Kabanata 1 (Ang Bagong Kapitbahay)
Ang kwentong ibabahagi ko ngayon sa inyo ay mula sa isang kaibigan..
tungkol sa isang bangungot na kanyang naranasan kasama ang kanyang pamilya. At kahit ilang dekada na ang lumipas ay nanatili pa rin sa isip niya ang mga kakila- kilabot na alaala ng nakaraan...
1964
Negros Occidental
(true story po kaya di ko na nilagay ung eksaktong lugar)
Masaya at tahimik na namumuhay ang 25 taong gulang na si Celso, kasama ang kanyang maybahay na si Celia na noon ay 23 taong gulang naman. Biniyayaan sila ng 2 mababait na anak na babae- sina Aida (9) at Ana (7).
At dahil karaniwan na sa mga probinsya ang pangingisda, isa iyon sa mga hanapbuhay noon ni Celso. Maliban doon, umeekstra rin siya paminsan-minsan ng pagkokonstruksyon lalo na kapag mga panahong mahina ang huli ng isda.
Isang araw..habang nagwawalis si Celia sa kanilang bakuran ay naging panauhin niya ang ina ng kanyang asawa.
Ising: Kumusta naman kayo rito, Celia?Aba'y malaki na iyang sinapupunan mo ah. Kailan ka ba manganganak?
Celia: Kabuwanan ko na nga ho, 'Nay. Kaya nga ho kayod kalabaw ngayon iyang anak niyo. Ang dami lasing gastusin, sa susunod na taon ay papasok na rin si Ana sa eskwela.
Ising: Naku anak...pasensya na kayo at gipit na gipit rin kami ngayon...hayaan mo at kapag nakatapos ng kolehiyo si Rebecca, kahit papaano ay giginhawa ng kaunti ang buhay natin.
Celia: Ano ba kayo..wala ho iyon sa amin, 'Nay. Alam naman namin ni Celso na hirap na hirap din kayo maigapang lamang sa pag- aaral ang bunso ninyo.
Ising: Eh maiba pala ako...huwag niyo na munang palalabasin ang mga apo ko. Mayroon na naman daw kasing gumagala na aswang dito sa ating barrio...
Celia: H- ho? Eh saan naman daw ho galing, Nay?
Ising: Ang balita eh dayo lamang dito sa ating lugar...iyong kambing na bagong panganak ng isa nating kababa- barrio ang unang pinuntirya.
Ubos lahat ng anak at iyong inahin, halos buto na lamang ang itinira! Kaya mag- iingat kayo..lalo ka na at buntis ka pa naman.
Nabalot ng kilabot ang buong sistema ni Celia pagkarinig sa ibinalita ng kanyang biyenan. Nag- alala siya para sa mga anak at lalo't higit sa kanyang sarili.
Nang gabing iyon ay ikinuwento niya rin sa asawang si Celso ang tungkol sa aswang na gumagala diumano sa kanilang lugar.
Celso: Baka naman may dagdag lamang iyang kwento, Celia. Alam mo naman ang tsismis, bago pa makarating sa'yo eh iba't ibang bersyon na.
Celia: Ang inay na ang nagsabi sa akin, Celso. Wala naman sigurong masama kung mag- iingat tayo. Nag- aalala lang ang iyong ina para sa atin lalo na at medyo malayo ang kanila rito sa atin..tapos madalas ka pang wala.
Ang lupang kinatitirikan kasi ng bahay nina Celso ay namana niya sa kanyang mga magulang. Kaya lamang, malayo iyon sa mga kapitbahay dahil dati nila iyong sakahan. Mayroong bahay- kubo na ilang kilometro ang pagitan mula sa kanila ngunit walang nakatira roon.
Celso: Sabagay, maige na rin nga iyong alerto tayo. Huwag mong palalayuin ang mga bata..hangga't maaari ay dito na lamang sa loob ng bakuran natin sila maglaro. Lalo ka na..ilang linggo na lang ay iluluwal mo na ang ating pangatlo. Sana naman ay lalaki na iyan, Celia.
Sinunod nga ni Celia ang bilin ng asawa at biyenan. Ang mga anak naman niya ay pinalaki nilang masunurin kaya magmula nang kausapin niya ang mga ito ay halos hindi na talaga lumalabas ng bahay.
Aida: Nay...may tao po sa labas ng bakuran natin...
Napatigil si Celia sa paglalaba nang lapitan siya bigla ng panganay niyang si Aida. Dahil nga kabuwanan na niya, nahirapan siyang tumayo upang silipin kung sino ang bisita nila.
Napakunot- noo siya nang may matanaw na babae sa labas ng bakuran nila. Hindi iyon pamilyar sa kanya . Naisip niya tuloy na baka naliligaw ito.
Celia: A- ano pong kailangan nila?
Nang masilayan niya sa malapitan ang babae ay nakumpirma niyang dayo lamang ito sa lugar nila. Maganda ito, mukhang dalaga pa. Mahaba at itim na itim ang buhok nito na halos umabot sa bewang. Simple lamang ang ayos nito at nakasuot ng isang kupas na bestida.
