Third Person’s POV Kasalukuyan ngayong nag-iimpake si Shiro ng kaniyang mga gamit, kinakabahan man sa mga maaaring mangyari ay kailangan niya itong gawin para na rin sa kapakanan ng kaniyang mga kaibigan, pati na rin sa mga taong maaaring madamay. Matapos niyang mailagay sa maleta ang kaniyang mga gamit na dadalhin ay bumaling siya sa orasan. “4:00 a.m.,” mahinang sambit ng binata sa kaniyang sarili. Bumuntonghininga si Shiro bago kinuha ang cellphone sa bulsa ng kaniyang pants. Ilang segundo lang ang nakalipas ay nagtipa ng numero ang binata. The other line rang for seconds before someone answered it. “What is it, hijo?” tanong ng boses babae sa kabilang linya. “Alam niyo na po ba ang balita?” “Don't worry, hijo. I already knew.” “A'right. Mamayang ala-sais ng umaga ang alis ko

