Winter’s POV
It’s already 4:30 p.m. and I’m still here in the University. Ayaw ko munang umuwi dahil paniguradong sasama lang ang pakiramdam ko kapag nakita ko si Melody at si tita Roxanne sa mansyon.
I let myself sat on a bench near the tree. Pinili ko ang lugar na ito para makapag-relax kahit papaano habang ang ibang mga estudyante ay nagsisimula nang magsialisan.
Dahil sa medyo nakaramdam na ako ng pagkaburyo ay naisipan ko nang tumayo at lumabas ng University. Naisip kong gumala muna rito sa labas tutal wala naman akong gagawin sa mansyon. I wore my hooded jacket and my bag.
Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay napahinto ako sa isang eskinita. Hindi ito ganoon kalapit, tama lang ang laki para makaraan ang isang tao. Kaagad kong pinakiramdaman ang paligid, pakiramdam ko kasi ay may ibang presensya ang sumusunod sa akin; hindi ko lang mawari kung ano o kung sino `yon, ngunit base sa pakiramdam ko ay marami sila.
Nabalot ng isang napakahabang katahimikan ang paligid habang nakatayo ako sa may tapat ng isang madilim na eskinita. Nakakabingi ang katahimikan, at nababahala ako sa bagay na iyon. Ramdam ko na may mangyayaring hindi maganda.
Napalingon ako sa aking likuran nang bigla akong may narinig na bumagsak. Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil doon at napapikit na lang nang mariin nang napansin ang isang pusang itim. Darn! Akala ko kung ano na.
Balak ko na sanang umalis sa lugar na iyon at tumalikod, nang may naramdaman akong isang bagay na papunta sa aking direksyon. Kaagad akong napayuko at napaluhod habang nakatukod ang kanan kong kamay sa semento, dahil kung hindi ko ginawa iyon ay paniguradong mamamatay ako nang wala sa oras.
Inangat ko ang aking tingin nang narinig ko ang pagbaon ng bagay sa poste na nasa aking unahan.
Isang punyal!
Tumayo ako at balak na sanang lapitan ang poste upang bunutin ang punyal, ngunit kaagad din akong napahinto nang naramdaman ko ang mabibilis na mga yabag ng mga sapatos mula sa aking likuran. I slowly turned around just to find out that there are lots of men in black in front of me.
Their faces are all covered with black cloths.
Assassins.
Naging alerto ako nang may sumugod na dalawang lalaki sa aking p’westo. I punched the one hard on his face and gave him an upper kick. Pinaliparan ko naman ang isa ng dalawang shuriken. Thanks to myself for being prepared in this kind of situation.
Napangisi ako nang mabilis kong napabagsak ang dalawang lalaki. Masyado silang marami. Naramdaman ko na may papasugod pang muli sa akin. I threw a dagger on their direction before they can get near me. Natamaan ang dalawa sa noo, habang ang isa naman ay sa may bandang tagiliran. It’s just too weird that they have swords, yet they wouldn’t want to use it against me.
Mas lalong naging alerto ang bawat kilos ko nang napansin kong may susugod sa akin na limang lalaki. I punched the other one on the face the reason for him to lost his consciousness; I then threw a dagger to the two men, but then after that I felt someone behind my back that’s choking my neck. Napatingin ako sa unahan nang akma na namang may susugod sa sa `kin, ngunit bago pa man tuluyang makalapit sa `kin iyon ay kaagad ko nang inapakan ang paa ng lalaking nakahawak sa aking leeg bago ko siniko ang sikmura nito at inihampas sa lalaking nasa unahan.
Napabaling ako sa aking gilid nang may naghagis ng tatlong punyal patungo sa `kin, ngunit kaagad ko na iyong nasalo gamit ang tatlong pagitan ng aking mga daliri. Bahagyang nagulat ang lalaki dahil sa ginawa ko, kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras at kaagad ibinalik ang isang punyal sa lalaki na iyon. Akmang sasaluhin ng lalaki ang punyal ngunit sa isang iglap ay nasugatan ito dahilan para ito ay sumigaw. Inihagis ko naman ang dalawang natitira pa patungo sa dalawang papasugod, hindi naman ako nabigo dahil nakita ko kung paano ito unti-unting natumba.
Inakala kong nabawasan na kahit pa-paano ang mga ito, ngunit tila mas dumami lang sila. I cursed. Masyadong silamg marami para kalabanin ko pa, kaya wala ako ibang nagawa kun’di ang mapatakbo na lang papasok ng eskinita. Binunot ko ang ilang natitirang shuriken sa akin at ibinato sa mga lalaki.
