Naramdaman ko ang ginawa niyang pagtigil sa pagsunod sa aking paglalakad. Ngunit saglit lang iyon, nang pumasok na ako sa pintuan ay sumunod na rin siya agad. Marahil ay naisip niya rin ang huli kong tinuran. Totoo naman iyon at hindi ako gumagawa ng kwento lang. Isa siya sa nagpatatag pa sa akin. Isa siya sa naging dahilan upang mahubog ko ang aking sarili na mas maging matatag dito. “Magkano ang rent mo dito monthly?” muli niyang tanong habang tinatanggal ang suot niyang sapatos, nag-isip ako ng mga magkano dahil baka mamaya ay magalit siya kay Tita Roxa kapag nalaman niyang pag-aari niya ang bahay na ito. Syempre tinanong niya ito noong araw na nawala ako tapos itinanggi nitong may alam siya, kaya siguradong magagalit siya kapag nalamang kakuntyaba ko rin ito. “Five thousand month

