Pagkalapag ng eroplanong sinakyan ni Ana galing Dubai ay tumungo sya sa kanilang bahay. Na-miss nya Ang kanyang Ina, at gusto nyang makasama ito ng matagal tagal ngayong nandito na sya ulit sa Manila. Hindi napaghandaan ni Ana Ang kanyang inabutan pagdating sa bahay, nandun pala Ang kanyang Tita Via kasama si Dave, Kaya pala nagdahilan ito na Hindi sya masusundo sa airport at pinasundo na lamang sya sa driver nito.
I miss you anak, si mama Zeny
I miss you too ma, saka Yung luto mo namimiss ko na din.
Welcome back hija, Ang anak ko ba Hindi mo na-miss? , Ang kanyang Tita Ana.
naku tita, paano ko Naman po Yan mami-miss eh lagi akong kinukulit nyan sa Dubai. , alam nyo po bang every other month Yan Kung dumalaw dun sa akin? , palatak ni Ana sa Ina ni Dave.
that's great! so mukhang nagkakasundo Naman pala kayo, kelan natin ise-set Ang kasal nyo mga anak? , si Tita Via ulit.
Nagkatinginan Ang dalawa habang nakangiti, si Dave Ang naging ice breaker nila ngayon.
Mom, don't put pressure on us okay, darating din Tayo dyan, sa ngayon gutom na si my loves Kaya kain na muna Tayo. ,
Sa tinuran ng binata ay nakangiti na din Ang mga magulang nila, sa endearment na binigkas ni Dave para sa kanya ay iisipin talaga ng mga ito na may relasyon sila na higit pa sa magkaibigan.
Friday night...
Nasa isang bar ngayon si Gabriel at kasama Ang mga kaibigan.
Alam nya na ngayon Ang balik ni Ana galing Dubai. Gusto nya itong tawagan at kumustahin pero pinipigilan nya Ang sarili. Sa loob ng isa't kalahating taon ay tila may namuong pader sa pagitan nila. Hindi nya mawari Kung paano nag umpisa yun, pero alam nyang sya din Naman Ang may gawa nun. Gusto Kasi nyang makompirma Kung totoo na ba syang nagmamahal o baka Naman gusto lang nya itong makuha katulad ng mga ibang babae na naikakama nya. Ngunit aminin man nya sa Hindi ay sadyang Hindi maalis sa isip nya si Ana. Sa tuwing may nakakasama syang babae ay si Ana Ang naiisip nyang kasiping. Minsan nga ay natawag nya Ang pangalan nito sa gitna ng mainit na tagpo kaya't nagulat din sya, buti na lang at Hindi ito napapansin ng babaeng kasalo nya sa kama.
Samantala, sa isang sulok ng bar ay may isang babaeng nakaupo at umiinom mag-isa, nakatuon Ang paningin nito sa grupo ng kalalakihan na pinalilibutan ng babae dahil sa angking kakisigan ng mga ito. Maya maya ay lumipat Ang babae sa may bar counter at umorder ng lady's drink. May mga lalaking lumalapit dito pero agad din namang umaalis. Tila ayaw nya ng may makasama.