Winter's POV Gusto ko pa sanang manatili sa hospital para bantayan si dad, ngunit kaagad din kaming umalis ni Shiro dahil sa nagkaroon ng emergency sa mansyon. Bago pa kami makalabas ng hospital ay nakasulubong namin sina Melody kasama si Tita Roxanne. Hindi na ako nagtanong pa kung saan nila balak na pumunta dahil malamang kay dad. “Can you walk faster?” tanong ni Shiro na ngayon ay isang metro na ang layo sa akin. Napaismid ako. Now he's making me so confused. Ni hindi man lang niya kasi sinabi kung ano'ng klaseng emergency ang mayroon sa mansyon, at hindi ko rin alam kung paano niya nalaman ang tungkol doon, at kung sino ang nagsabi sa kaniya. “Wala ka bang balak na sabihin sa akin kung ano’ng klaseng emergency 'yon?” tanong ko sa kaniya nang nakarating na kami sa kaniyang sasakya

