Nanlalaki ang mga mata niyang napamulagat na doon habang slow motion niyang tinanggal ang kanyang mukhang nakapatong sa kanyang pinagsalikop na mga palad. Umiling-iling pa siya na halatang hindi makapaniwala sa kung anong aking sinabi. Ar kulang na lang din ay mahulog siya sa kinauupuan nang dahil sa pagkabigla. Napaawang na doon ang kanyang labi, at maya-maya pa ay ilang beses na iyong kumibot-kibot na parang may nais siyang sabihin ngunit hindi niya magawang isatinig. Hindi pa rin siya makapaniwala, iyon ang emosyong nakalarawan sa kanyang mukhang ngayon ay parang tinakasan na ng dugo nang dahil sa pamumutla. Mabilis siyang uminom sa basong kaharap na sigurado akong halos maubos niya na ang laman noon. Mukhang hindi niya talaga inaasahan ang magiging sagot kong pangalan sa kanya. Sino ba

