Sheila’s POV Abala ang aking mata sa pagbabasa ng libro nang may biglang kumatok sa pinto ng aking kuwarto bago ko napansin na bumukas iyon. Bumungad sa akin si ate Liza, noong nakaraang linggo pa siya nakabalik galing probinsya. Nangunot ang noo ko nang napansin na parang aligaga ang kaniyang hitsura. “Oh ate, may kailangan ka ba?” “Sheila, itatanong ko lang sana kung nakita mo si Miss Winter kanina sa university bago ka umuwi.” Naitiklop ko ang hawak na libro at bahagyang umalis sa aking higaan. “Hindi ko na siya nakita nang pauwi na ako kanina. Huli ko siyang nakita noong nasa may cafeteria kami. Bakit, Ate?” tanong ko na may halong pagtataka, ewan ko pero parang nakakaramdam ako ngayon ng kaba. “Hindi pa siya dumarating. Hinahanap na siya ni manang Selya, pero ang sabi ko hind

