Chapter 23

2233 Words
Selene's POV: Umaga akong nagising dahil nagutom ako dumeretso muna ako ng CR bago lumabas. Pagkadating ko sa Kusina ay nagulat naman ako dahil hindi sila ni Manang ang nagluluto. Kaya nagtaka ako dahil alam kong may trabaho sya ngayong araw pero bat nandito pa sya. Kaya pumunta na lang ako sa tabi nya. "Good Morning Kaizer." agad kong bati. "Good Morning din Selene." "Diba? May trabaho ka ngayon?" agad ko tanong sa kanya. "Nope, nagtake ako nagleave sa office ko muna para pagtuunan ng pansin ang asawa ko ayaw mo ba yun?" namula ako sa sinabi. "Ewan ko sayo Kaizer." "Umupo kana doon at ipaghahanda na kita ng pagkain." tumango ako at umupo sa upuan. Nag-antay lang ako dahil nagsasandok pa si Manang ng kanin at inaayos na din nila ang lamesa. Nakatingin lang ako sa kanila. Kasi ayaw naman nila akong patulungin kaya tumitingin lang ako. "Hon, ayan na yung pagkain mo tikman mo kung masarap naman luto ko. Ano bang iniisip nitong si Kaizer may pa hon hon pang nalalaman kong batukan ko kaya to baka na nanaginip. Tinikman ko naman ang pagkain na inihanda nya sa akin masarap sya kaya kinain ko. Kain lang ako ng kain pero napatigil lang ako nung tumingin ako kay Kaizer ay hindi nya ginagalaw ang pagkain nya at nakatitig lang sa akin. "Bakit? May dumi ba ako sa mukha ko Kaizer?" agad kong tanong. "Wala hon, tinitingnan ko lang kung paano ka kumain." agad nitong sabi at may sinabi pa sya pero hindi ko yun narinig. "Kumain kana Kaizer, alam kong gutom kana sa kakatitig sa mukha ko." agad kong sabi habang nakatingin sa kanya. "Hindi pa ako gutom Hon." "Bakit naman?" "Kasi pagnakikita kong kumain ka sa harapan ko nabubusog na ako." Pinipigilan ko lang wag kiligin dahil sa sinabi nya. "Hon, bat ka namumula? Mainit ba? May sakit ka ulit? Ano dadalhin na ba kita sa hospital." sunud-sunod nitong tanong sa akin. "Wala akong sakit, kaya kumain kana dyan wag ka puro daldal." agad ko namang sabi. Kumain naman sya pero yung mata nya nasa akin parin dahil nakikita ko. Natapos na ako pero umupo parin ako doon sa upuan at sya naman tiningnan ko dahil naninibago talaga ako kay Kaizer. Alam kong may gusto syang sabihin eh..pero ayaw nya namang sabihin iyon. Ano ba problema nito? "Hmmm.. Kaizer pupunta na ako sa kwarto ko." "Wait lang hon, hintayin mo ako." agad naman nitong sabi kaya nagtaka na naman ako. "Bakit sasama ka din ba sa kwarto ko Kaizer." agad ko namang sabi sa kanya. "Oo, ako magpapaligo sayo." "Nooooo!!!!" agad ko namang sigaw sa kanya pero tawa lang sya ng tawa dahil nag iinit na talaga ang pisngi ko dahil sa mga pinanggagawa nya ngayong araw. "Bat ayaw mo? Gusto nga kita pagsilbihan ngayon hon." agad naman nitong sabi sa akin habang nakangisi. "Ayoko! May kamay ako at hindi ako baldado Kaizer." kinakabahan ko namang sabi sa kanya. "By the way, Kaizer papasok na pala ako sa hospital." "Okay, hatid sundo na lang kita hon." pakunot naman noo ko." "Really Kaizer? Hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" "Hindi nga dahil humingi ako ng leave kay Daddy and i want to spent my 3 weeks to you. Cause soon I will not be with you." agad naman nitong sabi pero hindi ko na narining ang panghuli nyang sinabi sa akin. "Ano yun Kaizer?" tanong ko. "Wala sige na maligo kana doon at ihahatid kita sa Hospital." nakangiti nitong sabi at tumango naman ako bago umalis sa harap nya. Pagdating ko sa kwarto ko ay inihanda ko na ang susuotin ko. At pumunta na sa CR para maghanda na para maligo. _________ Krylle Fortaleza's POV: "Mama, mamaya po papasok akong hospital" "Akala ko bukas kana papasok?" "No ma, ngayon na at baka pumasok din sya at sasabihin ko na sa kanya ang totoo." agad ko namang sabi. "Sure kana ba dyan anak?" "Oo Mama." agad ko namang sabi. "Iuuwi ko sya sa bahay na to Mama at magkakasama natin sya buong araw dito." nakangiti ko namang sabi kay Mama. "Sige anak, pero wag mo muna sya pilitin na umuwi dito pagsinabi mo na ang totoo. Alam kong maguguluhan ang batang yun." tumango naman ako. "Mama, punta na po ako sa taas para maligo." "Sige anak." Habang papunta ako sa kwarto ko ay ang saya saya ko dahil sasabihin ko na ang totoo sa kanya mamaya. Napag isipan ko