Kaizer's POV: Buntong-hinga lang ang ginawa ko habang nagdadrive ako pero nandito parin sa akin yung pag-aalala dahil nasa panganib silang tatlo. At ang gusto ko lang ay iligtas sila ng walang kagalos-galos. Ang kailangan ko na lang ay ang magmadali para tapos na ang lahat dahil ayoko na sa ganitong sitwasyon. Kaya napag-isipan ko na lang na bilisan ang pagmamaneho ko para makarating agad ako sa destinasyon ko. Habang nagfofocus ako sa pagdadrive ng biglang tumawag si Police Inspector Santiago kaya sinagot ko iyon. "Sir Madrigal, ano pong oras ilalabas si Bernadeth Santillan?" agad nitong tanong sa akin. "Ngayon na, at siguraduhin nyong makakapunta sya doon Inspector." "Yes Sir wag po kayong mag-alala." "Okay, yan lang ba sasabihin mo kasi nagdadrive ako ngayon papunta sa bahay ng

