Chapter 102

3203 Words

Doon nagpalipas ng buong magdamag si Vins, halos ay kakaunti rin ang naging tulog naming dalawa dahil sinulit namin ang mga sandaling iyon. Pinunan namin ang dalawang taong lumipas na hindi sapat lang ang mahigpit na mga yakap at mainit na mga halik. Marami siyang kwentong naipon na mataman lang na pinakinggan ko. Marami rin akong kwento na sinabi sa kanya at sa bawat pagbigkas ko doon ay marami siyang komento na ikinasiya ko na. Pakiramdam ko ay muling nabuo ang aking pagkatao nang dahil sa kanya na wasak noon. Although okay naman na ako sa pakiramdam ko, hindi ko pa rin mapigilan maramdaman ang pagiging kompleto ko. Iyong tipong wala na akong kahit anong mahihiling sa mundo. “That's how I moved forward, iiyak pero hindi susuko.” kwento ko sa kanya ng mga sandali na ang akala ko ay pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD