Khloe's POV: Nasa Nurse Station lang ako nakaupo ihihiga ko na sana ang ulo ko sa table ng bigla akong tawagin ni Head Nurse. "Nurse Selene, pinapatawag ka ni Doc sa taas." "Sino po head?" "Kay Doctora Aguncillo kasi wala daw syang katuwang. Baka late na naman yung assitant nya kaya pumunta kana doon." tumango naman ako at inayos ko muna ang kalat ko sa table ko bago naglakad na papunta sa clinic ni Doc. Habang naglalakad ako ay parang wala ako sa sarili ewan ko ba kumain naman ako ng marami kanina sa bahay tapos ngayon parang wala ako sa sarili. Binilisan ko na lang ang lakad ko papuntang elevator at sumakay na. Pinindot ko ang 3rd floor dahil doon papunta ang clinic ni Doc. Pagkahinto ng elevator ay dali-dali akong naglakad. Pagkadating ko sa pintuan ay kumatok na ako at nag antay

