Selene's POV:
Umaga pa ay nagising na ako dahil may gagawin akong importante. Habang ginagawa ko yung routine ko ay napapaisip ako sa nalaman ko kagabi dahil sila pala ang totoo kong magulang. At hindi pala sila Mama Jean.
Nung sinabi sa akin ni Doc Krylle yun ay ayokong maniwala. Dahil ang layo layo ko sa kanila. Pero kong sa titingnan lang kasi magkamukha nga kami ni Doc kung mag-ayos ako.
At napag-isipan ko na din na pumunta mamaya sa bahay nila ni Doc para malaman ko din ang totoo kong pagkatao.
Habang nag-aayos ako ng sarili ko ay may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Pasok" agad na sigaw ko at bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Kaizer.
"Oh? Saan ka namn pupunta hon?" agad nitong sabi.
"Makikipagkita lang ako sa isang kaibigan Kaizer."
"Ahh..gusto mo samahan pa kita." agad na sabi sa akin ni Kaizer pero umiling lang ako.
"Wag na, kaya ko naman mag isa eh. Don't worry babalik ako dito sa bahay at hindi kita tatakasan." agad kong sabi habang nakangiti sa kanya.
"Okay mag-ingat ka." tumango ako sa kanya.
"Sige lalabas na ako at kumain ka bago ka pumunta sa kaibigan mo." tumango ulit ako at lumabas na si Kaizer sa kwarto ko.
Sa totoo lang ayokong malaman nya to dahil makikipagkita ako sa totoo kong pamilya.
Basta bahala na.. Tumayo na ako para bumaba at pumunta sa Dining.
Pagkababa ko ay nakita ko na nakaupo si Kaizer doon sa upuan nya at nagbabasa ng newspaper alam kong hinihintay ako nito. Dahil hindi to kakain ng hindi ako kasama. Haysst
"Ehemmm.." tikhim ko para malaman nya na nandito na ako sa harap nya.
"Hi, upo kana dyan."
Kumuha lang ako ng konting kanin at kinain iyon. Dahil wala talaga akong ganang kumain ngayong araw.
Si Kaizer naman ay nakatingin lang sa akin at nakakunot ang noo dahil sa nakita nya.
"Hon, totoo ba yang nakikita ko na konti lang ang kinain mo?" namamangha nyang tanong sa akin.
"Oo namn, bakit? Akala mo ba parati na lang akong maraming kinakain ha? Papatabain mo ba ako Kaizer." agad kong tanong.
"Hindi naman sa ganon hon, kasi hindi lang ako sanay na makita kang kumain ng ganyang kakaunting kanin." nakangiti nitong sabi sa akin kaya napakunot na lang ako ng noo sa kanya.
"Ewan ko sayo Kaizer." agad ko namang sabi dahil napipikon na ako.
"Bat ang unfair mo Hon?"agad nitong sabi sa akin.
"Bat naman aber?" nakataas kong kilay na tanong sa kanya.
"Kasi ako lang nagsasabi ng Hon sayo. Dapat tawagin mo din akong ganyan para sweet atsaka asawa mo naman ako eh.." ngiting sabi nito sa akin.
"Aba! Ikaw may gusto nyan." at nakita ko syang nakatulala.
Naglakad na ako palabas dahil nakatulala pa si Kaizer doon sa sala at nilabas ko na ang tawa ko na kanina ko pa pinipigilan.
Nakalabas na ako ng Village at sumakay ng kotse papunta sa Bahay nila ni Doc Krylle.
Mga ilang minuto na byahe ko ay bumaba ako sa isang Village din at pumunta ako sa guard.
"Kuya Guard pwede po bang magtanong?" agad ko namang tanong sa kanya.
"Oo naman po Ma'am, ano po iyon?"
"Hmmm..kuya guard pupunta po kasi ako sa bahay na to." at pinakita ko sa guard ang number ng bahay.
"Ahh... Ma'am may appointment po ba kayo kay Mrs. Krylle Fortaleza?" agad naman na tanong ni Kuya guard pero umiling naman ako.
"Wala po Kuya guard pero pinapapunta nya po ako sa bahay nya dahil sya po nagbigay nitong address nya."
"Wait lang po Ma'am, tatawagan ko lang po si Mrs. Fortaleza na nandito ka sa labas." haysst ang higpit naman ng guard dito paano kaya kung magtresspass ako no?
Selene bad yang iniisip mo mag antay ka kung kilan ka papasukin.
Tinawagan na ni Kuya Guard si Doc Krylle.
"Ma'am, may bisita po kayo dito sa labas." rinig kong sabi ni kuya guard.
"Ahh..sige po Ma'am, naninigurado lang po ako. Okay po, Sorry po Ma'am." hala! Bat kaya nagsosorry si Kuya guard?
Nakita kong binaba na ni kuya guard ang telepono nya at nginitian ako.
"Ma'am pasensya na po kanina. Pwede na po kayong pumasok at nagpapasabi si Mrs. Fortaleza na nag aantay sya sa labas ng bahay nila." tumango naman ako at nagpaturo ako kung saan banda ang bahay nila.
"Salamat po Kuya Guard." at umalis na ako.
Naglakad na ako papunta sa bahay nila Doc at nakita ko syang nakatayo doon at kinakawayan ako.
"Good morning Doc."
"Good morning din baby."
"Tara na pasok na tayo sa loob at hinihintay kana nila." napaisip naman ako kung sino iyon at sumunod na lang.
Napanganga ako dahil sa nakita ko sobrang laki ng bahay.
Kung malaki ang bahay ni Kaizer, mas doble doble naman ang laki nito baka nga sabihin ko na Mansion na to.