na din yun habang nagleave ako sa Hospital dahil kailangan kong asikasuhin ang pinabaimbestiga ko sa Detective ko. Natapos na ako maligo pero nakatingin lang ako sa salamin. Wala na din dito si Jero dahil pumunta sa Company dahil may importanteng sasabihin daw ang kabusiness nya sa kanya kaya nagmadali syang umalis kanina. Napag-isipan ko na lang na lumabas dahil tapos na din namn ako magbihis. "Mama aalis na po ako." agad ko namang sabi dahil nakita ko sya sa sala nakaupo. "Sige anak mag ingat ka ha? Kaya mo yan." sabi naman ni Mama nagbeso muna ako at umalis na. Tinawag ko ang driver ko at umalis na din kami sa bahay. Habang nagbabyahe ako ay may iniisip ako kung saan ko dapat sya kakausapin na walang makakarinig sa amin. Paano kong sa Office ko na lang? Paano kong sa park? Saan ba?... Mga ilang minuto na byahe namin ay nakarating na din kami ng Hospital pero nabigla ako sa nakita ko dahil nakita ko si Kaizer na hinatid si Selene. Ewan ko ba kung may relasyon ang dalwang to? Pero okay lang naman dahil bagay silang dalawa. "Hi Selene, Hi Kaizer." agad kong bati sa kanila. "Hi po tita/Doc." sabay naman na sabi nilang dalawa. Napangiti na lang ako dahil ang cute nila. "So kamusta kana Selene?" "Okay na po ako Doc." agad nitong sabi. "Hmmm..tita alis na po ako hinatid ko lang po dito si Selene." agad naman na paalam ni Kaizer sa akin. "Ahh..Sige, thanks sa paghatid sa kanya Kaizer." "Your Welcome tita." Umalis na din si Kaizer pagkatapos nya magpaalam kay Selene at nagsabay na kaming pumasok sa hospital. Ginawa na din nya ang trabaho nya at yung akin din dahil kakausapin ko sya mamaya after nito. Gabi na din akong natapos sa trabaho ko dahil madami ding mga pasyente sa hospital ngayong gabi. Kaya napag-isipan ko na din na hanapin na si Selene sa Nurse Station. Para kausapin sya tungkol sa pagkatao nya. At nakita ko naman sya na nakikipagtawanan sa mga kasama nyang nurse. Nung nakita nila ako ay bigla silang napatigil sa pagtawa at tumayo. -------------- Kaizer'sPOV: Nung hinatid ko si Selene sa Hospital ay alam kong inis na inis sya dahil nanibago sya sa ugali ko. Alam nyo yung namiss mo yung asawa mo tapos nagpapalambing ka. Hahaha natatawa ako sa mukha nya kanina habang bumabyahe kami eh.. (FLASHBACK) "Hon, bat ganyan mukha mo?" agad ko namang tanong. "Sa totoo lang ha? May ginawa kabang kasalanan kaya ganyan ka kasweet ngayon Kaizer tapos may pa hon hon ka pang nalalaman." nakakunot noo nitong sabi sa akin. "Bakit? Asawa naman kita kaya hon or honey tawag ko sayo." nakita ko naman na yung mata nya naningkit kaya tumanahimik muna ako ng ilang minuto. Katahimikan lang namayani sa amin ni Selene. Pero dahil gusto ko syang asarin ay nagsalita ako ulit. "Hon, mahirap bang maging Nurse?" agad ko namang tanong at tumingin naman sya sa akin. "Medyo, pero kailangan mo magtyaga lang sa pasyente mo. Bakit mo naman natanong." agad nyang sabi sa akin. "Wala lang hon, dati kasi gusto ko din magtrabaho sa hospital." "Oh? Bat hindi ka nagtrabaho?" nakakunot noong sabi sa akin ni Selene. "Kasi pinigilan ako ng Daddy ko." kaya napatingin naman sa akin si Selene. Napatahimik ulit kami dahil alam kong pinaprocess pa ni Selene sa utak nya yung sinabi. "Hmmm...Kaizer, may itatanong lang sana ako sayo." "Ano namn yun?" agad ko namang tanong. "Bat nag-iba ka ngayon? Atsaka kung may problema ka sabihin mo sa akin para pag-usapan natin yan hindi mo lang ako FAKE WIFE at Kaibigan mo din ako." mahaba nitong sabi. Pero nasaktan ako doon sa FAKE WIFE na sinabi nya. "Wala akong problema Selene basta gusto ko lang na makasama ka." agad kong sabi at ngumiti sa kanya. Ayoko pang sabihin sa kanya yung arrange marriage dahil alam kong iiwan ako ni Selene pagsinabi ko agad. Natahimik naman si Selene at hindi na nagsalita dahil nakatingin sya sa labas. Ako naman ay nagfocus na lang sa pagmamaneho. After a few minutes ay nakarating na kami sa hospital at lumabas si Selene pero nakipag-usap muna ako sa kanya at dumating din si Tita Krylle. Alam kong may connection si Tita Krylle kay Selene. At hindi ko lang pinapahalata yun. Kung malaman man ni Selene ang totoo ay sana matanggap nya yun at wag na syang mag isip