Babae: Magandang araw ho..ako nga pala si Roma. Diyan ako nakatira sa kubo sa unahan..nais ko lang sanang makilala ang nag- iisa kong kapitbahay.
Matamis ang ngiti ng babaeng nagpakilalang Roma. Mukha itong mabait ngunit hindi maintindihan ni Celia ang sarili kung bakit tila nakaramdam siya ng kakaiba. Marahil ay labis lamang siyang nag- iisip nitong mga nakaraang araw.
Celia: Hindi ko alam na may nakatira pala sa kubo? Ang alam kasi namin ay abandonado na iyon..halos butas- butas na kasi at nagtataasan na ang mga talahib sa paligid.
Nais sanang papasukin ni Celia ang babae sa loob ng bakuran nila ngunit tila ba...may pumipigil sa kanya.
Roma: Halos isang buwan na akong nakatira riyan...hindi niyo lamang siguro ako napapansin. Madalas kong makita ang mga anak mo kapag dumaraan sila patungong eskwelahan.
Napalingon si Celia sa bahay nila nang mapansing nakangiting nakatingin doon ang babae. At nakita niya na nakasilip pala sa bintana sina Aida at Ana.
Paglingon niyang muli sa babae ay napansin niyang titig na titig naman ito sa umbok ng tiyan niya.
Roma: Napakabango talaga ng amoy ng sanggol ( mahinang bulong sabay singhot)
Sigirado si Celia na may ibinubulong si Roma habang nakatitig sa sinapupunan niya ngunit naman niya iyon gaanong marinig at maunawaan.
Bigla tuloy siyang kinabahan sa kakatwang ikinikilos nito. Awtomatikong napahawak tuloy siya sa kanyang tiyan na tila ba pinoprotektahan niya iyon mula sa kapahamakan.
Roma: Kapag nanganak ka...maaari mo ba akong kunin na ninang? Tutal..magkapitbahay naman tayo, Celia...
Lalong nagulat si Celia nang banggitin ni Roma ang pangalan niya gayong hindi pa naman siya nagpapakilala rito. Tila nabasa naman ng babae ang nasa isip niya.
Roma: Ah...naririnig ko kasi kapag nag- uusap kayo ng asawa mo..Celso ang pangalan niya, diba? Diyan kasi ako madalas mangahoy sa may malapit sa likod- bahay ninyo. O sige..tutuloy na ako, Celia...
Matagal ng nakaalis si Roma ngunit nanatiling nakatayo pa rin si Celia at halos tulala. May kakaiba kasi bago nilang kapitbahay..tila ba sa likod ng maganda nitong hitsura ay may itinatago itong lihim. Napakarami rin nitong alam tungkol sa pamilya niya.
Celso: Hindi ka dapat nakikipag- usap sa kung sinu- sino lalo na at dayo lang pala dito sa ating lugar. Baka mamaya..iyan pala iyong sinasabi nilang aswang na gumagala rito sa atin.
Sermon ang natanggap ni Celia mula sa asawa nang ikuwento niya rito ang tungkol kay Roma.
Celia: Hindi naman natin dapat husgahan agad ang ibang tao lalo na at wala naman tayong sapat na basehan, Celso.
Celso: Iyang mga katwiran mong iyan Celia ang magpapahamak sa atin...basta sa susunod..huwag na huwag ka ng lalapit sa babaeng iyon lalo na iyang mga bata. Sa'yo nakasalalay ang kaligtasan ninyo kapag wala ako rito.
Hindi na lamang umimik si Celia para hindi na humaba pa ang diskusyon nila ng kanyang asawa.
Kinabukasan....
Celia: Celso..a- ang sakit ng t- tiyan ko..m- manganganak na yata a-ako!
Nataranta naman agad si Celso na noon ay paalis na sana papuntang trabaho.
Celso: S- sigurado ka ba, Celia? A- akala ko ba ay sa susunod na linggo pa ang kabuwanan mo? S- sandali, pupuntahan ko lang si Nanang Juling.. Aida! Ana! Bantayan niyo na muna rito ang Nanay niyo, susunduin ko lamang iyong maghihilot.
Agad namang tumalima ang dalawang bata. Halos hindi rin alam ang gagawin sa nakikitang paghihirap ng kanilang ina.
Sa labis na pagmamadali ni Celso ay hindi na niya napansin ang nakangising si Roma na nakasilip sa bintana ng kubo nito.
Matiwasay na nailuwal ni Celia ang pangatlo nilang supling. Labis labis naman ang tuwa at pasasamat ni Celso dahil sa wakas ay may anak na siyang lalaki.
Pagsapit ng alas diyes ay dumating ang pamilya ni Celso at naghanda ng kaunting salu- salo para sa kanila at kay Nanang Huling.
Aida: Nay..Tay..Hindi po ba natin iimbitahin si Manang Roma? Marami naman po itong handa natin..baka po nalulingkot siya dahil mag- isa lamang siya sa kanila.
Inosenteng tanong ni Aida na ikinatigil ng lahat.
Ising: Sinong Roma ang tinutukoy ng anak mo, Celso?
Takang tanong ni Ising sa anak.