Naglakad na kami ni Doc pero pagkadating namin sa pintuan ay binuksan nya ito at may biglang sumigaw ng------
"WELCOME HOME KHLOE!!!" sigaw nila pagbukas ni Doc ng pinto.
Napatigil naman ako sa nakita ko.
"Welcome home anak." naiiyak na sabi ni Doc Krylle sa akin at niyakap ako.
"Hoy ako ba hindi nyo ako isasabay dyan sa yakapan nyo?" agad naman na sabi ng asawa ni Doc. Ayoko muna na tawagin sila na mommy at daddy kasi gusto ko munang malaman ang totoo.
"Halika dito." humihikbi na sabi ni Doc at pumunta naman si Sir Jero.
"Welcome Home anak." agad naman nitong sabi sa akin at niyakap kaming dalawa ni Doc Krylle. Ako naman ay tumutulo na luha ko dahil naririnig ko ang iyak ni Doc Krylle.
"Ehemmm.." may tumikhim namn kaya napaalis sila Doc at sir Jero sa pagkayakap sa akin.
"Kanina pa kayong dalawa kaya kami naman yayakap sa apo namin." agad na sabi ng dalawang matanda. Sa totoo lang magkasabay talaga sila magsabi ng ganon at napatingin sila sa isa't-isa at biglang napatawa.
Naglakad silang dalawa na hawak kamay at yumakap sa akin. Nang matapos ang yakapan ay tiningnan ako ng matandang babae.
"Magkamukha talaga kayong dalawa ng mommy mo. Sa totoo lang wala man lang nakuha si Jero sayo." natatawa nitong sabi sa akin at tumingin kay Sir Jero.
"Mama naman, meron yan. Hindi mo lang nakikita." agad naman na sabi ni Sir Jero at napatawa na lang kami.
Ako nga pala si Lola Elizabeth at yung matandang hukluban na yun ay asawa ko ang pangalan non ay si lolo Kent." pagpakilala nya at tinuro nya si Lolo Kent napasimangot namn ito dahil sa sinabi nya.
"So Tara na apo baka nagugutom kana kasi naglakad ka pa papunta dito atsaka call me Grandma at Kay Kent namn ay Grandpa okay?" tumango naman ako.
"Teka! teka!" napatigil naman kami sa paglalakad dahil sa pagkasigaw ni Grandma.
"Khloe apo, dapat Mommy at Daddy din tawag mo kay Krylle at Jero." tumango ako kahit na nahihiya ako.
"So tara na kainan na at nagugutom na ako." agad naman na sabi ni Grandpa kaya napatawa na lang kami at hinawakan ni Mommy Krylle ang kamay ko.
Naglakad na kami sa Dining table at umupo doon. Nagulat ako dahil nagsilabasan lahat ng katulong at pila-pila sila sa paglalagay ng pagkain sa lamesa.
Kain lang ako ng kain dahil yung mga nakahain ay mga paborito ko. At hindi ko na sila pinansin dahil nasa pagkain ako nakafocus.
Nang matapos ako sa pagkain ay nakatingin silang apat sa akin at nakita kong hindi pa sila kumakain.
"Bat po hindi pa kayo kumakain?" nahihiya kong tanong sa kanila.
"Kasi gusto ka namin makita kong paano ka kumain apo/baby." sabay sabay nilang sabi sa akin.
"Ahh..hehehe kanina pa pala po kayo nakatingin sa akin?" nagnod naman sila.
"Sorry po hehehe kasi pagpaborito ko po kasi ang nakahain sa lamesa wala na po kasi akong pakealam sa kasama kong kumakain." napatawa naman sila sa sinabi ko.
"Don't worry baby gusto ka lang naming titigan." napayuko ako dahil namumula na ako dahil sa kahihiyan.
Kumain na din sila at ako naman ay kumain na ng Dessert.
Ilang minuto na kainan ay natapos na din kami at nagpaalam muna ako na lumabas ng bahay dahil may nakita akong magandang view sa labas.
Pagkalabas ko ay napawow na lang ako dahil nakita ko yung swimming pool na sobrang laki at may nakita din akong garden na magaganda ang mga bulaklak. Naglakad-lakad ako doon at hinahawakan iyon.
Gusto kong mamitas kahit isa lang pero baka bawal eh..kaya hinayaan ko na lang.
Umupo na lang ako doon sa upuan at inilibot ko na lang ang tingin ko sa likod ng bahay.
Dito lang ako tumambay sa likod at may biglang nagsalita sa likod ko kaya nagulat ako.
"Baby nandito ka lang pala." agad na sabi sa akin ni Mommy pero may nakita akong Album na dala dala nya.
"Here, tingnan mo tong album na to. Ikaw to nung sanggol ka pa." nakangiti nyang sabi sa akin. Kaya kinuha ko yung isang album.
Tiningnan ko lang iyon at nakita ko nga yung kwentas ko na katulad na katulad nga sa picture.
Kinuwento nya lahat sa akin walang labis at walang kulang. Nalaman ko din na ninakaw lang pala ako ng dati kong pamilya kaya napaiyak ako sa nalaman ko niyakap ako ni Mommy. Dahil nararamdaman nya ngayon kong gaano kasakit sa akin yun kaya dinamayan nya ako. Pati sya ay napaiyak dahil namimiss nya ako ng 27 years.
At ngayon ay gusto nila akong makasama sa bahay pero nag-iisip pa ako dahil magkasama kami ni Kaizer sa iisang bahay at asawa nya ako. Paano ko to sasabihin sa kanila.
Mga ilang oras na iyakan namin ay nagpaalam na ako para umuwi dahil gusto kong magpahinga. Gusto sana ako ihatid nila ni Mommy at Daddy pero inayawan ko dahil gusto ko munang mapag-isa kaya lumakad na ako.