ng kung anu-ano. Yes alam ko ang lahat. Nagtatanong kayo kung bat ko nalaman? Nagpaimbestiga din ako kaya nalaman ko ang totoo na anak si Selene ng mga Fortaleza. Nung nakita ko si Tita Krylle ay nakita ko na magkamukha sila ni Selene. At ngayon ko lang nalaman yun kasi madami akong iniisip noon kaya hindi ko na natutukukan silang dalawa kahit na katabi ko lang sila. Kailan kaya sasabihin ni Tita kay Selene to? Napag isipan ko na lang na umuwi para magpahinga at kausapin si Chen. Nagpaalam na din ako kay tita Krylle at Selene at umalis na. ___________ Krylle Fortaleza's POV: (Time: 11:20pm) Hinahanap ko si Selene ngayon dahil gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo. Pumunta ako sa nurse station at doon nga siya at nagtatawanan sila ng kakilala nya na nurse. Nang makita nila ako ay bigla silang tumayo at nagbow sa akin bilang paggalang. "Selene, can i talk to you for a while?" agad kong tanong sa kanya. "Oo namn po doc." agad namn nitong sabi na may ngiti at may nod pang kasama. "Pwedeng bang sa rooftop na lang tayo mag-usap Selene. Dahil importante talaga to at gusto kong tayo lang ang nakakaalam." tumango naman sya bilang pagtugon kaya umakyat kami. Pagdating namin sa Rooftop ay tumingin muna ako sa paligid at tumingin sa anak ko na namamangha. "Selene, ngayon ka lang ba nakaakyat dito sa Rooftop?" agad ko namang tanong at tumango ito. "Kasi po doc wala na din akong time para gumala dito sa hospital." nakangiting sabi sa akin. "Hmmm...doc, ano po pala yung sasabihin mo sa akin?" agad namn nitong tanong sa akin kaya napatahimik ako. "Kasi Selene, sana wag kang mabibigla sa sasabihin ko." alam kong kinakabahan na ako sa part na to baka hindi nya matanggap. "Don't worry po Doc, makikinig lang po ako sa sasabihin nyo." agad nitong sabi sa akin. "Ka-kasi Selene." nautal kong sabi. "Ano po yun? Sabihin nyo na sa akin." nakangiti nitong sabi. "YOU ARE MY DAUGHTER." agad kong sabi. Alam kong nagulat sya sa sinabi ko. "Po?" "Selene, anak kita." alam kong tumutulo na ang luha ko dahil baka ayaw nya sa amin. "Noon ko lang din nalaman kasi nagpapaimbestiga ako sa Detective ko at nalaman kong namatay yung magulang mo dahil sa Car Accident. At noong nagkasakit ka din Did you remember na kinuhaan kita ng dugo para sa sample test? Dahil unang kita ko pa lang sayo dito sa hospital. Na fefeel kong anak kita Selene." mahaba kong sabi sa kanya. Nakatulala lang sa akin si Selene at hindi alam ang sasabihin sa akin. Ako naman ay umiiyak lang dahil baka ayaw nyang maniwala. Napag-isipan ko na din na umalis na lang dahil wala man lang isa sa amin ang nagsasalita. Hahakbang sana ako ng bigla nya akong yakapin. At doon na sya iyak ng iyak sa balikat ko. Niyakap ko din sya pabalik dahil namimiss ko na talaga ang anak ko. "Please Khloe bumalik kana sa bahay natin." sabi ko habang umiiyak. Bumitaw sya ng yakap sa akin at may kinuha syang kwentas sa leeg nya. Nakita ko ang kwentas ko na niregalo sa kanya noon. "Gusto ko po sanang ipakita yan sa inyo. Yan po ba ang totoo kong pangalan?" tumango naman ako. "So kayo po talaga ang totoo kong magulang at hindi sila." tumango naman ako habang pinupunasan ko ang luha ko. "Ikukwento ko sayo bukas at gusto kong pumunta ka sa bahay natin hihintayin kita doon."agad ko namang sabi. "Tara baba na tayo anak." tumango naman sya sa akin at hinawakan ko ang kamay nya. Nakababa na kami pero nadatnan namin ang dalawa na nag aantay sa baba at doon sila nakaupo sa waiting area. Nakita naman ako ni Jero at tumakbo siya sa akin. Umiyak ako ng umiyak sa balikat ni Jero habang tinitingnan ko si Selene na kasabay si Kaizer. "Hubby nasabi ko na sa kanya at sana pumunta siya bukas sa bahay natin." "Don't worry Wife, pupunta sya at hindi nya tayo bibiguin." tumingin ako kay Jero at hinalikan nya ako sa noo. "Let's go home now Wife, kailangan mo na magpahinga para bukas." tumango ako at kinuha ko na ang bag ko sa table at umalis na kami ni Jero sa hospital. Pagdating namin sa bahay ay pumunta muna ako sa CR. Dahil si Jero ay kukunin pa nya ang gamot ko sa labas. Pagdating nya ay ininom ko muna ang gamot ko bago matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD