Kaizer's POV: Habang nandito ako sa kwarto ko ay napabuntong-hininga ako at hinihintay ko na lang na lumabas ng CR si Selene. Namomroblema ako ngayon dahil nandito ang pamilya nya alam ko namn iyon. Pero ayoko lang may nang-iistorbo sa tulog ko. Napaayos ako ng pagkakaupo ng marinig ko ang pagbukas ng CR pero hindi parin maalis ang kamay ko sa aking sentido. Nang makita ko si Selene ay umangat ang ulo ko at tiningnan sya ng matalim. Ewan ko ba parang badmood ako ngayong araw. At ang worst pa ay nandito ang pamilya nya. Alam kong, alam na din nila na ikakasal ako sa anak ni Rodolfo Santillan. Kaya kinakabahan ako na magpakita sa kanila. "Anong ginagawa nila dito sa bahay?" inis kong tanong kay Selene. "Hindi ko alam Kaizer." "Ang sabi ni Manang para sayo daw kaya sila pumunta dito s

