Ilang minutong naburo pa ang kanyang mga mata sa akin. Halatang sa bawat pilantik noon ay naghahanap iyon ng kasagutan kung bakit ako nagtatanong sa kanya patungkol sa bagay na ito. Hindi niya man isatinig alam ko sa aking sarili na may namumuo ng pagdududa sa kanyang isipan ng oras na iyon, patunay noon ang bahagyang pag-angat ng gilid ng kanyang labi.. At upang panindigan ang aking nais na iparating at itanong sa kanya ay muli akong nagsalita. Iyong hindi rin gaanong halata. “Gusto ko lang naman malaman, huwag kang mag-isip ng kung ano diyan.” Mahina siyang tumawa. Halatang may ibang kalokohan ng naiisipan ng sandaling iyon. Hindi niya lang sinasabi ngunit halatang-halata ko na iyon sa mga paninitig niya. Ilang beses siyang bumuntong-hininga, lalo pang lumalim ang mga tingin niya sa a

