Awtomatikong sumimangot na ako doon na naging sanhi upang mapahagalpak na siya ng tawa. Tunog iyon nang-aasar at tuwang-tuwa pa sa aking naging reaction. Gustong-gusto niya talaga iyong inaasar ako, nasisiyahan siya kapag napipikon na ako. Nakakaloka talaga itong si Vins, hindi mo malaman kung alin ang totoo sa hindi. Kaya minsan hindi ko mapigilan ang aking sarili na mag-assume na lang, kasi naman may mga pahaging siya na mayroong laman. Iyong iba naman ay parang patungkol sa akin kagaya na lang ng kanyang sinabi ngayon. Iyong tipong mawawala kuno ang feelings oras na makatagpo ng babaeng magpapahalaga sa kanya. Pakiramdam ko ay ako ang kanyang tinutukoy doon, at hindi niya lang tahasang mabanggit ang aking pangalan. Ganunpaman ay umaasa akong isang araw ay magagawa niyang umamin. “Iyon

