Anabelle

389 Words
Third Person's POV Isang dalaga na lumaki sa hirap ang gustong makaangat sa buhay. Gagawin nya Ang lahat para Hindi na nya muli pang maranasan Ang kahirapan sa buhay. Sinikap nyang makapagtapos ng pag-aaral , at dahil matalino sya kaya't Hindi mahirap sa kanya na gamitin Ang talino upang umangat sa buhay. Dahil likas din Ang kanyang kagandahan, nakilala sya bilang isang sikat na Modelo. Naging daan Ang kanyang pagmomodelo para matamasa nya Ang karangyaan sa buhay. Sya si Anabelle Dela Cruz, tubong Quezon province pero sumikat sa New York bilang isang fashion model. Nagdesisyon si Anabelle na bumalik sa Pilipinas matapos ang walong taon upang maisakatuparan Ang matagal nya ng pangako sa sarili. Ang pangako na Hindi nya kailan man binitiwan dahil alam nyang darating Ang araw na magmamahal sya at mamahalin din sya. Pasado alas otso ng Gabi ng dumating sa Manila airport Ang eroplano na sinakyan ni Anabelle galing New York. Agad syang dumirecho sa condo nya para makapag pahinga. Wala syang balak umuwi sa Quezon dahil Hindi alam ng tatay nya na nakauwi na sya. Ang gusto lang nya ngayon ay Makita Ang lalaking dahilan ng pag uwi nya sa Pilipinas. Ang lalaking matagal na nyang pinangarap pero sadyang Hindi sila pinagtatagpo. 2 years ago... Gabriel Valdez was invited as one of the guests sa Runway Manila, Ang naghahandle ng malaking modeling events Sa bansa. Nakita ni Anabelle Ang binata na may kasamang sikat na artista, nanibugho Ang damdamin ng dalaga kaya't hindi sya nagpakilala dito. Pagkatapos ng event na iyon ay pinagplanuhan nya Kung paano sya makakalapit Kay Gabriel. Ayaw nyang pag-isipan sya nito ng Hindi maganda. Gusto nya na kapag nagtagpo sila ay mala fairy tale romance, katulad ng ipinangako nila sa isa't Isa. Sya Ang Reyna, at si Gabriel Ang kanyang Hari. Present Time... Friday night, nagpunta si Anabelle sa isang sikat na bar, alam nya na dito nagpupunta si Gabriel kaya't balak nya itong sundan. Hindi muna sya magpapakita dahil ayaw nyang isipin nito na nag iba na sya. Sya pa Rin Naman Ang Ana na probinsyana, dangan nga lamang ay binago sya ng pagkakataon dahil sa nature ng kanyang trabaho. Isa syang Modelo kaya't dapat ay mag ayos at kumilos sya na katulad nito. Buo na Ang loob ni Ana, gusto nyang Makita si Gabriel, the love of her life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD