Chapter 45

3492 Words

Kaizer's POV: Nasa ambulansya pa lang kami ay malaki na talaga ang kaba ko dahil nakita ko na nasa tagiliran sya tinamaan ng bala kanina. Pero may hindi talaga ako inaasahang marinig kanina dahil gusto nya akong makilala ng dalawang kambal. Ang akala ko ay namatay na ang bata na nasa sinapupunan nya dati kaya sya umalis ng Pilipinas para makapagpahangin at kalimutan ang mga masasamang nangyare dito pero doon pala ako nagkakamali. "Sir, ano po kayo ng pasyente?" agad na tanong nito sa akin. Napaisip naman ako kung ano nya ako pero sinabi ko na lang na kaibigan nya ako kaya naman nilubayan muna ako ng nurse. Habang naglalakad ako paroot parito ay nakita ko na lang na tumatakbo si Chen at Danica papunta sa kinatatayuan ko kaya naman ay huminto muna ako sa paglalakad. "Bro, kamusta si Kh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD