At the Bar

399 Words
Gabriel POV Nakaugalian na naming magkakaibigan na magkita - Kita every weekend sa bar na pagmamay-ari ni Vincent, Hindi lang para uminom kundi para makakuha ng makakalaro sa kama. Pero halos lahat na yata ng mga babaeng nakikita ko dito ay nadala ko na sa langit. Mula ng umalis si Ana papuntang Dubai ay ganito na ulit Ang routine ko sa buhay. Mukha namang kinalimutan na nga nya ako. Kaya kakalimutan ko na lang din sya. Madami pa namang babae. Pero iba Ang gabing ito para sa akin, parang may kakaibang mangyayari. Nakita ko Ang isang babae na nasa bar counter, maganda sya, maya't Maya ang paglapit sa kanya ng mga lalaki, pero nakakapagtaka na mukhang ayaw nya sa mga ito. Gusto ba nyang mag-isa? Tinitigan ko sya, matangkad, sexy at mukhang misteryosa. Napatingin sya sa akin, nagtama Ang aming mga mata. Tila ba kilala nya ako. Maya- maya ay pumunta sya sa restroom, sinundan ko sya, paglabas niya nagulat sya na Makita nya ako. I asked her Kung pwede ko sya samahan sa table nya, then she agreed. Nagpakilala kami sa isa't Isa. Nalaman ko na Isa pala syang model. Dahil maingay sa loob ng bar ay naisip namin na lumipat na lang para makapagkwentuhan kami ng maayos. Sa isang coffee shop malapit sa bar ay pumasok kami. Kung sa ibang pagkakataon ay sa hotel na Sana kami dumirecho, pero sa nakikita ko ay Hindi sya ganung babae. Naalala ko tuloy sa kanya si Ana, and the heck! magkapangalan sila. Hindi na ba talaga ako titigilan ng mga Ana? Pareho din silang chinita, maputi din sya, mas matangkad nga lang,well given na yun dahil Isa syang model. She's nice, I enjoyed talking to her. Nalaman ko din na taga Quezon sya at malapit lang sila sa rancho namin nakatira. Hinatid ko sya sa condo nya, pero bago ako umalis ay niyaya ko sya maglunch date para bukas. Pumayag naman sya at mukhang lumiwanag Ang kanina ay medyo malungkot nyang mukha. see you tomorrow Ana! Goodnight and sweet dreams. Ngumiti sya sa akin at hinatid ako sa labas ng condo, pero bago sya pumasok ay natulala ako sa sinabi nya... Ingat ka Gabby! see you tomorrow. Tama ba Ang narinig ko? tinawag nya akong Gabby? Isa lang Ang taong tumatawag sa akin sa ganung pangalan. Hindi Kaya sya Ang matagal ko ng hinahanap? I need to know the answer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD