Khloe's POV: Pagkalabas ko ng kwarto ni Kaizer ay tumakbo na ako palabas at narinig ko pa ang tawag nila ni manang sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Nakayuko akong naglalakad papunta sa gate para hindi mahalata ng guard na umiiyak ako. Nagpag-isipan ko na din na gusto ko munang mapag-isa at iisipin ko kung paano ko makakalimutan yung sinabi ni Kaizer. Sobrang sakit nung nalaman kong hindi nya ako mahal at niloloko lang nya ako. Naglalakad lang ako sa daan at hindi ko alam kong saan ako pupunta. Habang naglalakad ako ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko naman iyon. "Anak, how are you?" masigla na sabi sa kabilang linya. "I'm okay Mommy, bat ka napatawag." pigil kong hikbi para hindi nya malaman na galing ako sa pag-iyak. "Wala lang Anak namiss ka lang ni Mommy."