Sa kalagitnaan ng pagtakbo ko ay naaninag ko ang mga anino ng mga tao na nakikipaglaban din sa mga lalaking nakaitim. Nagpalinga-linga ako sa paligid, naghahanap ng maaaring madaraanan, but damn! I couldn’t find anything! Wala ako ibang magagawa kun’di ang dumaan sa lugar na iyon.
Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa narating ko ang dulo ng eskinita, ngunit kaagad din akong napahinto dahil muntik na akong mawalan ng balanse, kaya’t napahawak ako sa braso ng isang lalaki, kasabay ng pagdaplis ng isang patalim sa aking braso. Napangiwi ako nang napasandal ako sa pader nang hindi oras, kasama ang lalaking nadala ko.
Ang hinihingal kong sistema ang nagpakalma sa akin, hanggang sa nasalubong ko ang mata ng lalaki sa aking harapan. I blinked.
“Ehem! Baka naman nakakaistorbo na kami ah.” Napalunok ako at naitulak ang lalaki nang narinig ko ang isang boses. Napansin ko naman kung paano nabuo ang iritasyon sa mukha ng lalaking nahawakan ko kanina.
I roamed around and creased my forehead when I noticed that we’re surrounded by dead bodies from the assassins earlier.
“I think I’ve seen you inside the campus.” Nabaling ang tingin ko dalaga sa lalaking nagsalita. “I never thought na mas maganda ka pala sa malapitan. By the way, I'm Eros Max Hyung, ang pinaka-guwapo sa—” Bigla itong napatigil sa pagsasalita nang bigla itong batukan ng lalaking nabunggo niya kanina.
“Ouch! Shiro naman!” reklamo pa nito.
“Let’s go,” wika ng lalaki na nakapitan ko kanina. It’s them. The Dark Flame Gang that the students were talking about.
Nakatayo lamang ako sa isang tabi habang pinapanood sila; hindi maiwasang mapaisip kung bakit kinalaban nila ang mga lalaking humahabol sa akin.
“Pa’no siya?” tanong ng isang lalaking may lollipop pa sa bibig.
Napatingin sa gawi ko ang lalaking nagngangalang Shiro; he’s really familiar.
“How did you get here? And why those men hunting you?” Naputol ang paninitig ko rito nang narinig ang pagtatanong ng isa pang lalaki.
“Himala! Curious ka, Cloud?”
“Shut up, Kiel.” Napansin ko na bumaling ulit ang paningin niya sa akin.
“I don’t know,” nasabi ko na lang. Hindi naman na importante ang magpaliwanag sa kanila, dahil hindi ko naman sila ganoon kakilala. “I got to go,” paalam ko.
I was about to leave when a hand suddenly grabbed my arm. Napangiwi ako nang naramdaman ang pagkirot n’yon.
“You’re wounded.” My eyes then went to the guy named Shiro.
“Natamaan ka pala? Hindi ko napansin,” wika ng lalaking nagngangalang Eros. Pabalang kong inalis ang braso ko.
“Sorry for interrupting your battle,” wika ko bago nilisan ang lugar na iyon.
After what happened I decided to go to the near hospital para kahit pa-paano ay malagyan ng paunang lunas ang sugat ko.
“Sigurado ka bang hindi ka na nahihilo?” tanong ng nurse na kasalukuyang naglalagay ng benda sa sugat ko. Tinanguhan ko lang siya.
Pagkatapos mabendahan ang sugat ko ay muli kong sinuot ang aking jacket pati na rin ang bag at lumabas na ng hospital.
Bigla akong napahawak sa aking tiyan nang nakaramdam ako ng gutom, dahil na rin siguro sa pagod. Napabuntonghininga na lang ako at naghanap ng puwedeng kainan.
Pumasok ako sa isang fast food; bumili ng isang spicy cup noodles, pagkatapos ay naghanap ng table na maaari kong pag-stay-an. Nagsimula akong kumain at napatigil lang nang may biglang pumasok na dalawang maskuladong lalaki sa loob ng fast food. Pansin ko na kalbo ang isa, at ang isa naman ay panot.
“Walang gagalaw! Dapa!” Bigla akong napahinto sa pagkain nang narinig kong sumigaw ang panot na lalaki. Kaagad namang nagsidapa ang mga tao habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa kani-kanilang mga batok. Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. A simple scenery.
“Hoy ikaw! `Di ba sabi ko dapa?!” Napatingala ako sa sumigaw sa aking harapan at nakita ang panot na lalaki na may hostage na isang babae. Itinaas ko ang kanan kong kamay senyas na h’wag niya akong istorbuhin dahil kumakain pa ako. Kumurba ang inis sa kaniyang mukha. “Sinabi nang dapa o gigilitan ko itong babaeng ito!?” sigaw niyang muli. Pansin ko ang pagkairita nito at panlalaki ng kaniyang dalawang mata.
