Chapter 14

1216 Words
Selene's POV: Nagising ako dahil nuuhaw ako kaya uminom muna ako ng tubig. Pero ng makita ko si Kaizer na andoon sa Sofa na natutulog ang ginawa ko ay pumunta ako sa kabinet dahil alam kong may mga extrang kumot dito sa kwartong ito dahil VIP to. Naging Okay na din ako dahil sa kanya at magpapasalamat na lang ako mamaya pagkagising nya. Kinumutan ko sya at bumalik na sa higaan ko at kinakain ko kung anong makita kong biscuit dahil sa totoo lang nagugutom na ako ngayon. Ayoko naman gisingin si Kaizer dahil alam kong puyat at pagod sya ng dahil sa akin. Bat ba ayaw nyang sila ni Manang Elma na lang magbantay sa akin dito. Sa totoo lang habang nakakasama ko si Kaizer ewan ko ba hindi ko mapigilan na parang gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko sya o baka naman mahal ko na sya haysst Ewan.. Habang iniisip ko yun ay may kumatok kaya pinapasok ko at nabigla ako dahil si................ Ma'am Krylle... "Hi Nurse Selene, alam kong nabigla ka dahil ako magchecheck sayo ngayon." habang nakangiti nitong sabi. "Ahh.. Thanks po doc." pagpapasalamat ko naman at cheneck up nya na ako at kinuhaan ng dugo." Aalis na sana si Doc. Nang makita nyang gising si Kaizer. "Kaizer what are you doing here?" gulat na sabi ni Doc Krylle. "Ahh..Tita Krylle kasi kaibigan ko si Nurse Selene so wala na syang mga magulang kaya ako muna ang magbabantay sa kanya." agad nitong sabi. So kilala nya pala si Doc Krylle bat hindi nya sinabi sa akin. Haysst ang tanga mo Selene kasi hindi ka naman nagtanong sa kanya. "Okay hijo, i have to go now." at umalis na si Doc. "Kaizer kilala mo pala si Doc Krylle?" tumango naman si Kaizer. "Yes, nagpapatulong sya sa akin dati na mahanap ang nawawalang anak nilang si Khloe." agad naman akong nagulat dahil sa sinabi nya. "Oh bakit nagulat ka?" agad nitong tanong sa akin. "Ahh..kasi ganito.. Madami na din akong naririnig na pinag-uusapan yang anak na nawawala. Kaya nagulat ako."pagsisinungaling kong sabi kay Kaizer at buti naman ay naniwala sya sa sinabi ko. "Nagugutom kana ba Selene?" agad nitong tanong. "Oo." sagot ko habang tumatango sa kanya. "Sige pwede ba kitang iwan muna dito dahil bibili lang ako ng makakain natin?" "Sige ingat ka Kaizer, balik ka agad." ngumiti ito at tumango. Alam nyo ba ang gwapo ni Kaizer pagnakangiti sya. Ayan ang nagustuhan ko sa kanya at yung pagiging sweet nya sa akin. Kahit na Fake Marriage lang tong ginawa namin. Ewan ko ba kung matutuwa ako sa pinanggagawa ko. Habang nag aantay ako ay napag isipan kong maglaro muna sa phone ko para hindi naman ako mainip. Mga ilang oras na ang nakalipas pero wala parin si Kaizer kaya napag isipan kong lumabas muna ng room ko. Para sunduin sya sa Lobby dahil andoon ang Canteen. Habang papunta ako ng Canteen ay maraming taong nakatingin sa akin. Ewan ko ba kung bakit? Pero may isa akong narining. "Tingnan mo sya yung pasyente na yun sis, kamukhang kamukha nya yung doctor na nagcheck up sa atin kanina." hindi ako lumingon sa kanila dahil kinakabahan ako. Mga ilang minuto na lakad ko ay nakarating din ako sa Canteen at nagtanong ako. "Ate bumili po ba yung lalaki na gwapo po dito?" "Ahh..yung matangkad po ba nalalaki?" "Opo..." "Oo Ma'am ang kaso lang nagmamadali siyang lumabas kanina dito." "Ahh..okay, may binili na po ba syang pagkain dito o wala?" "Meron po ma'am nakasupot na po sya pero hindi pa po nya nababayaran." "Ahh..sige kukunin ko na lang yan Ate." at kukuha sana ako ng pera pero hindi ko pala nadala ang wallet ko. "Ate pwede po bang mamaya ko na lang babayaran andoon kasi ang pera ko sa Room ko." agad kong sabi sa kanya. "Ay Ma'am hindi po namin kasi binibigay to paghindi bina—" naputol ang sasabihin ni ateng Tindera ng may magsalitang babae sa likod ko. "Ibigay mo na sa kanya yan ako na ang magbabayad. Ako nga pala si Doctora Krylle Fortaleza. Manang hindi ko po gusto ang ugali nyo alam nyong pasyente sya ng hospital dito at baka nagugutom na sya kaya hindi nya nadala ang pera nya. Wag sanang mauulit ito." malumanay na sabi nito sa tindera ng Canteen kaya natahimik lang ito. "Sorry po Ma'am hindi na po mauulit." paghingi ng pasensya ng Tindera kay Doc. Krylle. "Sige, pwede kana bumalik sa trabaho mo." At bumalik namn sa trabaho nya ang tindera. "Thank you po Doc." agad kong pasalamat kay Doc. Krylle. "You're welcome." nakangiti nitong sabi sa akin. "Kumain kana doon oh?" tinuro nya ang bakanteng upuan at tinulungan akong bitbitin ang paper bag na inorder kanina ni Kaizer. "Ayan kumain kana babantayan kita dito at pagkatapos mo ay ihahatid kita sa kwarto mo." agad naman nitong sabi sa akin. Kain lang ako ng kain pero hindi talaga ako sanay na tinitingnan ng ibang tao kaya gusto ko din syang pakainin. "Doc. Kain ka po oh.. Masarap po tong pagkain." agad ko namang sabi at sinubuan ko siya hindi naman ako napahiya dahil ngumanga siya kaya napangiti ako dahil doon. "Hmmm..masarap nga.." agad nitong sabi pero may luhang tumulo sa pisngi nya. Kaya pinunasan ko naman iyon. "Doc, bat po kayo umiiyak?" agad kong sabi. Tumayo naman sya at niyakap nya ako. "Selene pwede bang yakapin muna kita ngayon dahil namimiss ko yung anak ko at matagal na kaming hindi pa nagkikita eh.." humihikbi nitong sabi at hinimas ko naman ang likod nya. "Okay lang naman po na yakapin nyo ako kahit na anong oras Doc kung namimiss nyo po ang anak nyong nawawala." sabi ko habang nakayakap sa kanya. "Thank you Nurse Selene dahil nandito ka. Kung wala ka siguro baka umiyak na ako na parang bata dito sa hospital." natawa naman ako sa sinabi nya at ako ang nagpunas ng luha nya. Dahil gusto ko. "Walang anuman iyon doc. Kain kana po." tumango naman ito at kumain lang kami ng kumain hanggang sa maubos namin ang inorder ni Kaizer. Pagkatapos kong kumain ay babalik na ako sa room ko para magpahinga at kasama ko si Doc Krylle dahil nagvolunteer syang sasamahan ako papuntang room ko kaya sya ngayon ang kasama ko maglakad. Pero hindi parin nawala ang mata ng mga pasyente doctor at nurses na dinadaanan namin dahil nga daw magkamukha kami ng kasama ko. "Wag muna pansinin yung mga yun hahaha baka nagsisinungaling lang sila." pagkadating namin sa pintuan ng room ko. "Oo nga po eh..Sige po papasok na ako Doc." tumango ito pero sumunod sa akin sa loob. "Tutulungan na lang kita dahil wala pala ang kasama mo dito." agad nitong sabi. "Aalis na ako, Titingnan ko lang ang ibang pasyente sa ibang room. Babalikan kita dito later okay?" tumango ako at nagpaalam sa kanya. At nagpaalam na din si Doc na umalis at pinagbilin pa nya na matulog na ako para gumanda ang gising ko. Pag alis ni Doc Krylle ay hindi pa ako natutulog pero may iniisip ako kung bat umalis si Kaizer sa hospital ng walang pasabi. Alam ko kasi kung may importante syang gagawin ay sasabihin nya iyon sa akin. Haysst bahala na nga basta matutulog na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD