Jero Fortaleza's POV: Ang saya namin kahapon dahil nakasama namin si Khloe. Alam kong gusto na ng asawa ko na nandito si Khloe sa bahay pero kinausap ko muna si Krylle dyan dahil baka mapilitan lang ang anak namin at gusto rin namin na pag-isipan muna iyon ni Khloe at ayaw namin syang pilitin na dito na tumira sa bahay. Habang nagliligpit ako ng gamit ko ay napapangiti na lang ako dahil sa nangyare kahapon. Ayaw talaga mawala iyon sa isip ko parang gusto namin ulit na nandito sya at alam kong gusto din yun nila Mama at Papa. "Hubby pupunta ka ba ng company ngayon?" agad na tanong ng asawa ko. "Hindi na muna wife, bakit?" "Nothing Hubby." pumunta naman sa akin ang asawa ko at niyakap ako ng mahigpit. "Hubby." tawag nito sa akin. "Gusto ko ulit makasama ang anak natin dito sa bahay."