“M-miss, parang awa mo na, ayoko pang m-mamatay!” Nabaling ang tingin ko sa babaeng hostage bago ako napatingin sa pintuan nitong store at nakita ang kalbo na nagbabantay doon. Napangisi ako sa lalaking panot bago tumayo at lumapit nang kaunti sa kaniya. Napaatras siya dahil ro’n, mahahalata ang takot sa kaniyang hitsura. Am I that scary?
“Ano?! Dadapa ka o gigilitan ko ito?!” sigaw niyang muli sa akin. Pansin ko na umiiyak na ang babaeng kaniyang hinostage.
“Miss, ano ba! Sundin mo na lang kasi siya!” Napalingon ako sa lalaking sumigaw, pero binalewala ko lang ang kaniyang sinabi. Napatungo ako nang sandali bago hinarap ang lalaki.
“You know what? I’m so tired with every people’s bullshits.” Walang pagda-dalawang isip na hinawakan ko ang kamay niyang may hawak na kutsilyo at saka ito walang kahirap-hirap na pinilipit dahilan para mabitawan niya ang hostage niyang babae. Bumalot ang nakakarindi niyang sigaw matapos kong pilipitin ang kaniyang braso.
Tinapunan ko siya ng isang malutong na suntok sa mukha dahilan para dumugo ang ilong nito at mawalan ng malay. Napailing-iling ako habang tinitingnan ang mga tao na hindi yata alam kung paano magsara ng bibig.
Inalis ko ang tingin sa kanila at dumako sa lalaking nasa may pintuan. Bahagya pa itong nagulat dahil sa nangyari sa kaniyang kasamahan.
“You? What do you want me to do to you?”
“A-ano—”
“Miss, kami na ang bahala riyan, tatawag na lang kami ng pulis, maraming salamat. Pasensya na pala—” Pinutol ko ang balak na sabihin ng lalaking papalapit dahil pabalang kong itinulak ang lalaking kalbo dahilan para mapasubsob ito sa sagig. Lumabas na ako ng store at hinayaan silang pagbubugbugin ang kalbong lalaki.
I shook my head. I am starting to think that these were all because of that black cat. Darn!
Kaagad akong bumalik sa parking lot nitong university. Dito ko kasi ipinarada ang sasakyan ko. Nanatili ako sa loob nang nakasakay ako. Napabuntonghininga ako nang nakaramdam ng pagod. Nakaramdam din ako ng kirot sa may bandang braso ko sa kaliwa, kaya tiningnan ko `yon. Napamura ako nang napansing nagdurugo na naman ang sugat ko sa braso.
Third Person's POV
Kasalukuyang nasa head quarters ang lahat ng myembro ng Dark Flame Gang, dito kasi sila nagtungo matapos makipagsagupaan sa mga lalaking nakaitim. Sa may bandang bintana ay tahimik na nakatingin lamang ang binatang si Shiro sa labas nito, malalim ang iniisip.
He couldn’t help but to think about the girl they’ve encountered earlier, lalo na’t alam nila na bago lang sa eskwelahan ang babaeng iyon. Hindi niya maiwasang maghinala sa pagkatao ng dalaga dahil sa pagiging pamilyar nito sa kaniya; ang dahilan kung hindi maalis ang kaniyang tingin sa tuwing nakikita ito; para bang nakita na niya ito noon pa man, ngunit hindi niya alam kung saan at kailan.
“Mukhang malalim iniisip natin ah? Ano ba kasi 'yan?” Kaagad na napabaling ang paningin ni Shiro kay Eros nang bigla itong nagtanong.
“Ano ka ba naman, Eros. Hindi ‘ano’, dapat ‘sino’. Malamang `yong babae kanina na naman ang iniisip niyan. `Di ba, Shiro?” sabat naman ni Kiel kay Eros habang itinataas-baba pa ang kilay nito. Kaagad naman itong nakatanggap ng masamang tingin kay Shiro kaya bigla itong natigil sa pagbibiro.
“What are you thinking?” tanong ni Cloud na bahagyang nagtungo sa kaniyang direksyon. Shiro took a deep sigh.
“I don’t know. She’s just too familiar. Sa tingin ko nakita ko na siya noon pa.”
“May maitutulong ba kami?” tanong ng binatang si Eros.
“Give me some information about her. I need to know who she is, at kung bakit siya nandoon kanina at hinahabol ng mga lalaki.” Walang ibang nagawa ang tatlo kun’di ang tumango sa utos ng binata.
“Ako na ang bahalang maghanap ng mga information tungkol sa kaniya,” wika ni Kiel bago tuluyang umalis sa kaniyang harapan.