bc

The Buried Secret of Anallie

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Anallie Lorenzo is a quiet girl. She's very uncomfortable when she's surrounded with many people. It makes her at peace when she's alone.

People thought that she's weird. Pero hindi nila alam na sa likod ng pagkatao niya na ito ay may madilim siyang nakaraan. She's hiding a secret. And she made a promise that she will keep that secret. Until her last breath...

chap-preview
Free preview
SIMULA
"Pasok mga suki, presyong tiyanggi. Sampu-sampo, bente-bente at iba pa! Get get awwww!" pagkanta ko nang bonggang-bongga. "Oh ano mga ate at kuya magsibili na kayo ng mga damit dito sa'min. Murang-mura lang. Hindi tubong spaghetti." sigaw ko sa dumadaang mga tao. "Nakakatuwa ka naman Ana. Napaka-hyper mong bata ka. Hala sige, pabili nga ako ng tatlong off-shoulder na dress na ito at ibibigay ko sa dalawa kong anak na babae. Magkano ba ang isa nito?" ani Aling Conching na halos wala nang ngipin. "Hahaha kailangan kong magpakabibo Aling Conching sa pagtitinda, para makabenta ng malaki. Tatlo lang po ba talaga ang bibilhin nyo? Aba! Gawin nyo na pong lima at ku-kwarenta pesos lang naman ang isa nyan!" hirit ko sa kanya. "Sige na nga at magaganda naman tong mga dress na ito kahit tiyangge lang." "Ayyy Aling Conching! Huwag mong nila-"lang" ang mga damit galing tiyangge. Dahil kapag sinuot yan ng mga anak mo ay tiyak na mag aala-diwata ang mga iyon!" pambobola ko. "Pero natural na chararat na mga anak mo, kaya no hope." dugtong ko pero pabulong lang baka magalit at hindi pa bumili eh. "Hahaha bolera ka!" sabi niya sabay mahinang tampal sa braso ko. Feeling close sya day! "Oh sya, magkano ba lahat ang mga 'to?" "Aling Conching 40x5=200! Ay mahina ka pala sa math. Simpleng multiply-multiply lang yan eh." "Naku! Ikaw talaga puro ka kalokohan. Oh eto bayad ko." "Salamat Aling Conching! Sa uulitin. Bili ka ulit ah." pagpapasalamat ko at sabay kuha ng bayad niya. Pagkaalis ni Aling Almost Toothless, inasikaso ko na ang ibang customers. Napasarap ang pakikipagdaldalan ko di ko na namalayan na marami na palang namimili sa aming munting tiyanggi. "Ay kuyang pogi! Mas maganda itong dress na 'to! Para ba sa misis mo?" "Ah, oo. Birthday niya kasi. Ireregalo ko," sabi niya. "Mas okay to! Lalong se-sexy misis mo kapag sinuot nya 'to" "Talaga? Baka naman binobola mo lang ako?" mapagduda niyang tanong. Alam kong bolera ako madalas pero kapag sinabi kong maganda, maganda talaga. Mga anak lang naman ni Aling Conching ang panget. Ugh chararats! "Nagsasabi ako ng totoo! Tsaka, bakit ka nagdududa? Hindi ka ba nase-sexy-han sa asawa mo?" tanong ko. "Sexy ang misis ko no! Kaya nga nakaka 3 rounds kami kapag nagse-s*x eh." Pagkukwento pa ni kumag. Pake ko ba kung ilang rounds nakakaya nila ng misis nya. Duhhh. Me is not interested. Tinawanan ko na lang ang sinabi niya. "Yun naman pala eh, bilhin mo na at lalong se-sexy si misis. Malay mo hindi lang 3 rounds kayanin nyo, 10 rounds pa!" Mukhang natuwa si Kuya sa sinabi ko. "Sige, pabili ng sampu nito," at nauto ko na nga. "Ay bongga! 400 lahat" Excited niyang inabot ang bayad at nagmamadaling umalis. Mukhang may madidiligan at may magpe-perform ng husto. SANA ALL!! Habang busy sa pag-aasikaso sa customers, biglang kumalam ang sikmura ko. Napatingin ako sa orasan sa cellphone ko. Masyado akong natuwa sa pang-uuto sa mga namimili, mag aala-una na pala. Nagugutom na ko pero wala pa rin ang kapatid kong magaling. Dadalhan niya kasi ako ng tanghalian dahil hindi ko na nadala ang baon kong pagkain sa sobrang pagmamadali at ang lola niyo ay tinanghali ng gising. Dahil bakasyon ngayon, nagbabantay ako dito sa tiyanggian namin. Kasama ko dapat si nanay. Kaso sinama siya ni Lola Bering na magluto sa birthday ni Kapitana para may makatulong siya. Kaya mag-isa akong nagtitinda dito. Patuloy lang ako sa pagbebenta sa customers para malibang ako sa paghihintay sa kapatid ko. "Ay, anong meron? Bakit may kumpulan dun?" rinig kong tanong nung isang tindera. "Ah, si Mayor Jim nandyan." Sagot naman nung isa pang tindera. Tinanaw ko yung sinasabi nilang nagkukumpulan na mga panget. At doon ko nga nakita si Mayor Jim na abalang-abala sa pakikipag-usap sa mga tao. Habang nakatanaw don, biglang napatingin si Mayor sa banda ko. Nagkatinginan kami. Pero agad akong nag-iwas ng tingin. At nagpatuloy lang sa pagbebenta. Malapit siya sa mga tao dito, kaya naman kuhang-kuha niya ang loob nila. Bukod sa mabait, talagang mahusay ang kanyang pamamalakad sa buong bayan. Totoo naman ang lahat ng mga iyon. Pero... sa kabila ng mga mgagandang bagay na naririnig ko tungkol sa kanya, may kakaiba akong kutob. Lalo na kapag... nagkakatinginan kami. Ang lagkit kung tumingin...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook