mga Grade 11 students. Ikalimang palapag ang ABM students, kaya't malayo-layo pa ang tatahakin ko. I looked at my watch and it’s almost 8a.m. Paniguradong late na ako. Nang nakarating ako sa mismong department ay hindi na ako nag-aksaya ng oras at hinanap na lang ang elevator. Balak ko na sanang pindutin ang botton para bumakas ito ngunit kaagad na may janitor na dumating. “Miss, pasensya na pero hindi pa p'wedeng gamitin ngayon ang elavator. Na-stuck po kasi `yan kanina at aayusin pa lang po ngayon,” wika nito. “Kailan pa?” “Kani-kanina lang po, mabuti nga maayos pa `yan nang ginamit ng ibang mga estudyante kaya— “ I cut him off using my right hand. “Thank you for telling me.” Tinalikuran ko na siya at pumunta sa may hagdanan. Napailing-iling ako nang nakita ko ang hagdan na aking aakyatin. I took a deep sigh and started to walk. Lakad-takbo na ang ginawa ko pero kahit na ganoon ay hindi naman ako napagod. Nang nasa fourth floor na ako ay may kakaibang presensya akong naramdamanan. Nagpalinga-linga ako upang hanapin `yon, ngunit wala naman akong kakaibang napansin sa paligid. Muli akong napailing at muling nagpatuloy sa pag-akyat. Siguro mga limang minuto bago ko narating ang fifth floor. I am starting to hate stairs because of this. Lumakad ako para hanapin ang aking room, at nang nahanap ko ito ay hindi na ako nag-atubili pa na buksan ang pinto. Ang tahimik na room ang bumungad sa akin, noong una akala ko ay walang tao, ngunit nagkamali ako. They’re all went silent when I entered the room. “You’re just on time. Kindly introduce yourself,” wika ng babaeng teacher sa akin. I think she's around 20's based on her looks. Lumakad ako papunta sa gitna, pansin ko ang paghabol nila ng tingin sa akin. “Kazumi Winter Park, 17 years old,” I coldy said. “Is that so?” tanong sa akin ng guro. “Yes.” I responded. “Okay, you may now take your seat.” Tumango ako sa kaniya bago naghanap ng maaaring maupuan, hanggang sa napansin ko ang limang upuan sa may huli na wala namang nakaupo. Nagtungo ako roon at umupo sa may pinakang gilid kalapit ng bintana. Mas maganda kasi ang p’westo rito, hindi masyadong maingay at hindi kapansin-pansin. "Okay, let’s continue our lesson. So according to— " Hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi ng guro dahil mas pinili kong pumikit at pakiramdaman ang paligid, hanggang sa naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin kaya napatingin ako sa aking gilid kahanay ng aking inuupuan. I caught a pair of brown eyes intently staring at me. Pansin ko rin ang panunuri ng tingin nito sa aking gawi. He looks so familiar. Itim at medyo makapal ang kaniyang buhok. May salubong at tamang kapal ng kilay, matapos ang ilong, may mala-rosas na labi, maganda ang hugis ng panga at medyo may pagka-chinito. Napamaang ako saglit nang naalala kong sila `yong mga lalaking napansin ko sa gate kanina. Napansin siguro niya ang paninitig ko kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Hindi ko na lang din siya pinansin at inalis na rin ang tingin ko sa kaniya. But he’s really familiar. Hindi lang dahil sa nakita ko siya kanina, parang may mas malalim pang dahilan kung bakit pamilyar ang hitsura niya sa akin. Napailing ako at hindi na lamang inisip `yon at pumikit na lamang. Nagising ako sa tunog ng bell hudyat na break time na. Napansin ko na ako na lang ang nasa loob ng classroom. Lumabas ako at pumunta ng cafeteria. Nadaanan ko na `yong isang cafeteria na malapit dito kaya alam ko na kung saan iyon matatagpuan. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay napansin ko na kaagad na may gulong nangyayari. Napansin ko ang tatlong babae na mukhang may binu-bully na kung sino. “Look at yourself, hindi ka bagay dito! Old fashioned nerd! And look what you did to my uniform!” Napatingin ako sa babaeng sumisigaw. “S-sorry po, h-hindi ko naman intensyon na marumihan `yong uniform niyo,” rinig kong wika ng isang babae. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa bahagya siyang nakayuko at natatabingan ng kaniyang buhok ang mukha niya, ngunit nang napansin ko ang pamilyar na boses ng babaeng `yon ay tila nagkaroon ako ng ideya. “You ruined my uniform! Do you think that a sorry would be enough?” Akmang kakaladkarin na nito ang babae nang hindi na ako nakatiis at nilapitan sila. “Sa’n mo siya dadalhin?” Nabaling ang tingin ko kay Sheila na mukhang anumang oras ay iiyak na. Napahinto naman ang tatlong babae sa paglapit at bahagya akong tinaasan ng kilay. “And who are you?” one of them asked. “Do I need to introduce myself?” "Sino siya? Dapat hindi na siya nakialam, hindi niya ba alam kung sino ang kinakalaban niya?” rinig kong bulong ng isang babae sa may bandang likuran ko. Kung matatawag nga bang bulong iyon gayong rinig ko naman. “Whatever. Kaladkarin niyo na `yan!” sigaw nitong muli sa dalawa niyang alipores kaya’t mabilis kong hinawakan ang braso ni Sheila. Gulat na gulat namang napatingin sa akin ang tatlong babae. “Miss Winter?” Hindi ko iyon pinansin at hinila na lang siya sa aking likuran. “How dare you! Give me that nerd! Hindi pa kami tapos sa kaniya!” Hindi ko pinansin ang kung ano’ng sinabi niya at tiningnan siya nang malamig. She’s too loud. Ano kayang p’wedeng isalpak sa bibig nito para matigil sa kasisigaw? “I won’t.” Biglang napasinghap ang mga tao sa loob ng cafeteria. “How dare you! Hindi mo ba ako kilala?” I didn’t bother to answer her question. “Well I think hindi nga. Just to inform you, ako lang naman ang Campus Queen dito, at ayoko sa mga taong tulad mo na binabangga ako. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin,” pahayag niya kasabay nang pagkurba ng isang ngisi sa kaniyang bibig. “Are you done?” Halatang nagulat siya sa sinabi ko at maging ang mga tao rito sa cafeteria. “Ano? Naririnig mo ba ang sarili mo?” Bahagya siyang lumapit sa akin at hinablot ang aking braso. “Hindi ako intresado kung sino ka, at mas lalong wala akong pakialam,” wika ko habang matamang nakatingin nang diretso sa kaniyang mata. Kaagad kong inalis ang pagkakahawak niya sa aking braso at balak na sanang umalis kasama si Sheila nang bigla niya akong sinugod at sinabunutan. Kaagad kong hinawakan nang mahigpit ang kamay na humihigit sa buhok ko dahilan para mabitawan niya ito. “Walang hiya ka!” muli nyang sigaw sa akin. Akmang susugod na naman sana siya, ngunit hindi ko na iyon pinigilan, bagkus ay tinadyakan ko na lamang siya sa sikmura na ikinasinghap ng mga estudyante sa paligid. Bago pa man siya umatras ay kaagad ko nang hinigit ang kuwelyo niya bago ko siya inambahan ng malutong na suntok sa mukha, dahilan para matumba ito at mawalan ng malay. Rinig ko ang sigawan ng mga tao sa cafeteria dahil sa ginawa ko. My patience is not that long. “Brat,” naiiling na sabi ko bago hinila si Sheila sa isang bakanteng lamesa. Naramdaman ko naman ang pagkakagulo ng mga ibang estudyante sa cafeteria patungo sa puwesto ni Queen. Tinulungan nila itong itayo saka dahan-dahang inilabas ng cafeteria; may iba namang naiwan na hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang mga bulungan. “I think Queen found her match already.” “Mas nakakatakot pa siya kay Queen. I swear!” rinig komg wika ng mga tao rito sa cafeteria. Napailing-iling nalang ako dahil doon. “Miss Winter, s-salamat.” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Sheila. Tumayo ako para bumili ng makakakain. “Stay here.” Matapos kong um-order ng pagkain ay dumiretso ako sa counter upang magbayad. Kinailangan ko pang pumila dahil marami rin ang bumibili. That’s when I thought na marami pang nakapila. I turned on my back after I paid my order, ngunit eksaktong pagtalikod ko naman ay hindi ko inaasahan na mayroon akong mababangga, maigi na lang at hindi natuloy dahil nakabalanse ako. Napaangat ako at napansin ang pamilyar na lalaki sa aking harapan. Hindi nakaligtas sa `kin ang mga malalalim niyang mga titig nang nagtama ang mata naming dalawa, ngunit bago pa man iyon magtagal ay kaagad ko nang iniwas ang aking paningin. I shook my head for the sudden strange feeling before I decided to walk away. “Oh.” Inilapag ko ang isang tray sa tapat ni Sheila na ikinalaki ng dalawa niyang mata. “Miss Winter, sobra-sobra na po `to. Pasensya na po pala, babayaran nalan—” “No need. It’s fine.” “P-pero—” I stopped from eating and looked at her. “Just eat.” Napansin ko pa na medyo nailang siya sa sinabi ko ngunit kalaunan ay tumango siya. Nagpatuloy ako sa ginagawa, ngunit hindi naiwasang maglikot ng aking mata nang naramdaman ang mga mata na nakatingin sa aking direksyon. Inangat ko ang aking mukha hanggang sa nasalubong ko ang mga mata na iyon. I wonder why he’s always staring at my direction. “Miss Winter….” Biglang nabaling ang paningin ko kay Sheila nang tawagin niya ako. “I-iyong ginawa niyo kanina…paano niyo po nagawa `yon?” she asked, referring to what I did to the campus queen earlier. I gaped for a bit. “Just don’t mind it,” ang tanging naisagot ko sa kaniyang tanong. There’s no point in explaining things to her; paniguradong hindi rin naman niya maiintindihan, at wala rin namang rason para malaman pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD