Kaizer's POV: Nagising ako dahil nagriring ang phone ko kaya sinagot ko iyon. "Congrast apo." nagulat naman ako dahil sa sinabi ni Lolo. "Anong pinagsasabi mo dyan Lo?" agad ko namang tanong habang nakapikit pa. "Basta pumunta ka mamaya dito sa bahay hihintayin ka namin." "Ano naman gagawin ko dyan?" agad kong tanong. "Basta nga pumunta ka dito Surprise eh.." agad naman nitong sabi. "Okay." enend call ko na ang tawag at pumunta na ng CR. Pagkatapos ko magCR ay lumabas muna ako at pumunta sa kwarto ni Selene. Nakita ko pa sya na tulog na tulog kaya hinyaan ko muna sya. Bumababa na ako para magkape. Nagbabasa lang ako ng newspaper ng biglang tawagan ako ni Kelly. "Kuya!!!!!!" sigaw nito sa akin kaya napalayo ko ang phone ko sa tenga ko. "Wag kana pumunta dito mamaya dahil masisira