Celso: Ah..iyong kapitbahay namin na nakatira riyan sa kubo..iyong nadadaanan papunta rito sa amin. Nagpunta na rito minsan at kinausap si Celia..sabi ko nga ay huwag basta basta makikipag- usap lalo at dayo lamang pala rito sa atin ang babaeng iyon.
Nagkatinginan naman lahat ng kamag- anak ni Celso na naroon. Alam kasi nila na matagal ng walang nakatira sa kubo na iyon.
Ising: Masama ang kutob ko, Celso. Lalo at bagong panganak ang asawa mo. Doon na muna kaya kayo sa bahay para makasiguro tayong ligtas ang mag- iina mo kapag wala ka.
Celso: Nay naman . .paano naman itong bahay namin? Eh di ito naman ang ginawang tahanan ng masasamang espirito? May mga pangontra naman kami rito kaya huwag na kayong masyadong mag- alala.
Napabuntung- hininga na lamang ng malalim si Ising sa isinagot ng anak nitong si Celso. Matapos magbilin na magdoble ingat sa manugang at mga apo ay nagpaalam ng aalis ang mga ito.
Si Celso naman ay gumawa ng mga kwintas na bawang para sa kanyang pamilya at inilagay ang mga iyon sa ulunan ng higaan. Hinasa niya rin ang kanyang itak at inihanda ang pana na ginagamit nya sa pangingisda.
Celia: Celso! Celso ! Gising! P- parang may naglalakad sa bubong natin!
Napabalikwas naman agad si Celso sa mga malalakas na tapik ng asawa. Palibhasa ay nagpapadede, tulog- manok lamang si Celia. Sina Aida at Ana naman ay mahimbing na mahimbing ang tulog dahil napagod maghapong paglalaro.
Pinakiramdaman muna nila ang ingay na nagmumula sa bubong. Tila hinuhukay nito ang bubong nila na yari sa kugon. May naririnig rin silang huni na tila galing isang uwak!
Celia: Celso..n- natatakot ako!
Celai: Ikwintas mo ito, Celia . Lagyan mo rin ang mga bata! Lalabas ako at makikita ng lintik na aswang na iyan ang kanyang hinahanap!
Mahigpit na pinigilan ni Celia ang braso ng asawa bago pa ito makatayo.
Celia: P- paano kung mapahamak ka? Paano na kami ng mga bata?
Celso: Magtiwala ka lamang sa akin, Celia. Kakampi natin ang Diyos. Magrosaryo ka habang itinataboy ko ang pangahas na aswang na iyan!
Maingat ang mga kilos ni Celso nang nagtungo ito sa kusina upang kunin ang inihanda nitong pana. Nagsaboy din ito ng asin at dinikdik na bawang sa bawat sulok ng kanilang tahanan.
Si Celia naman, matapos mailagay sa mga leeg nilang mag- iina ang mga kwintas na bawang, sa nangangatal na mga kamay ay kinuha ang rosaryo na nasa altar at inumpisahan nang magdasal.
Higit nanaig kay Celso ang galit kaysa takot..tahimik at maingat na lumabas siya ng kanilang bahay. At kitang- kita niya ang isang malaking itim na ibon na abalang- abala at tila gigil na gigil habang pilit na binabaklas ang kanilang bubong. Dahil doon ay hindi siya nito namalayan.
Si Celso ay isa sa mga mahuhusay na mamamana sa kanilang lugar. Iniumang niya ang pana at itinutok sa aswang. Hindi siya maaaring sumablay sa pagtira sa aswang, kailangang niya iyong matamaan dahil kung hindi ay tiyak na mapipinsala siya nito at ang kanyang mag- iina!
At laking tuwa ni Celso nang asintadong matamaan niya ang malaking ibon sa likuran na siyang ikinaungol nito. Agad na bumaling iyon sa kanya ng tingin na ikinaatras niya. Nang maisip na baka daplis lang ang pagkakapana nya sa aswang ay biglang sinalakay ng kaba ang dibdib niya.
Maya- maya ay kumilos iyon at takot na takot siya sa pag- aakalang lilipad iyon patungo sa kanya. Ngunit nagulat siya nang ang tinahak na diresyon ng aswang ay palayo sa bahay nila...patungo sa kubo! Nakatusok pa rin sa likod nito ang palaso ng kanyang pana at napansin niyang tila hirap na hirap iyon dahil mabagal lamang ang paglipad.
Susundan niya sana ang aswang ngunit naalala niya ang kanyang pamilya kaya nagmadali siyang pumasok sa loob ng bahay at mahigpit na ikinandado ang pinto.
Celia: Celso! A- anong nangyari? Nasaan na ang a- aswang?
Ang lumuluhang tanong ni Celia habang yakap ng mahigpit ang bagong silang na anak nila, habang wala pa ring kamalay-malay ang dalawang anak nilang babae sa mga nagaganap.
Celso: Natamaan ko ang aswang sa likuran, Celia. At mukhang tama ang hinala namin ni Nanay, ang dayong si Roma ang aswang! Hindi na tayo ligtas dito sa lugar natin hanggat hindi tuluyang napupuksa ang aswang na iyon!