Ilang oras lang ang naging pagsasama namin sa araw na iyon, ngunit naging sapat na iyon para punan ang mga panahong hindi kami nagkitang dalawa sa mga buwang nagdaan. Kung anu-ano na rin ang aming mga napag-usapan na bumabalik sa topic na tungkol sa aking desisyon ngunit nagagawa ko rin namang ilihis iyon. Ngunit tumatak na rin sadya sa aking isipan ang katanungang kung tama nga ba ang ginawa? Hindi kaya tama si Miura na sa bandang huli ay ako lang din ang masaktan dito? Malalim na akong bumuntong-hininga habang tinatanggap ang brown paperbag na tinanggap ko mula sa cashier ng convenience store na aking binilhan ng maiinom. Bahala na, ako pa rin naman ang magpapasya dahil ako rin naman ang magdurusa. “Hindi ko na muna iyon iisipin ngayon.” Humakbang na ako palabas ng nasabing convenience

