Jero Fortaleza's POV:
"Wife why did you do that?" agad kong sabi sa asawa ko.
"Hubby it's her, shes our Khloe" agad nitong sabi habang umiiyak.
"Wife Look at me. If she's Khloe we have to investigate again and we don't have a proof if it's her Okay?" at tumango naman sya.
"Please Stop crying wife. Let's go home."
"Okay."
Habang nagbabyahe kami ay naiisip ko parin ang nangyare kanina. Yung bata na yun nakikita ko sa kanya si Krylle. Pero kailangan ko muna makasigurado kong sya ba talaga si Khloe. 27 years syang nawalay sa amin kaya alam na alam kong namimiss na ni Krylle ang nawawalang anak namin. Atsaka ako syempre sobrang miss ko na ang anak ko.
Habang nagdadrive ako ay tiningnan ko si Krylle napangiti na lang ako dahil nakatulog sya sa kakaiyak. Pero Okay ng makatulog sya kisa sa umiyak sya ng umiyak habang pauwi kami ng Mansion dahil ako talaga papagalitan ni Mama.
Atsaka si Mama ang unfair nya dahil pagmalaman nyang umiiyak si Krylle ako yung pinapagalitan nya. Dahil daw pinapabayaan ko. Naku, naman parang ako pa yung hindi nya anak eh..
Pagdating namin sa Mansion ay pinark ko sa harapan ng pintuan namin ang kotse ko at tinawag ang driver ko para sya na ang magpark sa garahe.
Binuhat ko na si Krylle papasok dahil ayoko syang gisingin dahil alam kong pupunta to kay Mama para kulitin ulit na pupunta ulit syang hospital o baka nga magtrabaho sya doon bilang doctor.
Kasi isang doctor si Krylle sa hospital dati at doon ko sya nakilala.
Habang iniisip ko yung dati na nagkakilala kami ni Krylle napapangiti ako at nung dumating ang anghel namin pero hindi naman sa amin nagtagal dahil ninakaw ito.
Doon na lang kami nagdusa nung nawala si Khloe at si Krylle namn ay muntikan ng madepress dahil sa pagkawala ng anak namin. Kaya ang ginawa ko na lang ay nagpunta muna kami ng Amerika para doon magrelax at ipapatherapy ko sya dahil nagwawala parin sya at hinahanap nya ang nawawala naming anak.
After a year na pagtitiis namin dati kay Krylle buti na lang at kumalma sya. Kaya palaging bumibisita si Mama para may makausap si Krylle sa bahay.
Pero kailangan ko munang mag imbestiga na kung sya talaga si Khloe kung sya nga ay kukunin namin sya at aalis kami ng pilipinas.
—————
Selene's POV:
Nagising ako dahil naiihi ako. Pero nung imulat ko ang mata ko ay nakikita kong puti ang kisame ng kwarto ko at sobrang liwanag pa. Nung marinig ko ang boses ni Kaizer ay napabangon ako at umaaray dahil sobrang sakit ng katawan ko.
"Kaizer, anong ginagawa ko dito?" agad kong sabi ng malaman kong nasa Hospital ako.
"Nilalagnat ka kagabi at pinadala na lang kita dito dahil ang taas daw ng lagnat mo ang sabi ni Manang Elma." nabigla naman ako dahil sa nalaman ko.
"Asan si Manang Elma?" agad kong tanong.
"Bakit?"
"Kaizer gusto ko umihi." nakangiwi kong sabi sa kanya.
"Wala si Manang dito at ako na lang sasama sayo sa CR."
"Anoooo!!??? Hindi pwede!!" agad kong sigaw sa kanya dahil nagpapanic ako sa higaan ko.
"Joke lang ito naman, Sige magtatawag lang ako ng Nurse sa labas para samahan kang umihi. Ayaw mo naman sa akin eh.." nakangisi nitong sabi sa akin.
"Oo bilisan mo baka umihi na ako dito sa kama na hinihigaan ko."
Habang naghihintay ako ay kinukurot ko ang pisngi ko dahil sa kahihiyan.
Nang dumating ang nurse ay nagulat sya dahil ako ang nakita nya dito sa hospital bed.
"Ohh Selene nandito ka pala?"
"Oo pwede bang alalayan mo muna ako pumunta doon sa CR?" tumango naman si Nurse Mary at inaalayan ako makatayo.
Alam kong tinitingnan kami ni Kaizer pero binabaliwala ko lang iyon dahil ayoko tumingin sa kanya.
Habang nasa CR kami ay nagsalita si Nurse Mary.
"Gurl bat kasama mo si Kaizer Kiel Madrigal ang CEO ng Madrigal Company?" agad nitong tanong sa akin.
"Kasi Gurl ganito yun Friend ko sya kaya nandito sya ngayon sa hospital."
"Wow naman ang swerte mo dahil naging kaibigan mo ang isang Madrigal."
"Oo naman hahaha."
Hindi ko sinabi ang totoo sa kanya kahit na kaibigan ko sya syempre kailangan kong itago na asawa ko si Kaizer dahil mabubuko kami.
Nang makalabas na kami sa CR ay bigla na lang tumingin sa akin si Kaizer at ngumiti lang ako ng peke para hindi naman nakakabastos.
Papunta na kami ni Nurse Mary sa Kama ko ng magsalita si Kaizer.
"Nurse ako na lang tutulong sa kanya papuntang higaan nya at pwede ka ng lumabas." nagulat naman ako dahil doon at hinawakan nya ang bakal ng Dextrose ko.
"Wait lang mag antay ka muna dahil aayusin natin tong kama mo dahil ang gulo tingnan."
Huh?? Hindi namn magulo kama ko ha? Bat ang arte arte ng lalaking to pero nasa isip ko lang yan. Baka marinig ako baka katapusan na ng mundo. Baka bakla to siguro hmmmm....
"Alam ko yang iniisip mo Selene."
"Ang ano naman yun Sir Kaizer?"
"Kung bat ko to inaayos tapos nga baka pagkamalan mo pa akong bakla." nakatingin na ito sa akin at nakakunot ang noo.
"Paano kaya kung subukan ko sayo yung..........nevermind." naglakad na sya papunta sa akin at pinaupo muna ako bago pahigain.
"Matulog kana nandito lang ako sa Sofa." agad nitong sabi sa akin at pumikit nga ako para matulog dahil inaantok talaga ako at sobrang sama pa ng pakiramdam ko.
-----------
Kaizer's POV:
Habang binabantayan ko si Selene ay hinahawakan ko ang noo nya kung mainit parin pero bigla syang nagsalita.
"Mama wag nyo po ako iwan." sabi nito habang tumutulo ang luha nya.
Akala ko magsasalita pa sya pero hindi na..
Pagkatapos kong punasan sya ay binalikan ko ang trabaho ko at binasa ito.
Habang nagbabasa ako ay may biglang tumawag. Sinagot ko iyon kahit na hindi pa ako tumingin sa screen ng cellphone ko baka si Chen iyon at mangungulit.
"Anak kilan ka uuwi ng bahay?"
"Mom, wala pa akong balak na umuwi dyan." straightforward kong sabi kasi ayoko magsinungaling.
At nabalitaan ko din na nadischarged na daw si Kelly kagabi nung dinala dito si Selene. Kaya wala akong problema dahil hindi nila malalaman kong sino ang binabantayan ko dito.
"Anak, namimiss kana namin dito. At si Kelly nagtatanong kong kilan ka daw makakabisita sa bahay. Palagi ka na lang nasa kompanya bigyan mo naman ng pahinga yang sarili mo." mahaba nitong sabi.
"Mom, kayo ang may gusto nito diba? Kaya gagawin ko." hindi naman nakapagsalita sa kabilang linya at pinatay ko na.
Ayoko sana maging bastos pero ito yung gusto nila na ako ang mamahala ng kompanya namin kahit hindi ko naman gusto.
Ang gusto kong kurso dati ay isang Doctor pero pinaalis ako ni Daddy doon at sinabihan pa akong "Kung magiging doctor ka hindi kita susuportahan dyan at mawawalan ka ng mana na galing sa akin at sa Mommy mo, Tandaan mo yan Kaizer." kaya naman natakot ako at nag enroll na lang ako sa business ad.
Sa totoo lang ang saya saya nila noon nung naka pasa at nagcelebrate sila pero ako hindi dahil ayoko. Nakakulong lang ako sa kwarto buong araw at kahit sinong kumakatok ay hindi ko pinagbubuksan.
Noong naalala ko yung dati sobrang sakit ang dinanas ko. Kaya sobra talagang hinanakit ko sa Pamilya ko kaya hindi ako umuwi sa kanila. Pumunta lang ako doon nong lumaki na si Kelly at sya lang ang binisita ko at umalis na dahil hindi ko kaya ang presinsya nila sa bahay.
Nong kinausap din ako ni lolo na magpapakasal ako doon sa babaeng hindi ko mahal at doon na nagkanda-watakwatak buhay ko. Kaya ang ginawa ko na lang ay maghanap ng iba. Pero ewan ko ba kong maganda tong naisip kong desisyon dahil baka mapahamak lang si Selene dahil sa ginawa ko.
Dahil napagod na ako ay umidlip muna ako kahit saglit at magpapaalam mamaya kay Selene na pupunta muna ako sa Company namin dahil may aasikasuhin lang akong importante.
—————
Krylle Fortaleza's POV:
Nagising ako dahil nauuhaw ako kaya uminom muna ako ng tubig na nasa Side Table ko.
Pagkatapos kong uminom ay naalala ko na naman ang nangyari kahapon yung nakita ko si Khloe doon sa hospital.
Bumababa ako at hinanap si Mama. Nakita ko sya nagbabasa ng newspaper at nagkakape. Kaya pumunta ako doon sa kanya.
"Good Morning Mama, how's your day?" agad kong bati at kinamusta sya.
"Good Morning hija, i'm okay, how about you?" sabi nito habang nakangiti.
"Mama, i saw her in our hospital." nabigla naman si Mama dahil doon.
" Who hija?"
"Mama i saw Khloe in our hospital." may luha ng pumatak sa pisngi ko habang sinasabi ko iyon.
"Shhhh..kung si Khloe nga talaga yun anak kailangan nating makasigurado."
"Opo Mama."
"Mama can i ask you a Favor?" agad kong sabi at tumango naman si Mama sa akin.
"What is it hija?"
"Mama i want to work in our Hospital, I want to work with her, para mabantayan ko sya at gusto kong makasama sya Mama." agad kong sabi.
"Mama mababaliw ako paghindi ko sya makikita please..." pagmamakaawa kong sabi.
"Okay, Sige magtatrabaho ka doon pero wag na wag mong papagurin ang sarili mo okay?" pagpayag nito sa akin at tumango naman ako at niyakap sya.
"Thank you Mama at gusto ko syang paimbestigahan Mama."
"Sige ikaw ng bahala sa kanya."
"Mama pupunta muna ako sa taas para mag-ayos."
"Sige hija."
Pagdating ko sa taas ay nakita kong gising na ang pinakamamahal kong asawa.
"Good morning Wife, bat ka ngumingiti ha?" pagbati nito sa akin at hinalikan ang noo ko.
"Good Morning din Hubby, kasi ganito yun hubby pinayagan ako ni Mama na magtrabaho sa hospital."nabigla naman si Jero doon.
"Wife naman dito kana lang sa bahay." nalungkot naman ako sa sinabi nya.
"Hubby, mababaliw ako paghindi ko sya makita."
Nag-iba naman ang expression ni Jero dahil sa sinabi ko. Dahil noon muntikan na akong mabaliw dahil sa pagkawala ni Khloe. Kaya ingat na ingat sila sa akin dati.
"Okay papayagan kita pero wag mong papahirapan ang sarili mo gusto kong hatid sundo ka ng driver natin okay? Ayokong magdadrive ka ng ikaw lang." tumango naman ako at nagpaalam muna ako na kukunin ko ang phone ko para sabihan ang head nurse na magtatrabaho ako mamaya at anong oras ang Afternoon shift nila para makapaghanda ako. Dinial ko na ang number ng head nurse.
"Head Nurse may itatanong lang ako anong oras nag uumpisa ang Afternoon Shift?"
"Ma'am mga 1:00pm po."
"Ahh..okay thank you at palinis na din ng table ko dahil magtatrabaho ako dyan later.
"Ahh.. Sige po Ma'am."
Alam kong nabigla ko si Head Nurse pero wala na din sila magagawa dahil magtatrabaho na ako doon sa hospital.
Malapit na kitang makilala Nurse Selene kung ikaw talaga si Khloe ilalayo ka namin dito para magsimula tayong tatlo ng Daddy mo.