Chapter 103

3247 Words

Nang sumunod pang Linggo ay hindi pa rin nagparamdam sa akin si Vins, hindi ko iyon ikinabahala ngunit nang hanggang sa maging isang buwan na iyon ay doon na ako medyo kinabahan. Sa aking banda ay nakakapag-alala na, pero pinilit ko ang sariling maging kalmado pa. Baka kasi busy lang talaga siya sa negosyo nila o kung hindi naman ay nawala ang cellphone niya. Alinman sa dalawang iyon ang nakikita kong rason ng hindi niya pagkontak sa akin. May mga agam-agam mang nabuo sa aking isipan, ngunit pilit ko iyong nilalabanan at iwinawaglit. Iginigiit ko na walang ibang nangyari maliban sa busy lang talaga siya doon. May karugtong pa rin ang relasyon naming nagawa naming ayusin noong nagkita kami dito. Ginugol ko ang aking libreng oras sa trabaho, isnubsob sa pag-aaral ngunit kung minsan may mga p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD