Khloe's POV: Nasa kwarto ako ngayon at gusto kong pag-isipan muna kong paano ko ipapaliwanag kay Daddy to para matanggap nya ang dinadala ko. Ikot lang ako ng ikot dito sa kwarto ko dahil halo-halo ang problema ko dahil sa dinadala ko ngayon. Habang nakatayo ako ay biglang bumukas ang pinto kaya inantay ko na lang kung sino ang lalabas doon. Nang makita ko iyon ay bigla na lang akong kinabahan dahil si Daddy iyon. Ngayon ko lang naramdaman ang kaba sa buong kaloob-looban ko dahil kay Daddy at alam kong nadismaya ko sya. "Anak...." tawag nya sa akin at nakangiti. "D-dad." utal kong tawag sa kanya pero ayan na naman ang luha kong naglalaglagan. "Dad i'm so sorry po alam kong nadismaya ka at sana mo matang—" hindi ko na natapos ang sinabi ko ng magsalita sya. "Anak relax okay.. Tangga

